CHAPTER 22

1.9M 42.6K 10.2K
                                    

CHAPTER 22

WALA SA SARILING nakatitig lang si Anniza sa kisame ng kuwarto niya habang nakahiga siya sa kama. Sa ganitong oras, nasa tabi na niya si Dark at magkayakap silang natutulog, pero sa pagkakataong ito masyadong maraming nangyari ngayon araw, marami rin ang nalaman niya na mas lalong nagpagulo sa isip niya.

Matagal na niyang alam na iba talaga magalit si Dark, pero iba ang nasaksihan niya ngayong araw. It wasn't just anger, it was something else, and it scared her. Natatakot siya na baka dumating ang panahon na magalit sa kanya si Dark at gawin nito ang ginawa nito kay Paul sa kanya.

She was scared. Pero habang tumatagal na mag-isa siya sa kama niya, mas lalong nasusumidhi ang kagustuhan niyang sana ay nasa tabi niya si Dark ngayon at kayakap. Sana puntahan siya nito ngayon. Napakaraming sana ang nasa isip niya na alam niyang hindi mangyayari dahil sa takot na naramdaman niya kanina.

Mabilis niyang tinuyo ang luha na namalisbis sa gilid ng mata niya ng bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Pumasok doon ang ina niya.

"Any, halika na, kumain na tayo," aya nito sa kanya habang nasa pinto.

Umiling siya na hindi tumitingin dito. "Hindi ako gutom, dad."

Naglakad palapit sa kaniya ang ama niya saka umupo ito sa gilid ng kama at pinakatitigan siya. "May nangyari ba? Gusto mo bang pag-usapan?"

Parang gumaan ang loob niya sa tanong na iyon ng ama niya. She had always been a daddy's girl, siguro dahil pareho silang palaging nasa kusina kaya palagi silang nagkakausap at alam niyang kilalang-kilala siya ng ama niya pero ayaw niyang malaman nito ang nangyari kanina. Ayaw niyang pati ito ay sumama ang tingin kay Dark.

He was maybe scary at time, but he was a good guy. He had been good to her.

"Any, ayos ka lang ba?"

Umiling siya kasabay ng pamamalisbis ng luha sa gilid ng mga mata niya.

Bumuntong-hinga ang ama niya ng makita ang luha niya. Mabilis nitong tinuyo kaagad iyon at masuyo siyang tinanong. "Any, kausapin mo ako, magsabi ka ng totoo, may nangyari ba?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi hanag patuloy ang patulo ng luha niya. "I miss him, dad."

Kumunot ang nuo ng ama niya. "Sino? Si Paul?"

Mabilis siyang umiling saka tinuyo ang mga luha niya. "Si Dark."

"Ha? Bakit? Diba magkasama palang kayo kanina?" Nagtatakang tanong ng ama niya.

Mahina siyang napahikbi. "Sinabihan ko siyang huwag na munang pumunta rito sa bahay."

"Bakit naman?" May kalakasan ang boses ng ama niya at halatang hindi ito sang-ayon sa sinabi niya kay Dark. "Bakit mo ginawa 'yon, ha? At huwag mong sabihin sakin na dahil hindi mo mahal ang binatang 'yon dahil nakikita ko sa mga mata mo na mahal na mahal mo siya, Any, mas higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo noon kay Paul. Kaya bakit sinabi mo 'yon sa kaniya? Hindi ka na naawa sa kanya, alam mo bang mahal na mahal ka non?"

Malaki ang mga matang napatingin siya sa ama niya. "Sinabi niya 'yon sa inyo?"

Umiling ito. "Hindi pero hindi na niya kailangan pang sabihin sakin. I can see it in his eyes, Any. I can see it in his eyes especially when he looks at you and thinks that no one is looking." Mahina itong natawa. "Anak, lalaki din ako kaya alam kong totoo ang pagmamahal na nakita ko sa mga mata ng batang 'yon, hindi katulad kay Paul na napilitan lang akong tanggapin kasi akala ko siya ang magpapasaya sayo."

Pinahid niya ang luha sa pisngi. "Pero paano kung hindi sapat ang pagmamahal para malampasan ang takot na nararamdaman ng isang tao?"

"Bata ka pa nga, anak." Nangingiting umiling ang ama niya saka hinaplos ang buhok niya, "Any, love is the strongest weapon in the whole world. Iba ang nagagawa ng tunay na pag-ibig sa isang tao. Nagiging mapag-angkin, nagiging seloso, nagiging makasarili at nagiging bayolente ang isang taong nagmamahal. Pero hindi lang 'yon ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Love can make you stronger, it can make you brave, and it can make you the happiest person alive."

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon