Chapter 7

593 63 34
                                    

"What?! Anong sinabi mo sa kaniya?!" Yohan can't help but grumble annoyingly while listening to his little brother's rant. Kanina pa ito dada ng dada sa harapan niya habang nakatayo sa may pintuan ng kwarto niya. Siya naman ay nakahiga sa kama niya at tinatakpan ang mukha gamit ang mga palad dahil sa nararamdaman niyang frustration sa sarili. 

"I said to her . . . Asa ka namang gusto kitang maging girlfriend," sagot niya sa kapatid bago muling sinabunutan ang buhok at frustrated na sumigaw, "Fuck!"

"The hell Kuya Yohan! Tinuruan na kita! Buong gabi pa tayong naghanap ng perfect endearment para diyan sa crush mong Bisaya! Tapos sasabihin mo sa akin na after mo siyang tawaging "langga" eh sinabihan mong umasa na lang na magiging girlfriend mo siya?! Kaya hanggang ngayon eh wala ka pa ring girlfriend dahil diyan sa pagiging maldito mo!" pangkakastigo sa kaniya ni Xavier na mas nagpasakit ng ulo niya.

"Bigla nga akong nahiya! Stop lecturing me!" inis niyang paliwanag dito. Kasalanan ba niyang biglang bumilis ang tibok ng puso niya at namula ang mukha niya matapos niyang tawaging "langga" ang babae?! 

"You're a hopeless case Kuya Yohan," iiling-iling na sabi sa kaniya ni Xavier bago ito umupo sa kaniyang kama at judgemental siyang tinitigan. "Anong naging reaction niya sa sinabi mo?" dagdag nitong tanong na halata namang curious sa nangyari.

Malakas siyang napabuntung-hininga bago ito sinagot. "Binato niya ako ng mop."

Ang kaninang seryosong mukha ni Xavier ay biglang nagbago. He suddenly laughed out loud like he just heard the funniest joke in the whole world. Maluha-luha pa ito at pilit na pinipigilan ang sarili lalong-lalo na dahil masama siyang nakatingin dito.

"Not gonna lie Kuya Yohan but you do deserve that," tawang amin nito sa kaniya.

"Shut up and help me figure out what I should do tomorrow," inis niyang sabi.

"Hmm . . . Well, I think you could perhaps buy her something that she likes. Ano bang gusto ng crush mo na gawin? Like something that she always do," tanong sa kaniya ng kapatid.

"Kumain," walang alinlangan niyang sagot dito.

Tuwing palihim niyang hinahanap si Apple noon ay alam na niya talaga kung saan ito pwedeng makita. Memorize niya ang class schedule nito kaya alam niya kung nasaan ang room nito kada period. Kung wala itong klase ay either nasa HRM laboratory ito at tumutulong kay Mrs. Fortu or nasa canteen ito at kumakain.

She likes food and he likes seeing her enjoying them without care of her weight.

"Bilhan mo kaya ng milktea or frappe. I heard na uso daw iyon ngayon," suggest sa kaniya ni Xavier habang kinakalikot ang cellphone niya na hindi niya napansing nakuha na pala nito. Agad naman siyang napabalikwas ng bangon at akma sana iyong aagawin sa kapatid ngunit mabilis itong lumayo sa kaniya. "Siya ba itong nasa wallpaper mo?" curious nitong tanong.

"No shit, Sherlock. Sa tingin mo ibang babae ilalagay ko sa wallpaper ko?" inis niyang sagot dito sabay hinablot ang phone niya.

Matagal na niyang wallpaper si Apple. It took him a long while to find a picture of her. Hindi kasi mahilig sa social media ang babae at palaging umiiwas kapag may picture-taking na nagaganap. The picture that he was using right now was just a pic that he sneakily took while she was watching his soccer practice.

Agad niyang binulsa ang phone at tiningnan muli ang nakababatang kapatid.

"Frappe lang ba?" tanong niya dito.

"Dagdagan mo naman Kuya! May iba pa ba siyang gustong pagkain?" alma nito.

"She likes fried food," mahina niyang dagdag na agad na tinanguhan naman ni Xavier.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now