CHAPTER 23

1.9M 45.6K 11.8K
                                    

I dedicate this chapter to all BIG-BONED women like Anniza. Mahirap na talagang makahanap ng lalaki na na katulad ni Dark, but lets trust god. Hindi man dumating ang isang Dark Montero sa buhay niyo ngayon, hintay lang. Darating din 'yon. Trust in god and everything will be just fine :)


CHAPTER 23

NAIINIS na itinapon ni Dark ang bulaklak ng asawa ni Calyx sa dagat. Inagaw niya iyon sa asawa ni Calyx at itinakbo. Siya ang nakasalo ng garter at ayaw niyang may makasalong babae sa bulaklak. Kung may paglalagyan man siya ng garter sa hita, si Anniza lang iyon at wala nang iba.

Nakatiim-bagang siya habang nakatingin sa bulaklak na papalayo na. His heart was in pain. He wanted to shout in so much anger. Kapag naiisip niya na magkasama ngayon si Paul at si Anniza at masaya ang dalawa, parang hindi siya makahinga.

Pasalampak siyang naupo sa buhangin at uminom ng vodka mula sa bote na hawak niya. He looked at the sea with sadness in his eyes.

Ano kaya ang ginagawa ni Anniza ngayon? Nagsisisi siya na hindi niya kinausap ang dalaga ng sundan siya nito sa bahay niya ng gabing iyon. Pero ano pa ang silbi ng pagsisisi niya kung wala na ang dalaga? Hindi na ito bumalik sa bahay niya para kausapin siya.

Mapait siyang ngumiti. "Bakit ba kasi ako na in love sa babaeng may mahal nang iba?" Tanong niya sa sarili.

As usual, wala naman siyang naisagot sa sarili.

Bumuga siya ng hangin at uminom ulit ng vodka bago tumayo at naglakad pabalik sa mga kaibigan niya na nagbibigay na nang mensahe kay Calyx.

The flower of the bride was long gone. Pinagdasal niya na sana walang makapulot sa bulaklak na iyon. After all, he was the one who caught the groom's garter.

NAGLALAKAD si Anniza sa gilid ng dalampasigan habang nakatingin sa malawak na karagatan. Her friends found out about what happened with her and Dark. Panay kasi ang iyak niya ng gabing iyon at nagpanic ang mga magulang niya ng umuwi siya at hilam ng luha ang mga mata niya.

At nang hindi siya mapakalma ng mga magulang niya, humingi na ito ng tulong sa mga kaibigan niya.

At para raw ma-relax siya at makapag-isip ng gagawin para maipaliwanag ng maayos kay Dark ang totoo kapag pinuntahan na niya ito sa bahay nito, dinala siya ng mga kaibigan sa private beach na pag-aari ng mga magulang ni Czarina.

Iniwan niya si Cza at Haze sa maliit na cottage malapit sa dagat. Nag-aya kasing uminom si Haze kaya umiwas siya. Ayaw niyang malasing dahil alam niyang iiyak siya. Sa nakaraang araw na hindi niya nakita si Dark, pinipigilan niya ang sarili na umiyak. Ayaw niyang namumugto ang mga mata niya kapag humarap siya sa binata. She wanted to be pretty when she confessed her feelings for him. At hindi siya iiyak dahil naniniwala siyang may happy ever after sila ni Dark. Kailangan lang niyang maghintay hanggang sa humupa ang galit nito

Gusto niyang sisihin si Paul sa nangyari dahil sa paghalik nito sa kanya, pero kasalanan din naman niya ang lahat. Mabuti talagang hindi niya tinanggap ang kabaliwang proposal na iyon ni Paul, nalaman niya sa isa sa mga waitress ng restaurant nila na buntis pala ang sekretarya ni Paul at ito ang ama. Sana naman dahil magiging ama na ito, magbago na sana si Paul dahil kawawa ang magiging anak nito kung sakali.

Natigilan siya sa paglalakad ng may makitang palutang-lutang na pumpon ng bulaklak. Ilang segundo niya iyong tiningnan bago siya lumusong sa dagat para kunin 'yon dahil nagandahan siya. Hindi naman malalim ang kinalalagyan noon, hanggang tuhod lang niya ang lalim kaya hindi siya masyadong nabasa.

She picked up the bouquet and stared at it. It was a white rose with leaves and arranged in an intricate way to make it more beautiful than it already was. Siguro bagong kasal ang may-ari ng bulaklak na 'to.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon