CHAPTER 18

6 1 0
                                    

Chapter 18: Harmony of Shadows Unveiled

"Aya, ang saya ko! Ang saya namin ni Mayi!"

Napangite ako sa mga pinagsasabi ni Hell bago ibigay sa kaniya ang isang ice cream.

Nasa playground kami ng Villa ngayon. The area was quiet. Wala masiyadong tao at wala ding dumadaang mga sasakyan kaya nakakakilos ng maayos si Hell.

I was also surprised to find out that Señora Dabria allowed outside vendors to sell things inside the Villa. It's not something we usually see here so it was quite unusual, as typically, the Villa had strict rules about who could come and go.

Marami itong proseso bago makapasok. There's usually a security check at the main entrance where identification and any necessary permits are verified. Once past this initial checkpoint, visitors may need to undergo additional screenings or registrations depending on the purpose of their visit.

"May gusto ka pa bang kainin, Hell?" tanong ko dito. Napansin kong panay ang titig niya sa mga nagtitinda. Hindi naman ito nagtuturo.

"Gusto ko pang maglaro," nakangusong sambit niya kaya hinayaan ko na lamang siyang makihalubilo sa mga batang nandodoon.

Nong una ay nahirapan pa siyang makisabayan sa mga bata, buti na lang kalaunan ay nakakasabay na siya. She let other child touch her, which showing that she's becoming more at ease with social interactions. Moreover, she's also becoming more confident in speaking up when talking to them, which is a big improvement. Hindi na siya utal gaya ng dati. Hindi na rin siya takot sa mga tao.

Pinanood ko siyang makipaglaro and a sense of happiness welled up within me. Knowing that, that child was only wishing to go outside and play. Like, just wishing she could play outside to actually experiencing all the things that kids her age usually do. It's like she's finally getting to enjoy being a normal kid, and that's really special to see.

"Fishball, MissMaam?"

Napatitig ako sa basong nasa harap ko. Kinuha ko yon bago tumingala kay Gael.

"Salamat."

Kinindatan niya lamang ako bago umupo sa tabi ko. Tahimik lang siya na siyang ikinapasalamat ko ng mahina lalo na't wala pa akong lakas para makipagbangayan sa kaniya.

Hours later, nangyaya ng umuwi si Hell. Mainit na rin kasi dahil 10am na. Sumakay kami sa minamanehong 4 seater Golf Cart ni Gael pabalik sa mansyon. Pero habang pauwi kami ay may biglang humarang samin.

"Holy Mamaw!"

Napayakap ako kay Hell nang bigla siyang pumreno. Tumingin ako sa babaeng nakauniporme ng isang kasambahay. Umiiyak ito na at tila wala sa sarili.

"Tulungan nyo ko parang away nyo na!"

"Ano pong nangyare?" mahinahong tanong ko.

Napasabunot ito sa sarili at humagulhol. "Bigla na lang nawala si Jalex! Hindi ko alam kung nasan siya. Pakiusap, tulungan nyo ko! Papatayin ako ni Sir kapag nalaman nyang nawawala si Jalex!"

Gael and I shared a glance before deciding to call Señorito Thanatos. Nang mga oras kasi na iyon ay si Señorito lamang ang gising sa magkakapatid. It felt like he had been singled out to be the one to help us in our situation. I felt reassured knowing Señorito had the power to help, especially in helping Erlinda, the name of the woman.

Dumating si Señorito kung saan kami huminto. Kasama nito si Ginang Mara at ang ilang mga guard ng mansiyon. Mabilis nitong nilapitan ang kapatid para icheck ngunit nakatulog na ito kakahintay.

"Mara, mauna na kayo ni Hell. Edwin, ihatid mo sila. Make sure they are safe." utos nito na agad namang sinunod.

Pagkatapos non ay dinala niya kami sa isang silid malapit sa gate kung saan nandodoon ang mga guard. Pumasok kami at tiningnan ang mga CCTV na nakakalat sa buong Villa.

Villa Teufel Where stories live. Discover now