CHAPTER 4

13 3 0
                                    

Chapter 4: Pursuit of Shadows

The days passed swiftly, and with each moment, unexpected events unfolded in rapid succession.

After Aling Dorie's demise, it seemed as if nothing had happened. Life in the mansion went on as usual, with the residents showing little concern for the tragedy that had occurred. Yet, my mind remained troubled.

Sino nga ba ang pumatay?

Maaaring tao sa loob ng mansyon ang iisipin mong gumawa ng krimen. Lahat sila iisipin mong suspek. Lahat sila may kakayahang bilugin ang utak mo at lahat sila may kakayahang pumatay.

At dalawang tao lang ang iniisip kong gumawa sa krimen na iyon.

Its either Señorita Dabria or Ahimoth.

Both were awake during the crime, each of them possessing the capacity to take a life in distinct ways. Aling Mara's hints pointed towards Señorita Dabria. She rarely wore gloves unless going somewhere important, and her nocturnal activities were centred on managing the family's businesses.

"Dalang lang ding magpakita si Señorita Dabria dito. Aba'y napakasipag ba naman magtrabaho. Halos lahat ng pwedeng trabahuin dito sa villa ay agad ginagawa. Mas madalas siyang mamalagi sa opisina niya kesa dito sa mansyon." sabi pa ni Ginang Mara habang naghuhugas ng plato.

"Eh si Señorito Ahimoth po?"

"Aba'y napaka alapaap non. Ang sabi sabi nga ng ilan ay madalas iyong nakikita sa iba't ibang parte ng villa na may kasa-kasamang mga kababaehan na nagmula pa sa labas ng villa ang ilan." aniya at matiin akong tiningnan. "Kilala iyan sa pagiging babaero kaya mag-ingat ingat ka Aya. Bata ka pa at maganda. Iyan ang mga tipo nya."

Tumango ako at pinagpatuloy ang paghiwa ng repulyo.

Hindi naman problema si Señorito Ahimoth sakin. Maliban kasi sa hindi ako mahilig sa mga lalaki ay hindi rin ako ang klase ng babae na mabilis mahulog sa mga salita't galaw ng mga lalaki.

Marahan kong binaba ang hawak na kutsilyo at tinitigan ang itim na rosas. As I remember, Ahimoth was the only person on the floor where the crime occurred. Naka usap ko pa nga siya.

Siya lang din ang kaisa-isang taong hinatiran ng pagkain ni Aling Dorie non. Maliban kasi sa nasa baba si Señorita Dabria, malaki rin ang tyansang siya ang maging isa sa suspek dahil sa mga bagay na nakasaksak sa katawan ng pumanaw.

Hindi iyon basta basta gunting at lapis lamang. Isa iyong Mayo Scissor at Magnetic Fixing Pencil. Mga bagay na karaniwang ginagamit ng mga doctor.

Ang Mayo Scissor ay isang gunting na nagbibigay ng makinis na paghiwa sa makapal na anatomical na istruktura sa panahon ng mga surgical procedure.

Ang Magnetic fixing pencil naman ay ang bagay na ginagamit sa pagmamarka ng mga hiwa sa buto para sa operasyon sa mukha, ulo o anumang parte ng tao kaysa sa tradisyonal na felt-tipped pencil.

Maaaring isa ito sa mga kagamitan ng binata. Hindi rin nalalayong siya ang pag-isipang suspek dahil gaya nga ng sinabi ko. Siya lamang ang taong gising ng mga panahong iyon maliban kay Señorita Dabria na nasa baba.

I let out a sigh and rubbed my temples. There was no point dwelling on what had happened. But the cries for justice from Aling Dorie's family echoed in my mind, begging for answers.

Villa Teufel Where stories live. Discover now