CHAPTER 19

1.9M 41.8K 10.2K
                                    

CHAPTER 19

THE welcome party was amazing. Anniza met a lot of people, especially Dark relatives who seemed to like her for Dark. Nakakatuwa na tanggap siya ng mga tao rito at hindi siya tinatawag na plus size kundi big-boned and tawag sa kanya. It was a nice feeling and a nice change of pace for her.

Napatigil siya sa pag-iisip ng nangyari sa welcome party kagabi ng may yumakap sa kanya mula sa likuran. Alam kaagad niya si Dark iyon dahil naamoy niya ang pabango nito na napaka-suwabe sa ilong.

Nakayakap si Dark sa kanya mula sa likuran habang nasa teresa sila ng silid nito at nakatingin siya sa napakagandang tanawin sa labas ng Stavros Palace.

"Good morning," bulong ni Dark sa tainga niya. "Kumusta ang tulog mo?"

"I slept well." Humilig siya sa dibdib nito. "Ang ganda rito, no? So very relaxing. View palang, sapat na."

Hinalik-halikan siya ni Dark sa leeg na nagpapagising sa katawan niya. "Mamasyal tayo mamaya. I'll show you how beautiful Thrace is."

Nilingon niya ang binata. "So, nasa Thrace tayo? Malayo pa ba rito ang Santorini?"

Dark smiled. "You don't have to go to Santorini. Thrace has a lot to offer to you, ómorfos."

Tumango-tango siya. "Okay. Nakakahiya mang aminin pero Santorini at Athens lang talaga ang alam kung lugar dito sa Greece. 'Yon naman kasi yung sikat na tourist spot ng bansa."

"Well, we are in the east of Macedonia and Thrace." Pinaglandas ni Dark ang labi nito sa leeg niya dahilan para kagatin niya ang pang-ibabang labi. "And I'll show you how beautiful the land of Thrace is."

Humarap siya rito saka siya na ang humalik sa mga labi nito at bumulong, "Show me, agápi."

Naramdaman niyang natigilan ito at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. "D-Did you just c-call me a-agápi?"

Nakangiting tumango siya. "Yeah. I did."

Napalitan ng malapad at masayang ngiti sa mga labi ang gulat sa mukha nito. "It sounds good."

Mahinang natawa si Anniza saka naglalambing na yumakap siya sa leeg ni Dark. Pero kaagad na nawala siya sa mood ng makarinig ng tunog ng sasakyan at nang bumaba ang tingin niya sa balkonahe, nakita niya si Kallea na lumabas sa kadarating lang na sasakyan.

She heard Dark groaned in annoyance.

"Hindi talaga niya ako titigilan." Hindi maipinta ang mukha ni Dark ng makita si Kallea.

At aminin man niya sa hindi, nasiyahan siya sa reaksiyon ni Dark kay Kallea, kaya naman nakangiting sinapo niya ang pisngi ng binata at hinalikan ito sa mga labi. "Ako ang bahala sayo."

Napatitig sa kanya si Dark at bakas ang pagkamangha sa gwapo nitong mukha. "Talaga? Hindi mo ako ibibigay sa kanya?"

"Bakit naman kita ibibigay sa kanya?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Akin ka diba?"

Umawang ang mga labi ni Dark at parang tumigil ito sa paghinga. "H-ha?"

Tumawa siya sa reaksiyon ng binata saka hinalikan ito ulit sa mga labi at hinila ito palabas sg silid.

Nang makalabas sila, si Dark na ang gumiya sa kanya patungo sa sala ng palasyo. Magkahawak kamay silang dalawa ng makarating doon.

Anniza instantly saw Kallea's face contorted in anger when she saw her. Matapang niyang sinalubong ang matalim na tingin ni Kallea.

"Dark... agapiménos..." Lumapit si Kallea kay Dark para siguro landiin naman ang binata pero hindi niya ito hinayaan. Mabilis niyang niyakap si Dark at hinalikan sa mga labi. Her main purpose was, of course, to taste Dark's sexy lips and next was to get rid of Kallean the Biatch.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon