Extra #2: The Deal

144K 2.9K 231
                                    

Extra #2: The Deal

"YOU don't look well now." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin sa babaeng kaharap niya ngayon. It has been years since he last saw her and he wasn't expecting Becca to look like this. "May sakit ka bakit hindi mo sinabi?" iniwan na sila ng mga madreng nag-alaga dito para bigyan sila ng privacy. Nasa loob na sila ng retreat house ng mga oras na iyon, hindi pa pala pwedeng lumabas ng matagal si Becca dahil hindi pa talaga ito magaling.

Kunot-noong tumingin ito sa kanya. "Sinabi ko kung nasaan ako, sinabi ko kay Grace."

Ang kanyang assistant? "Grace didn't told me anything." Nagtagis ang kanyang mga bagang mukhang kailangan din niyang kausapin ang assistant niya. May kailangan itong ipaliwanag sa kanya dahil kung pagdudugtungin niya ang mga nalalaman niya itinago ni Grace sa kanya kung nasaan si Becca and told him differently.

"I think I know the reason why she did that." Anito. "She loves you Rye ever since she met you."

"She knew I can't love her." He said.

"Because you love someone else." Sa halip na ikaila ay napangiti siya sa sinabi nito, ngumiti din ito sa kanya. "I knew it you are already in love, matagal ko ng hindi nakikita ang ganyang ngiti mo. You look so peaceful right now and I am guessing it's due to that beautiful woman you are with when you come here." Tukso pa nito.

"I'll introduce her to you once everything was settled then."


"Paano mo nabingwit ang babaeng iyon? Akala ko prinsesa ang bitbit mo eh, she wasn't your type hindi ba gusto mo iyong maliliit na babae dahil gusto mo silang ibully but seeing you with her nalaman kong hindi pala bagay sa iyo ang petite na babae dahil nagmumukha silang alalay mo with that woman you looks like a king partnered with his rightful queen. Iyon ang gusto kong makita simula pa noon Rye, at alam ko rin na hindi ako ang nararapat sa tabi mo."

"Don't say that kung hindi ka nawala we would be married right now."

Huminga ito ng malalim. "Mabuti nalang at umalis ako no?" tumawa ito. "Naguguilty ako sa iyo Rye dahil pinagtaksilan kita. I thought I loved you ever since ikaw lang naman kasi ang lalaking nakakasama ko noong bata pa tayo and I looked up at you. But I guess we aren't really paired together. Nang ipakilala ko kayo ni Grace I am really hoping na sana ay masubukan mo siyang tingnan pero hindi nangyari iyon I think kasalanan ko rin kung bakit nagkaganoon si Grace dahil ako ang nagdala sa kanya sa iyo. Nakalimutan kong isa ka palang maresponsibilidad na tao na kung ano ang nauna mong ginawa ay patuloy mong gagawin kahit na ikaw ang nasasaktan." Hinawakan ni Becca ang palad niya.

"Naguguilty ako dahil dapat ikaw lang ang tingnan ko pero tumingin pa rin ako sa iba, nagmahal ako ng iba at magkakaanak na sana ako sa iba sa kasamaang palad nawala ang pinagbubuntis ko dahil sa sakit ko. Noong una ayokong ipaalam sa iyo dahil alam kong..." nagbaba ito ng mga mata at kahit na hindi na nito sabihin ay alam niya ang gusto nitong sabihin. "I'm sorry I lied to you Rye I am sorry na kailangan ko pang umalis bago ako magkalakas ng loob na sabihin kung nasaan ako ngayon. Ayoko ng maging pabigat pa sa iyo gusto ko buhay mo naman ang asikasuhin mo at kapag nandoon ako hindi mo mahahanap ang babaeng para sa iyo." Mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. "Don't be guilty about what happened to me okay because this is not your fault. And besides I am getting better now," a small smile appear on Becca's lips. "At saka inaalagaan niya ako."

"Sino?" kunot-noong tanong niya.

"Iyong lalaking magiging ama sana ng anak ko, nahanap niya ako Rye. I don't know how, he's trying to win me back. Sabi niya noon daw natatakot siya dahil baka hindi ka raw niya kayang pantayan but he changed his mind when he decided to stand on his own. Kaya lang ng hanapin na niya ako ay wala na ako kaya hinanap niya ako. Noong una ay hindi ko siya tinanggap pero pinilit niya na ipakita sa akin kung gaano na siya nagsisi sa kanyang ginawang pagtalikod sa akin and even if it takes years he is still pursuing me. He respects my decision about staying here and not forcing me to live with him, nasa tabi ko siya habang nagpapagaling ako and I admit it mahal ko na talaga siya. Kapag gumaling na ako ay sasagutin ko na rin siya will that be okay?"

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon