Chapter Ten-B

84K 1.9K 83
                                    

Chapter Ten-B



            "THAT'S Rebecca Salazar, his first love."


            "Paano niyo nalaman ang tungkol dito?" manghang tanong niya pilit na inaalis sa dibdib niya ang sakit sa nakikita niyang picture. It's not that the woman is still here, wala na ito hindi naman ito nagpaparamdam baka patay na nga ito eh.


            "Kilala mo siya?" tumango siya. "Did he told you kung sino siya sa buhay ng lalaking kasama mo ngayon?" umiling siya dahil iyon naman ang totoo. "Hindi niya sinabi sa iyo na malapit na silang ikasal ng babaeng ito na biglang nawala sa mismong araw ng kasal nila?"


            Pakiramdam niya ay natrap siya sa isang kahon sa sinabi nito, iyong walang labasan. "Base sa reaksyon mo wala nga siyang nasabi, ang babaeng ito ang kasama ni Altamirano sa loob ng tatlong taon. Live in sila sa loob ng tatlong taon, the woman was bearing his child when he leaves, buntis ang babaeng ito ng mawala. At pakakasalan siya ni Tryker dahil nabuntis nito si Rebecca." Nawalan ng lakas ang mga braso niya sa sinabi nito.


            It's like history is repeating itself kay Becca at sa kanya. "N-Nasaan si Becca?" mahinang tanong niya, kung buntis ito malamang gusto din ni Rye na makilala ang anak nito.


            "That we didn't know, pero sa tingin ko may isang taong nakakaalam kung nasaan talaga si Becca... mali, dalawang tao."


            "Dalawang tao? Sino iyon?"



            Umiling ang mga kaibigan niya, "If we'll tell you Chloe, you will be hurt."


            Nahampas niya ang mesa. "I want to know, I've been suffering this for months now. Gusto kong malaman kung saan ang babaeng iyon, I want to know the real reason why she left Tryker. Hindi siya masamang tao, he deserves to be happy too."


            Nagkatinginan lang ang mga ito tapos ay nagsalita na si Monique. "His happiness or your happiness, Chloe. Mamili ka." Sino bang tao na ayaw maging masaya?


            "His happiness is my happiness girls."


            "Kahit na malaki ang chance na iiwan ka niya para makasama ang babaeng ito?" natigilan siya sa tanong ng mga ito. "You are the type of person Chloe who would rather give up everything you have for the sake of the people you love. Kahit na maging malungkot ka o magsuffer ka, kaya ayaw naming sabihin ito dahil alam namin ang magiging desisyon mo."


            Umiling siya. "I want to make this right once and for all, I want to know everything. Magiging akin man si Tryker alam kong hindi lubos ang kaligayan niya, I can never have his one hundred percent love."


            "Chloe, you have one percent chance sa kwentong ito. One percent na itago nalang ang lahat, marry him and be happy with him. Kapag nalaman niya kung nasaan si Becca paano kung mawawala ang one percent na iyon?"

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon