Chapter 26

427 48 10
                                    

"Langga . . ." Rinig niyang nanlalambing na tawag ni Yohan sa kaniya ngunit nakatuon lamang ang kaniyang buong atensyon sa cellphone niya. Nakahiga siya sa kama habang nagbabasa ng update ng favorite author niya. Sa totoo nga lang ay hindi niya naiintindihan kung anong binabasa niya dahil hindi mapakali si Yohan sa loob ng kwarto niya. Kanina pa niya kasi itong hindi pinapansin at mukhang hindi na nito kinaya ang "silent treatment" niya dito dahil umupo na ito sa tabi niya at pinisil ang gilid niya. "Langga . . ." tawag nitong muli ngunit hindi pa rin niya ito nilingon o kinausap.

Yohan continued calling her and pinching her side until he accepted that she won't talk to him no matter what. Mga ilang segundo ang lumipas bago niya narinig ang boyfriend na malakas na bumuntung-hininga bago tumayo mula sa kama at lumabas ng kwarto niya. Uuwi na ata.

She spent a minute contemplating whether to go out and say goodbye to him. Nang hindi na niya makaya ang pagpipigil ay mabilis siyang tumayo sa kama at halos patakbong lumabas ng boarding house. Nang makarating sa labas ng gate ay nagtaka siya nang makita na naka-park pa naman ang sasakyan ni Yohan doon. 

Napalingon-lingon siya sa paligid upang mahanap ang lalake ngunit hindi pa rin niya ito makita. She chose to just sit down at one of the big stones decorating the front of her boarding house and wait for Yohan. Makalipas ang ilang minuto ay nakita niya itong naglalakad papalapit sa kaniya habang may dala-dalang malaking paper bag na may logo ng 7/11. 

"Bakit ka lumabas?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya ngunit agad niya lang itong nilapitan at niyakap. "Bati na tayo?" nagtataka nitong tanong habang maingat na nilapag ang paper bag sa may lupa at niyakap siya pabalik.

She nodded her head in confirmation before burying her face on his chest. Wala na nga siyang pakialam na nasa tapat sila ng gate naglalambingan. Mainggit na ang mainggit.

"Akala ko umuwi ka na," bulong niyang ani.

"Paano ako uuwi kung hindi mo pa ako kinakausap?" natatawa nitong sagot habang pinipilit siyang tumingin dito. He held both of her cheeks and directed her to look up to him. "Ok na tayo?" tanong nitong muli habang pinipisil ang kaniyang pisngi.

"Oo nga!" nakakunot noong sagot niya dito. 

"Oh galit ka na naman," natatawang point out nito.

"Uwi ka na kasi! Anong oras na oh! Tapos bibiyahe ka pa," she nagged at him. Malapit na kasing mag-11 PM at hindi pa ito umuuwi. Nag-aalala lamang siya para dito. Hindi pa namam ito sanay umuwi ng gabi dahil diretso lamang talaga sa bahay ang destination nito noon. Nag-iba nga lang nang maging sila dahil tumatambay pa ito dito sa boarding house niya hanggang 10 PM.

"Sama ka kaya sa akin? Friday naman ngayon," pagpupumilit nito ngunit mabilis lamang siyang umiling.

"Sinabi ko na sa iyo kanina, Yohan. May meeting kami ng Student Council. Malapit na ang isa sa mga event ng school natin. We would talk about preparations and stuff," paliwanag niyang muli dito. "Bakit ba kasi ang kulit-kulit mo?! Nakakainis ka!" ika niya habang masamang nakatingin dito.

"Why are your mood swings so fucking complicated right now?" he asked while laughing.

"Gusto mo bang magalit ako ulit?" maldita niyang tanong dito.

"Of course not! Langga chill. Sabi ko nga uuwi na ako," parang inosenteng tuta na ika nito bago siya binigyan ng mabilis na halik sa labi. "Kumain ka. I bought some snacks from the convenience store for you in case you got hungry. Hindi ka pa naman kumain ng dinner," paalala nito sa kaniya bago siya hinalikan muli.

"Opo," she said before finally letting him go from her hug and pushing him towards the direction of his car. "Ingat ka. Chat ka sa akin kapag nakauwi ka na," she reminded Yohan while watching him walk towards his car and opening it.

"I will. Bye langga," he said while waving at her. She waved back but then remembered something. Mabilis siyang lumapit muli kay Yohan at hinawakan ang kamay nito. Napalingon naman sa kaniya ang lalake at nagtatakang napatingin sa kaniya. Kagat-labi niyang pinisil ng tatlong beses ang kamay nito. At first, Yohan seemed puzzled with what she did, but he then eventually understood and smiled like an idiot. He leaned towards her and whispered to her ear. "I love you too."

He gave her lips a quick but deep kiss before finally letting her go. Matapos iyon ay lumayo siya ng konti mula sa sasakyan.

"Bye . . . Ingat ka," ika niyang muli dito. Yohan smiled at her before finally going inside his car and turning on the engine and finally leaving. Hindi niya talaga gusto na late na itong umuwi dahil baka mapaano pa ito.

Nang hindi na niya tanaw ang sasakyan nito ay naglakad na siya pabalik sa may gate at dinampot ang paper bag na nilapag ni Yohan kanina. He bought quite a lot just like how he always do whenever they eat out. Spoiled talaga siya palagi kapag ang boyfriend ang bumibili ng pagkain niya.

Naglakad na siya papasok ng boarding house at didiretso na sana sa kaniyang kwarto nang makasalubong niya si Gwyneth na bihis na bihis.

"Apple Pie! Wala na boyfriend mo?" nakangisi nitong tanong sa kaniya. Halatang-halata na may kalokohang iniisip.

"Oo. Bakit?" kinakabahan niyang tanong.

"Bilis! Magbihis ka na!" excited nitong ika habang tinutulak siya papunta sa kwarto niya.

"Ha? Bakit?" naguguluhan niyang tanong dito habang nagpapatangay sa pagtulak nito.

"Birthday ni Cindy ngayon. Nag-iinuman na sila doon sa resort na nirentahan ng parents niya. Kaya bilisan mo na diyan!" paliwanag nito sa kaniya habang sumasabay sa pagpasok niya sa kwarto.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Nakapagpaalam sana ako kay Yohan," maktol niya habang binubuksan ang drawer at naghanap ng maisusuot.

"Gaga! Kaya ko nga hinintay na umuwi 'yang boyfriend mo dahil sure naman akong hindi ka papayagan nun," sagot ni Gwyneth sa kaniya habang walang paalam na tiningnan ang laman ng mga binili ni Yohan sa kaniya. She took a chip and unhesitatingly opened it. Ang bruha kinain pa ang pinamili ni Yohan kanina.

"Tawagan ko kaya?" nag-aalala niyang ika sa sarili ngunit mabilis siyang pinigilan ng kaibigan.

"Nagda-drive yung boyfriend mo. Gusto mo bang maaksidente iyon dahil pinag-alala mo?" Her friend tried reasoning to her until she gave up and just got ready for the party.

Jusko Lord! Huwag naman sana akong mapagalitan ni Yohan.






Yohan was halfway home when he suddenly got a call from Gray. Hindi niya iyon pinansin hanggang sa tumigil ang pag-ring ng kaniyang phone. Akala niya ay hindi na ito muling tatawag ngunit bigla na namang nag-ring ang kaniyang phone.

All his friends knew how much he hated getting unnecessary calls and messages. Kung hindi naman importante ay alam na ng mga ito na hindi siya dapat gambalain. Kaya naman ay sinagot na niya iyon at pinindot ang speaker mode.

"Yo! Captain!" bati nito sa kaniya ngunit inunahan na niya ito.

"You better say something important or else," banta niya dito. "Make it quick. I'm driving," dagdag naman niyang paalala.

"Uhmm . . . I don't know if you already know about this but . . . your girlfriend is here," kinakabahan nitong panimula na nagpakunot naman ng noo niya. Bago pa siya makapagtanong sa kaibigan ay bigla naman itong napasigaw. "Oh shit! She's downing another bottle again! Captain, ang lakas uminom ng girlfriend mo! Naubos niya kanina yung isang botelya. Nagpaparamihan ata sila ng maiinom."

Dahil sa narinig ay bigla niyang natapakan ang brake. Buti na lamang at walang nakasunod sa kaniyang sasakyan. "The fucking hell?!" sigaw niya sa cellphone. Mabilis niyang pina-U turn ang sasakyan at kinausap muli si Gray. "Text me the address. I'm going back." His fist was already holding the steering wheel so damn tight. 

Is that the reason why she wanted me to go home so badly?!


My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon