Chapter 99

338 34 11
                                    

Agad na napaatras si Apple Pie dahil sa ginawa ng heneral. She couldn't see anything, it was pitch dark. Dahil sa kaniyang biglaang pag-atras ay napasandal siya sa may cabinet. Agad naman niya itong kinapa-kapa upang kahit papaano ay may makatulong sa balanse niya. Nangangatog na kasi ang mga tuhod niya sa takot at para bang ilang segundo lamang ay matutumba siya. 

"Hindi ko inaasahan na matutuklasan mo itong tagong opisina ko." Mabilis naman siyang napalingon sa direksyon ng boses na iyon at agad na pinuwesto ang sarili malayo dito. The heneral was speaking to her so leisurely as if she didn't just discover evidences of him being a murderer. "Hanga ako sa iyo Binibini, matalino ka. Nang nalaman ko na hindi mo kinain ang pagkaing nilagyan ko ng gamot ay napaisip ako kung natatandaan mo na ba ako o hindi."

Medicine? In my food?

Fuck! It was her dinner that she put aside and then discovered a dead rat beside it. Ito pala ang naglagay ng kung ano sa pagkain niya. So that means, ito ang may planong pumatay sa kaniya, right?! Tang-ina! Bakit ni hindi man lamang niya napansin iyon? The general was the only person visiting that day. Ito lamang ang tao mula sa labas na naroon sa bahay nila nang nangyari iyon.

"Gamot?! Tang-ina ka! Gusto mo akong lasunin!" Dahil sa galit ay hindi na niya ininda ang takot na malaman ng lalake kung nasaan siya banda. Ang tanging nasa isip niya ay galit siya at nasasaktan. She trusted this man. At one point, she even questioned her feelings for Yohan because she started feeling all of these foreign emotions whenever she was near the general. Ngayon niya na-realize na ang kabang nararamdaman tuwing malapit siya sa heneral ay hindi dahil sa may nararamdaman siya dito. She was nervous around him because Christina was afraid of this man. 

Christina knew that the general was the killer of her family. Maraming nag-akala na si Christina ang pumatay isa-isa sa tatay at mga kuya nito ngunit itong demonyo palang ito ang salarin.

"Lasunin?" patawang tanong ng lalake na nagpabigla sa kaniya kasi ang lapit na pala nito sa kaniya. She immediately squealed when his hands appeared in the dark and grabbed her arm. Agad niyang nilabanan ang pagkakahawak nito sa kaniya ngunit malakas ito at kinayang itali ang mga kamay niya ng walang kahirap-hirap. Ni hindi niya napansin na may hawak na pala itong tali. "Mahal ko, sinasaktan mo ako sa mga sinasabi mo," he said in a hurt voice. It was so sweet, almost like "nanglalambing". The hair on her arms stood up because of it. "Wala akong planong patayin ka, simpleng tinuturuan lamang kita ng leksyon. Pinapaalala ko lamang sa iyo kung sino ang nagmamay-ari sa iyo. Masunurin ka naman sa akin noon, hindi ba? Dumating lamang ang Eduardong iyon ay tinubuan ka na ng sungay."

He forcefully made her look back towards the wooden mannequins where the clothes were. He then hugged her from the back, making sure that her arms were secured. Pinatong nito ang ulo sa kaniyang leeg at tumindig ang balahibo niya nang maramdaman ang hininga nito doon. She winced when he suddenly sniffed her neck and licked it. Nilapit nito ang bibig sa kaniyang tenga at doon bumulong. 

"Lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo. Hindi ba't ikaw ang dahilan kung bakit ko pinatay ang Papá mo? Ilang ulit mo bang nilabas ang sama ng loob mo sa akin? Hindi ba't galit ka sa iyong ama sapagkat hindi ka nito binigyan ng atensyon? Pinatay ko siya para sa iyo," he chuckled after saying that. "Hindi ko lamang inaasahan na ang pagpatay ko sa iyong ama ang magiging dahilan kung bakit ka nila ililipat sa Espanya. Sa tingin mo ba papayag ako? Sa akin ka, simula pa lamang noon ay akin ka na."

Napapikit ang kaniyang mga mata nang dampian nito ng halik ang kaniyang leeg. 

"Nang kunin at dalhin ka ng iyong kuya sa Espanya ay kaagad naman akong gumawa ng plano upang mabalik ka sa piling ko. Hindi mo alam kung gaano kasarap sa pakiramdam habang binabasag ko ang bungo ng iyong kapatid gamit ng  bato."

Napaluha na siya nang marinig iyon. Her oldest brother didn't die from a fall from the horse, he was killed.

"Nang kunin ka naman ng iba mo pang kapatid ay kaagad na akong nagplano kung paano sila papatayin. Tanging nasa isip ko lamang ay tanggalin sa mundong ibabaw ang lahat ng mga taong aagaw sa iyo mula sa akin. Sa wakas mahal, nandito ka na sa aking muli," he said in a very proud voice as if what he did was a heroic act.

She shuddered when she realized everything. Anyone that "took" her was immediately killed by this man because he thought that they were taking her away from him. Ang tanging nasa isip nito ay nilalayo siya ng mga ito kaya naman dapat itong patayin. Iyon ang nangyari rin sa anak ng kaniyang tiyo. Ginoong Zaldua's son was almost killed by the general because they were the last family to help her after all her brothers died. The dream that she had wasn't a real memory, it was a distorted one. Si Heneral de Castro ang pumalo sa ulo ng anak ni Ginoong Zaldua. Ito ang dahilan kung bakit nawalan ito ng malay at muntikan pa ngang mamatay. That was the same night when Christina was able to escape. Nakatakbo ito at nagtago mula sa mga kamag-anak nito pati na rin sa heneral. Para siguro wala ng madamay. Hindi si Christina ang pumapatay, ang taong obsess dito ang gumagawa ng mga krimen na iyon. 

Iyon pala ang dahilan kung bakit nagtatago ang babae at napiling mamasukan bilang katulong. She could hide from anyone and blend in the crowd. Nang makapasok naman siya sa katawan nito at nagsimulang manirahan sa bahay ni Yohan ay naging perfect spot iyon para makatago siya. Yohan doesn't allow her to go out, thus making it hard for the heneral to find her. Malas lamang dahil nagkabanggaan sila nang bumisita ito kasama si Carmelita. 

Iyon ata ang rason kung bakit ang weird nitong makatingin sa kaniya. He was so interested with her at their first meeting. Mukhang nagulat ito na hindi niya ito matandaan at hindi siya tumatakbo mula rito. He used that opportunity to get her trust. 

Gusto niyang murahin ang sarili dahil napakaraming beses na sila lamang dalawa ang magkasama. He could easily kidnap her. That must be so fun for him, just seeing her so oblivious around him.

"Pa-Pakawalan mo ako . . . pakiusap," iyak niyang pakiusap ngunit matinding umiling lamang ang lalake.

"Sa tingin mo ba ay pakakawalan pa kita ngayong nandito ka na muli sa piling ko?! Bakit nais mong iwan ako?! Dahil ba sa putang-inang lalakeng iyon!" Ang kaninang malambing na boses nito ay unti-unting lumakas hanggang sa sumisigaw na ito. Marahas nitong hinawakan ang kaniyang pisngi at pinaharap sa may mannequin kung saan nakalagay ang pangalan ni Yohan. "Tignan mo iyang mabuti sapagkat hindi lamang kasuotan niya ang ilalagay ko diyan! Sisiguraduhin kong makukuha ko ang ulo niya upang sa tuwing susuwayin mo ako ay agad mong makikita kung anong mangyayari sa mga lalakeng nais kang agawin sa akin!"

Matapos iyon ay malakas siya nitong tinulak na nagpatumba sa kaniya. Naglakad ito pabalik sa may pintuan at sinimulang saraduhin iyon. Bago pa man nito tuluyang masarado iyon ay nagsalita itong muli. "Tandaan mo ito, sa susunod kong balik rito ay dala ko na ang ulo niya."

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now