CHAPTER 4

2.1M 46.5K 18.7K
                                    

CHAPTER 4

MAGKAHARAP si Anniza at Dark sa sala habang nasa center table na pinapagitnaan nila ang malaking yellow cab pizza na dala naman ni Dark. Halos kalahati na ang nakakain nilang dalawa at pansamantalang nakalimutan niya ang diet ng makita ang isa sa mga paborito niyang pagkain.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ni Anniza kay Dark na abala sa pag nguya ng Pizza.

"Sinundan kita," walang pag-aalinlangan nitong tanong.

"That's creepy."

Kinindatan lang siya ng lalaki. "It's sweet."

Pinukol siya nito ng masamang tingin. "No. Creepy 'yon."

Dark rolled his eyes. "Whatever."

Lihim siyang napangiti sa ginawi nito.

"May asawa ka na?" Biglang tanong niya kay Dark na inubo sa sobrang gulat sa tanong niya.

Mabilis nitong binuksan ang canned beer na ibinigay niya rito kanina bago nila inumpisahang kainin ang pizza at ininom iyon. Then he blew a very loud breath. "Whew!" Dark looked at her with annoyed expression in his face. "Do you think I'll make you a bad woman for you to fucking ask me that?"

Tumalim ang mga mata niya na nakatingin dito. "Don't fucking me, you moron. Nasa pamamahay kita kaya umayos ka!"

Nag-iwas ito ng tingin. "S-Sorry."

Anniza frowned. "So wala kang asawa?"

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Wala. Bakit mo naitanong?"

"Kasi ayoko lang na biglang may babaeng dumating dito sa bahay at sabunutan ako."

Tumaas ang gilid ng labi nito. "For real? Naisip mo talaga 'yan?"

"What?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Ang dami kayang pelikula at teleserye na puro pangangabit ang tema. Paano kasi mga manloloko kayong mga lalaki."

Malalim itong napabuntong-hininga. "Huwag mong lahatin."

"Hindi," padaskol niya sabi. "Lahat kayo. Lahat!"

Napaigtad si Dark ng tumaas ang boses niya. "Anong pinaglalaban mo?" Nangingiting tanong nito kapagkuwan. "May asawa ka ba at niloko ka?"

"Wala," mataray niyang sagot. "Pero may fiancé ako na niloko ako."

Nag-iwas siya ng tingin ng makitang natigilan si Dark at matiim na napatitig sa kanya. Para makaiwas sa pagka-asiwang nararamdaman, kinuha niya ang beer at binuksan iyon pagkatapos ay tinunga ang laman.

Napa-ubo siya ng biglang may umagaw ng beer na iniinom niya. It was Dark. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya at ngayon ay nakaupo na sa tabi niya.

"Stop drinking," anito. "Hindi iyan maganda sa kalusugan mo."

"Malusog na malusog na ako," mapait na sagot niya.

Tumitig ang binata sa dibdib niya. "Yeah. I can see that."

Mabilis na dumapo ang kamay niya sa pisngi nito at tinakpan ang mayayamang dibdib gamit ang dalawang kamay. "Bastos! Hindi 'yan ang tinutukoy ko!"

Nakangiwing hinaplos ni Dark ang pisngi. "Una, binato mo ako ng sapatos. Ngayon naman, sinampal mo ako. What punishment should I bestow on you?" Ngumisi ito at biglang inilapit ang mukha sa mukha niya. "Halikan kaya kita."

Inirapan niya ito. "Subukan mong manghalik, susuntokin kita," pananakot niya pero mukhang hindi naman iyon umepekto sa binata.

Mas lalong lumapad ang pagkakangisi nito. "E, di suntukin mo."

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon