CHAPTER 17

2M 41.8K 8K
                                    

CHAPTER 17

NANG lumapag ang eroplanong sinasakyan nila ni Dark, kaagad siyang iginiya ng binata palabas ng eroplano. At habang naglalakad sila patungo palabas ng airport, halos lahat yata ng babae ay nakatingin kay Dark. Ang iba naman ay nakatingin sa kanya ng puno ng inggit at panghuhusga ang mga mata dahil siguro siya ang kasama ni Dark.

Normal lang naman ang inggit at panghuhusgang nakakikita niya sa mga mata ng kababaehan. Dark 'The Greek' Montero was downright gorgeous. Simpling cargo pants at white shirt lang ang suot nito pero talagang mapapalingon ka talaga sa kaguwapuhan at kakisigan nitong taglay.

At habang katabi niya itong naglalakad, wala siyang hiyang maramdaman tulad ng dati na ayaw niyang may nakakakita sa kanilang magkasama ni Dark dahil baka ikahiya siya nito. Ngayon, alam niya walang pakialam si Dark kung plus size man siya at wala siyang dapat ikahiya kung ganoon man ang katawan niya. At kung walang pakialam si Dark kung plus size siya, mas lalaong wala siyang paki sa mga taong hindi niya kilala na nakatingin sa kanya. Wala siyang pakialam sa mga mapanghusga nitong mga tingin. Ang importante, sa mga mata ni Dark, walang panghuhusga siyang nakikita doon.

And slowly, she was accepting herself for who she really was. And that was thanks to Dark.

Nang makalabas sila ng airport, kaagad siyang iginiya ni Dark patungo sa limousine na nakaparada doon. Pigil ni Anniza ang mapaaawang ng makompermang doon nga sila sasakay at hindi lang nagkamali si Dark ng sasakyang nilapitan.

May lalaking matuwid na nakatayo sa tabi ng pinto ng sasakyan at nang makita nito si Dark, bigla itong yumuko sa binata at nagsalita. "Welcome, your highness," anang lalaki. "Pós eísai?"

Your highness? Nagtatakang napatitig siya kay Dark na nakangiti sa lalaking nakaharap nila.

"Ikov!" Tinapik ni Dark ang balikat ng lalaki na matuwid na nakatayo na para bang isang bodyguard. "How are you? It's been years."

"Five years, your highness," anang lalaki na ngayon ay nakatingin ng tuwid kay Dark.

Bumaling sa kanya si Dark at pinakilala siya sa lalaking nakatayo sa harapan nila. "Ikov, this is my lady, Anniza Gonzales." Nginitian siya ng binata saka kinindatan. "Anniza, this is Ikov, my personal butler when I was in high school."

Personal Butler?

Natigilan si Anniza at bahagya siyang napaatras sa gulat ng yumukod si Ikov sa kanya. "Welcome to Greece, Lady Anniza."

Umawang ang labi niya saka nakangiwing napangiti. "Hi." May pag-aalangan ang boses nito. "N-nice to meet you."

Tumango si Ikov at bumaling kay Dark saka dito naman ito yumukod bago nagsalita. "You got a very lovely lady, your highness."

Puno nang pagmamalaki na ngumiti si Dark. "I know, right?"

Naguguluhang bumaling siya kay Dark saka nagtatakang nagtanong. "Bakit ka niya tinatawag na your highness?"

Sa halip na magpaliwanag, nginitian lang siya ni Dark. "Wala 'yon. Huwag mong pansinin si Ikov." Bumaling ito kay Ikov binubuksan na ang pinto para sa kanila. "Ikov, please, stop calling me your highness."

Tumango lang ang lalaki at iminuwestra ang kamay sa loob ng limousine.

"Efkharistó, Ikov," ani Dark saka bumaling sa kanya at bumulong, "efkharistó means thank you."

"Parakaló, your highness," ani Ikov na ikinailing ni Dark.

"It just Dark, Ikov," Dark corrected before he entered the limousine.

Nang sumara ang pinto ng limousine, humarap siya kay Dark. "Nasaan ang mga bagahe natin?" Nagtatakang tanong niya sa binata na pinaiwan ang bahagi nila kanina sa eroplano nito. "Teka, ano ang ibig sabihin ng para—whatever na 'yon? At saka bakit ka niya tinatawag na 'your highness'?" Sunod-sunod na tanong niya.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon