CHAPTER 6

12 4 0
                                    

Chapter 6:

"Señorita nakahanda na ho ang lahat. May iba pa ba kayong iuutos?"

The young lady shook her head, refocusing on the journal in her hands. The sun was rising, and the mansion buzzed with activity as preparations for the incoming family's breakfast were underway.

Lumabas ako ng mansyon at tumulong sa pag-ayos ng mesa. Hindi alintana ang iilang tingin sakin ng ibang kasambahay na nasaksihan ang nangyare kanina.

"Morning."

"Señorito Thanatos!" yumuko si Ginang Mara at binata ang binatang kakapasok lamang ng kusina. "Magandang umaga ho, gusto nyo ho ba ng kape at mapagtimpla kita?"

Ngumiti ang binata at inilingan ang ginang.

"Don't mind me, manang. Nakahanda na ba ang lahat? Nasabi sa akin ni Dabria ang pagdating ng ating bisita. Natitiyak kong naging abala kayo kanina kaya huwag nyo na akong pagsilbihan. Just take a rest, baka rayumahin ka."

I wasn't sure if there was a hint of sarcasm in his words, but I stifled a chuckle. It seemed like he was implying Ginang Mara was ageing.

"Aba, napakabait na bata. O siya sige, maiwan na kita kay Aya dito at titingnan ko ang mga ginagawa ng ilan sa labas."

Tumango ang binata at tumungo sa ref para kumuha ng tubig. Naging sunod-sunuran ang mga mata ko sa bawat galaw niya at malakas ang loob kong gawin iyon dahil hindi naman kapansin-pansin ang presensya ko.

"Aya."

Ganito ba talaga siya magtrato ng mga kasambahay?

"Aya."

Parang ang bait niya naman yata kung ganoon.

"Aya." napakurap ako at napatingin sa kaniya ng tawagin niya ko. "Aya, are you going to make a coffee?"

I furrowed my brow. Was he expecting me to make him coffee?

Nakita ko ang pagtawa niya at ang pag nguso niya sa hawak ko.

"Asin iyan hindi asukal. Wala ka naman yatang balak patayin ang sarili mo sa alat?"

I cursed silently and quickly turned away, realizing I had indeed grabbed salt instead of sugar.

Napapikit ako dahil sa kahihiyan at pasimpleng pinagalitan ang sarili! Ilang beses na akong minamalas sa araw na 'to.

I hear his amused laughter continuing. It felt like he found a great entertainment in my blunder. Napairap ako at napatampal sa noo ko.

Ang bobo ko.

Matalino naman akong tao pero naging bobo ako nong pinasok ko to!

Tangina talaga. How could I have been so foolish as to grab salt instead of sugar? It was a simple task, one that I had done countless times before, yet somehow, in his presence, I had managed to mess it up royally.

I was supposed to be better than this, more competent, more capable. Yet here I was, making a fool of myself in front of him like some clumsy schoolgirl. Nakakairita diba.

"Aya, anong nangyare kay señorito?" nagtatakang tanong ng isa naming kasamahan nang makitang tawang tawa pa rin ang Señorito nila ngunit nagkibit balikat lamang ako at akmang lalabas na ng muli akong tinawag ng binata.

Papansin!

"Aya, ipagtimpla mo ko ng kape. Dalhin mo sa veranda."

Napapikit ako nang mariin ng awang labi akong tiningnan ng ibang kasambahay.

Villa Teufel Where stories live. Discover now