CHAPTER 13

2M 43.4K 9.5K
                                    

CHAPTER 13

HABANG naglalakad sila palabas ng restaurant na kinainan nila, dala-dala ni Dark ang moon cake na pina-take out nito para daw sa kaibigang si Volkzki.

"Thank you for coming, Mr. Montero. I hope you enjoy our food," ani Mr. Wong na nasa pintuan ng restaurant.

"Yeah. We enjoyed it." Walang ngiti sa mga labing sabi ni Dark.

"It's very delicious," sabi naman niya pero siniguro niyang walang ngiti sa mga labi niya.

Natigilan siya bigla ng gawaran siya ng halik sa mga labi ni Dark sa harap mismo ni Mr. Wong kapagkuwan ay nginitian siya nito. "Syempre, sinubuan kita e kaya masarap."

Susuntukin sana niya ito sa braso ng maalala niya ang one violent move, one kiss na rule nito. Hindi nalang niya tinuloy ang suntok at ikinuyom nalang niya ang kamao.

Tumaas ang sulok ng labi nito at naghahamong tumingin sa kanya. "Dali. Suntokin mo na ako."

Inirapan niya ito at nauna nang naglakad patungo sa kotse na sinakyan nila kanina. Kaagad namang nakahabol sa kanya si Dark saka pinagbuksan siya ng pinto nito.

"Hop in, agápi mou," nakangiting sabi ni Dark sa kanya.

Nailing siya sa ginawang 'yon ni Dark saka sumakay at kaagad naman itong sumunod.

"Where to, sir?" Tanong ng Driver.

"To centrepoint," sagot ni Dark.

Pinagsiklop niya ang kamay habang paalis sila sa restaurant. Mukhang tuloy ang pagsa-shopping. Naku naman. Nakakahiya na pati damit niya ay ito ang bibili. Pero maganda naman kasi maraming magagandang damit siyang mapagpipilian na size talaga niya. Sa Pilipinas kasi nakakahiyang bumili kasi minsan kapag pumapasok siya sa isang botique e wala naman ang size niya at kung makatingin pa ang sales lady ay parang kasalanan ang pagiging plus size niya. Medyo mahirap maghanap ng jeans na ang waistline ay thirty-one—scratch that—palagi siyang kumakain simula ng makilala niya si Dark, hindi na siya magtaka ang waist line niya ay thirty-three na!

Gusto niyang umiyak! Bakit kasi ang sarap kumain e! Tapos si Dark palagi pa siyang pinapakain ng kung ano-ano.

Nang makarating sila sa Centrepoint, sabay silang lumabas ni Dark ng sasakyan at habang naglalakad sila, pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa saka magkahawak-kamay silang naglakad papasok sa mall.

At mukhang hindi pa ito nakontento, inakbayan siya nito saka hinalikan sa mga labi.

Naiiling na inirapan niya ito. "You and those lips of yours."

Kinindatan siya nito. "I like kissing you in public," anito na mas humigpit ang pagkaka-akbay sa kaniya. "Gusto kong malaman nilang lahat na akin ka."

Nagbaba siya ng tingin ng sumikdo ng mabilis ang puso niya. Why is he saying things like that? Hindi ba nito alam ang epekto no'n sa puso niya. At mas lalong bumilis ang tibok niyon ng maramdamang hinalikan siya ni Dark sa balikat. Nang bumaling siya sa binata, nagtama ang mga mata nila.

"Dark..."

Inilapit nito ang labi sa labi niya at hinalikan siya saka bumulong, "hindi ba akin ka naman?"

Naumid ang dila ni Anniza habang nagkakatitigan sila ni Dark. Parang sasabog ang puso niya sa halo-halong emosyong nararamdaman sa mag sandaling 'yon.

"You're mine, right?" Ulit nitong tanong sa kaniya habang hinahaplos ang pisngi niya. "Right?"

At parang may sariling isip ang ulo na tumango saka bumukas ang bibig niya para magsalita. "Yes, I'm yours."

Slowly, a wide smile appeared on Dark's lips. "That's my girl."

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon