Chapter Nine-B

101K 2.2K 85
                                    

Chapter Nine-B



            "BECCA." Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya habang nakatingin sa pictures na nasa laman ng box. Those were Rye's pictures with a lovely woman beside him. Lahat ng pictures doon ay nakakaramdam siya ng pagmamahal at kasiyahaan. Rye's pictures... they are all smiling.



            May kinuha siyang papel na nakalukot at nakasiksik sa isang tabi. "I will forever love you, eternity and beyond... Rye." Agad niyang nasapo ang puso niya ng mabasa ang mga letrang iyon. It's like a punch in the gut for her. "Becca."


            "Chloe!" mabilis niyang iniligpit ang box at itinago sa ilalim ng kama. Bigla siyang nakaramdam ng takot na makita ni Rye na pinapakialaman niya iyon. "What are you doing here?" kunot-noong tanong nito sa kanya ng pagbuksan niya ito ng pinto.


            "I-I have a headache kaya nagpapahinga lang ako."


            Bigla itong namutla. "May naaalala ka na?" she shook her head, naalala wala pero nalaman meron... marami.


            "Sa init siguro ito."


            Tumango ito. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"


            "Y-yeah." Becca. Her name echoed to her ears. Ang babaeng unang minahal ni Rye. And then it makes her stiffed for a while and laugh bitterly to herself. Si Becca ang nag-iisang babaeng minamahal ni Tryker.


            "Good come here." Hinila siya nito. "Let's eat." Tahimik na sumunod siya dito mabuti nalang at hindi nito napansin ang kanyang pananahimik. He brought her outside his house at dinala sa may garden. May nakaset-up na naman na picnic doon. "Naparami ang luto ko kaya naisipan kong magpicnic." Napakamot pa ito ng ulo. That is the reason why she fall in love with him, but is he—.


            "Wala ka bang sasabihin bakit tahimik na tahimik ka?" takang tanong nito sa kanya. Agad siyang umiling at pinilit ang sarili na ngumiti.


            "Wala naman." Pinasigla niya ang kanyang sarili. "Matingnan nga ito mukhang masarap at marami ka talagang nailuto. Ano bang meron?"


            "Birthday."


            "Huh?"


            "It's my birthday." Napaawang ang kanyang mga labi habang nakatitig dito.


            "Birthday mo? Bakit hindi mo sinabi kaagad? You should have told me about your birthday!"


            Natawa ito sa nakitang reaksyon niya. "Just eat and I'm already happy."   

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon