Chapter Five

104K 2.1K 101
                                    

Chapter Five




 

            "MASYADO mo ng inaabuso ang katawan mo sa pagtatrabaho Chloe, pahinga din pag may time." Untag ni Xyler sa kanya, nasa boutique ito kasi pinapunta ito ng mommy nito doon. She look at her cousin, unlike four years ago na tuwid na tuwid ang buhok nito at itim na itim na akala mo si Cleopatra ngayon ay tila nakikita na niya ang dating Xyler. The old, child and happy Xyler pero batid niyang sa likod ng masayang aura nito ay ang malungkot na pagkatao nito.






            "Ikaw kaya ang kailangang magpahinga malapit na ang kasal mo." Lumabi lang ito at inirapan siya.






            "Kung ito lang ang tanging paraan upang hindi tuluyang maghiwalay sina mommy at daddy kahit si satanas papakasalan ko."





            "Don't you love your husband to be? He was still your first love."





            Nagkibit-balikat ito. "I forgot how to love a long time ago, papakasalan ko lang si Jair dahil iyan ang gusto ng mga magulang ko. I am granting my mom's wish but I will never give him the satisfaction he wants."





            Napangiwi siya sa sinabi nito, mas matanda siya kay Xyler pero sa tingin niya mas matured itong mag-isip keysa sa kanya. Naiinggit talaga siya dito.





            "Papahirapan ko siya hanggang siya na mismo ang makipaghiwalay sa akin."





            "You are bad." Ngumisi lang ito sa kanya, kung alam lang nito na pinaglalaruan lang ito ng mga magulang nito for sure hindi na talaga magpapakita si Xyler sa mga ito. Kaya nga keep quiet nalang siya dahil baka siya pa ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang plano nina tito at tita. "Pero uso nga ang pahinga hindi ba? Dalawang araw ka ng hindi lumalabas ng opisina mo at hindi ka rin kumakain para kang broken hearted."





            Hindi siya brokenhearted, she's soul-hearted. Wala si Rye sinabihan siya nitong may business meeting daw ito somewhere and she doesn't care kaya inabala niya ang sarili niya sa pagtatrabaho. Hindi pa rin nawala ang galit niya sa pagsisinungaling nito sa kanya, he said he stole her virginity pero virgin pa pala siya kaya nangyari nga ang sinabi nito. He really did stole her virginity and she allowed it. And right now kahit gusto niyang lumayo dito ay hindi niya magawa dahil ang walang hiya kinuhanan ng video ang ginawa nitong karantaduhan sa kanya.

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon