CHAPTER 6

2.3M 47.4K 15.7K
                                    

CHAPTER 6

NASISIGURO ni Anniza na walang maglalakas loob na magtanong sa kanya tungkol sa kanila ni Dark. Pero iba talaga pag-tsismis, e. Lumalakas ang loob ng mga tao. Tulad nalang ngayon, kinakausap siya ng mga server nila na matagal na ring nagta-trabaho sa kanila at maituturing na niyang mga kaibigan.

"Chef, kayo na ho ba si sir Dark?" Tanong ni Lala, ang pinakamatagal nang waitress sa kanila. "Alam niyo ho chef, suki rito si sir Dark kaya kilala namin siya. Hindi niyo lang alam kasi palagi kayong nagkakampo sa loob ng kusina."

"Oo nga po, chef," sabad naman ni Jessa na may kinikilig na ngiti sa mga labi. "Dito palaging kumakain si sir Dark."

"Oo nga po," dagdag naman ni Tala. "At saka alam mo chef, kapag lumalabas ka noon sa kusina dahil nandito ang walang kuwenta niyong ex-fiancé, palagi kang tinititigan ni sir Dark."

Doon na tumaas ang kilay niya at itinuro ang sarili. "Ako? Tinititigan niya?"

"Oho." Mabilis na tumango-tango si Lala. "Totoo 'yon, chef. Masyado ka nga lang bulag dati kasi may Paul ho kayo."

Umirap siya sa hangin. "At bakit naman niya ako tititigan?"

"Nagandahan siguro sayo, chef," sagot ni Jessa sa nanunudyong boses. "Maganda ka naman e, kung mag-aayos lang ho kayo."

"Kung papayat kamo," ingos niya.

Umiling si Jessa. "Hindi po. Ang ibig kong sabihin, mag iba ng wardrobe. Hindi na palaging jeans at t-shirt ang suot."

"Eh sa dito ako komportable, e," angal niya.

"Oo nga, chef. Pero minsan tayong mga babae kailangan ding magsuot ng mga hindi komportableng damit para maging maganda. Tapos paresan 'yan ng stiletto—"

"Ayoko." Umatras siya habang umiiling. "No. I like my shoes better."

Umingos naman si Tala. "Chef, diba may kasabihan ang mga babae sa sapatos."

"Ano?" Nakakunot ang nuo na tanong niya.

"If the shoe doesn't hurt, then it's not beautiful," sagot ni Tala na nakangiti. "At diba ho ba, beauty has a price?"

Napailing-iling nalang siya at pinagtabuyan ang tatlo. "Sige na. Magtrabaho na kayo. Hindi ko kaya 'yang mga pinapagawa niyo."

Nagtawanan ang nga ito at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa. Si Anniza naman ay pumasok sa manager's office at nag-umpisa namang magtrabaho.

HINDI namalayan ni Anniza na tanghalian na pala. Lumabas siya ng kanyang opisina at tiningnan ang mga costumer. Mukhang maayos naman ang serbisyo nila kasi wala namang mukhang galit. Babalik sana siya sa loob ng office ng makita si Dark na pumasok sa restaurant.

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang binata. He looked so handsome. He walked with confidence and oozing with sex appeal that women couldn't help but to be attracted to him.

Nginitian siya nito ng magtama ang mga mata nila at para siyang kinapos ng hininga. His lips curving into a sexy smile had a strong effect on her. Para itago ang nararamdaman, mabilis siyang tumalikod at pumasok sa opisina niya.

Ilang segundo lang mula ng pumasok siya, bumukas ang pinto at pumasok si Dark.

"Hey," bati nito sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito? At sinong nagpapasok sayo?" Mataray niyang tanong sa binata para itago ang malakas na pagtibok ng puso niya.

Nginitian siya nito. "Ako ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng restaurant niyo. I think I have the right."

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon