Chapter Two

113K 2.4K 70
                                    

Chapter Two

            “KUMAIN ka na Chloe.” Tumango lang siya sa mommy niya ng makita na siya nitong papunta sa hapag kainan. Lumapit siya sa kanyang daddy at hinalikan ito sa pisngi.

            “Good morning dad.” Ibinaba ng ama niya ang hawak nitong newspaper at saka ngumiti sa kanya. And just like her mom her dad is one of the most good looking creature God ever created for her kaya nga siguro nahihirapan siyang makahanap ng boyfriend dahil ito ang standard niya.

            “Good morning my honeybunch.” Ngumiti lang siya dito at saka umupo na sa pwesto niya. Pang-anim na tao ang mesa nila, her dad sits on the middle and her mom sits beside him habang sa kabilang panig naman ng daddy niya ay si Caleb she never had the chance to sit beside her dad dahil katabi niya si Caleb. Kahit na wala na doon ang kakambal niya dahil may sarili na itong bahay palagi pa ring may nakataob na plato sa pwesto nito at ni minsan hindi siya nagtangkang umupo doon.

            “Buong araw ka ba sa boutique ngayon?” untag ng mommy niya habang inaasikaso ang daddy niya. Nilagyan nito ng kape ang tasa ng ama at ng pancake ang plato nito.

            “Hindi po mommy, ikakasal ngayon ang kaibigan ko si Zyrene.”

            “Really? I so love weddings.” Ngumiti lang siya at tumahimik na, hindi siya sanay na kausap ang mga magulang niya sumasagot naman siya sa tanong ng mga ito. Kumuha na rin siya ng isang pirasong pancake at linagyan iyon ng syrup, she is not a breakfast person. Nagbebreakfast lang siya dahil ayaw niyang masaktan ang mommy niya kapag tumanggi siya eversince that accident ay doon na siya pinatira ng mommy niya sa bahay tatlong araw sa isang linggo and that is from Thursday to Saturday, umuuwi siya sa kanyang flat kapag linggo na.

            “How about you Chloe kailan ka magpapakasal?” tumingin siya sa mommy niya.

            “Excited na po talaga akong ipamigay sa iba, mommy.” Nawala ang ngiti sa labi ng mommy niya at nanlaki ang mga mata nito, she almost slapped her mouth when she said that. “Joke lang po.” Aniya at pinilit na ngitian ang kanyang mga magulang. Mabilis niyang inubos ang kanyang orange juice at tumayo na bago pa man siya may masabing ikakasakit ng loob ng mommy niya.

            “Alis na ako mommy, daddy.” Muli niyang hinalikan ang mga ito at nagmamadaling lumabas ng bahay. Hindi naman siya pinigilan ng mga ito which is good dahil nagiging irrational na siya ngayon, nagiging sensitive na rin, mabilis nyang pinalis ang isang butil ng luha na umagos sa kanyang mga mata. She hopped inside her car and starts the engine at pinaharurot iyon.

            Mabilis siyang nakarating sa boutique ng tita Lei niya, agad naman niyang nadatnan doon ang hinahanap.

            “Chloe!” masayang salubong nito sa kanya at yinakap siya. “I missed you little angel.” Tumawa siya sa bati nito sa kanya.

            “It’s not like we haven’t seen in ages tita, nagkita pa tayo kagabi.” Bumungisngis naman ito. Agad niyang nakita ang tito niya na lumabas sa kung saan may dala itong isang box ng minatamis na paborito ng tita niya.

            “I can’t help it alam mo naman na apat na taon ng nawala ang aking unica hija.” Malungkot na sumalampak ito sa sofa at halatang pinaparinggan ang tito niya. Her tito sighed and scratch his forehead. “I missed my princess.” Napangiti nalang siya habang inilalapag ang gamit niya sa isang tabi. Naiinggit siya kay Xyler kahit kasi umalis ito ay hindi man lang nabawasan ni katiting ang pagmamahal at pagkamiss ng pamilya nito sa kanya.

            Her cousin’s paglalayas is a very long story, masyado kasi itong nasaktan sa mga nangyari dito at sabi ng tita niya kasalanan daw ng tito Aiden ang lahat. Kaya ng hindi na makatiis ay ito naman ang umalis, well, she was there when Xyxy managed to bring herself from the bottom to the top hindi nga siya makapaniwala na sa loob ng apat na taon ay nagawa nitong magtagumpay ng walang tulong ng mga magulang nito. She was there when Xyler tried to pull up herself because of a heart break at she was there when the reason for that heartbreak was back and she was there when she was torn between two lovers and she was there when someone so dear to her--- she shook her head to erase those painful memories her cousin experienced.

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon