PROLOGUE

39 2 0
                                    

Maingat kong ibinaba ang maletang hawak ko habang nakatingala sa gate na nasa harapan ko.

It is a structure of a wood and metal, surrounded by towering trees, casting an eerie atmosphere.

It felt like a scene and a setting from a horror movie, na para bang anumang oras ay may bigla na lamang tataga at hihila sayo dahil ni isang bahay ay wala kang makikita. Tanging ang mataas na pader lamang ang makikita mo.

"Kuya, tama ba 'tong binabaan mo sakin? Parang hindi tama to. Trabaho ang hinahanap ko hindi extra sa wrong turn." takang tanong ko sa mamang naghatid sakin ngunit wala akong natanggap sagot at tanging pagharurot lamang ng sasakyan ang narinig ko.

Sinubukan kong maghanap ng signal pero wala akong mahanap.

Kinuha ko ang maliit na card na inabot sakin ng isang ginang sa palengke at muling binasa ang address na nakasulat don.

276, Villa Teufel, Primejdios St. OS 121117

Muli kong tiningala ang gate at sinubukang buksan ito ngunit wala akong mahanap. Sinubukan ko ring maghanap ng pwedeng daanan pero masiyadong malawak ang pader kaya napagod din ako sa pag-ikot dahil tila wala iyong katapusan. Masiyado ding matataas ang mga pader kaya hindi ko magawang akyatin. Sinubukan ko na rin sumigaw pero walang sumasagot. Tanging echo lamang ng boses ko.

"276, Villa Teufel, Primejdios St. OS 121117."

Hinawakan ko ang mga letrang nakaukit sa gate at sinuyod ito gamit ang mga daliri ko.

Maliit lang ang pagkakaukit non kaya hindi mo makikita kung hindi mo lalapitan.

Nang mapansin ang maliit na bilog na nasa gilid non ay walang pagdadalawang isip ko itong kinapa at akmang ilalapit na ang mukha ko nang bigla akong nakaramdam ng hapdi.

Napatingin ako sa daliri ko at nakita kong nagdudugo ang hintuturot ko. Taka kong tiningnan ang tarangkahan at sandali itong pinasadahan ng tingin nang makitang sandaling umilaw ang bilog na pinindot ko at ganon na lamang ang pag-uwang ng labi ko nang bigla itong bumukas.

"Come in."

Nagpasalamat ako sa guwardiyang hindi makita ang mukha dahil natatakpan ng sumbrero nyang suot at tinungo na lamang ang daan sa harap ko pero agad ding napahinto nang makita ang daang tatahakin ko.

Hindi pa ko nakakahakbang pero parang napapagod na ko.

"Kuya, wala bang pwedeng sakyan dito?" tanong ko sa gwardiya. Umiling ito at pinakita ang papel na tila naglalaman ng schedule.

"Mamayang 12 pa ang labasan ng mga sasakyan dito, Miss."

"Meron kang bike, kuya? Promise, willing to pay!"

"Bawal ang mga bisikleta dito, Miss. Tanging paglalakad lamang ang magagawa mo sa oras ngayon."

Napanguso ako sa naging sagot ng gwardiya at muling ibinalik ang tingin sa harap. Inabot ko ang maleta ko at sinimulan ng lakarin ang mahabang daan hanggang sa hindi ko na namalayang unti-unti nang pinapalitan ng kadiliman ang langit na kanina'y kay liwa-liwanag pa.

Ilang minuto pa ang nakakaraan ay natanaw ko na ang isang Mansiyon hindi kalayuan kaya mas binilisan ko pa ang paglakad bago pa ako lubusang kainin ng kadiliman.

"Ikaw ba si Amartya Frithswith na nagmula sa Bayan ng Mabuhay, Luminos Street?" sulpot ng isang ginang na may kulay itim na kasuotan mula ulo hanggang baba. Wala itong halong anumang kulay maliban sa kulay ng balat niya.

Villa Teufel Where stories live. Discover now