Chapter Eight-C

94.5K 2.1K 147
                                    

Chapter Eight-C



            ABALA siya sa paggawa ng sketch sa kanyang nalalapit na fashion show, ilang linggo nalang iyon at hindi na siya pwedeng maglaro-laro lang. Nasa Royale East Wing siya ng mga oras na iyon dahil wala gaanong kumakain sa wing na iyon dahil nasa Main hall ang lahat. She loves the place because it's so girly with pink, yellow and purple prints everywhere. Pati ang mga upuan ay parang ginawa for princesses at tahimik din.


            Dapat ay kanina pa siya dito kaya lang tinawagan siya ng mommy niya na kailangan daw niyang dumalo sa anniversary celebration ng company ng daddy niya na ngayon ay pinapatakbo na ni Caleb. Ayaw sana niyang pumunta pero bilang nag-iisang anak na babae ay kailangan niyang pumunta.


            "Good afternoon."


            "Ay, palaka!" narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaking humalik sa pisngi niya. "Kuya Eon naman eh." Naiinis na hinampas niya ito ng sketchpad. Kapatid ito ni Ainsley kaya kakilala niya ito. Umupo ito sa upuan sa harap ng mesa niya.


            "Beautiful as ever Chloe, how are you?" Si Eon ang unang crush niya, gustong-gusto niya ito noong bata pa siya pero kalaunan ay nawala na ang nararamdaman niya dito. He is still handsome as ever gwapo naman talaga ito, maganda si Ainsley but she hates Clive. She still hates him, she will hate him until eternity.


            "Mabuti naman sabi mo nga maganda pa rin ako." Tiningnan niya ito, alam niya ay may crush ito kay Xyler na pinsan niya dati. Ito nga ang nagturo sa pinsan niya na magdrive and he also provided Xyler's first car and he helped Xyler noong naglayas slash umalis ito sa poder ng mga magulang nito.


            "Tama, maganda ka pa rin. Where's your boyfriend then?"


            Ngumiti lang siya, hanggang ngayon hindi pa rin siya sanay na tawaging boyfriend si Rye. Pakiramdam kasi siya ay illegal iyon dahil wala namang ligawan na nangyari basta nalang nitong idineclare na magkasintahan na sila.


            "Work."


            "May boyfriend ka na nga."


            Ngumiti lang uli siya. "Ikaw? Kailan ka magpapakasal baka maunahan ka pa ni Ainsley." Biro niya. "May kumuha na ng puri ng babaeng iyon." she joked, tumawa lang rin si Eon.


            "Kung ang tinutukoy niyang puri ay ang pagkakapal-kapal na lipstick niya baka ilang beses na siyang nakasal at nakipag-annulment. You know my sister sasaludo ako sa lalaking makakapagpatino sa kanya, she is weird at lahat ng manliligaw niya ay natatakot lalo na kapag nakikita ang kanyang studio."


            Natawa siya ng malakas sa tinutukoy nito, alam kasi niya ang tinutukoy na studio nito. Ainsley's fascination doesn't stopped from the clothes and outfits she wears, sobrang laki ang pagmahahal nito sa mga lamang loob ng tao at sa mga patay na hayop. That's scary though pero nasanay na rin siya.

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon