CHAPTER 7

6 2 0
                                    

Chapter 7: Shopping

Gigil kong binalibag ang lahat ng maletang dala ko. Pati na rin ang laman ng drawer ko ay hindi pinalampas!

Stress akong nagbaba ng tingin sa mga damit kong ginupit gupit at naka kalat sa sahig.

Pati ang mga librong dala ko ay hindi pinalampas dahil abo na lamang nang datnan ko.

Ganito ba maglaro ang magkakapatid? Ganito ba??

Fuck! Wala na akong mga damit! Wala akong ibang naisip na tawagan kundi si Gael lang dahil siya pa lamang ang nakakausap at nababara ko sa mansiyon na 'to.

Dinial ko na ang numero nya and thankfully, sinagot niya agad.

"Gael?"

Rinig ko ang ilang kaluskos sa linya nya kaya napaupo ako sa kama.

"Busy ka?"

"Oh, namiss mo ko agad?" pang aasar nya.

Napabuntong hininga ako at mahina ang boses na nagsalita.

"I need your help."

Mabilis na tumahimik ang linya nya. Ilang segundo din siyang di nakapag salita.

"Anong nangyare?" seryoso ang boses nito.

Kinwento ko sa kanya lahat. Lahat ng nadatnan ko nang pumasok ako sa silid ko. Kinwento ko sa kaniya kung paano pinaglaruan ang mga gamit ko.

"May bilihan ng mga damit dito, bili ka na lang muna. Wala tayong mahihiraman eh, magmumukha kang manang kapag damit ni mama ang pinahiraman ko sayo." aniya pagkatapos kong magkwento.

Umiling ako na para bang nakikita niya.

"Gael, wala pa kong pera."

"Pahihiramin kita,"

"Ayo--"

"Bayaran mo na lang ako pag naka luwag luwag ka na." di ako nakasagot agad sa sinabi niya. Rinig ko ang mahinang tawa nito. Nagsisimula na namang mang asar. "Wag ka ng mahiya. Ako lang 'to, MissMaam."

"Fine, where can I buy?" tanong ko.

Hindi ko kasi alam kung ano ang susuotin ko bukas dahil pati bra at panty ko ay hindi pinalampas!

"Samahan na lang kita. Delikado sa labas ng mansiyon."

"Sige."

"Labas ka na. Nandito na ko sa labas ng kwarto mo." sabi nito kaya mabilis akong tumungo sa pintuan at agad na binuksan.

Akmang papasok pa ito pero agad kong hinarang ang kamay ko para hindi siya makasilip.

Tangina baka makita niya yong mga undergarments kong butas butas.

"Aray ko! Sisilip lang naman!"

"Wag ka na kasi sumilip. Punta na tayong bilihan ng damit." sabi ko kaya tumango siya at may inabot na jacket sakin.

"Aanhin ko yan?"

"Try mong kainin. Pag naggawa mo bigyan kita 1k." sarkastikong sabi nito kaya napa roll eyes ko.

"Siguro ka?"

"Buang, malamang suotin mo. Malamig sa labas."

OK.

Hindi na ko nakipag argumento pa at sinuot na lamang yong jacket na inabot nya. Buti na lang at mahaba dahil matatakpan yong mansiyang naupuan ko kanina.

Lumabas na kami at tumungo sa gubat. May inilabas siyang motorsiklo don sa gilid at agad na inistart. Umangkas din agad ako kalaunan dahil tila uulan pa.

Villa Teufel Donde viven las historias. Descúbrelo ahora