Chapter Ten-C

95.1K 2.4K 254
                                    

Chapter Ten-C



HER head injury was healed now, she remembers everything... she remembered those three weeks na nakasama niya si Rye. Naalala na rin niya ang dahilan kung bakit bigla siyang umalis sa isla at naalala na niya kung bakit nawala ang ala-ala niya. Nalaman niya kung bakit talaga umalis si Becca na naging dahilan kung bakit naging ganoon nalang kalamig si Rye sa mga tao. She can't blame him though he really loves her, halos lahat kaya nitong ibigay kay Becca, iyong mga bagay na hindi nito kayang ibigay sa kanya lalong-lalo na ang isang bagay na alam niyang imposible ng mapasakanya.


She huffed a soft sigh at napatingin ito sa kanya, alam niyang nagtataka si Rye kung bakit sila nakasakay sa kotse nito. Sinabihan na rin niya ang driver kung saan sila pupunta, it's a very long travel. And she knew by the end of this travel siya ang uuwing luhaan.


"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa kanya habang ginagap ang kanyang palad. She gave him a small smile at pasimpleng kinuha ang palad niya sa kamay nito. Itinuon nalang niya ang pansin sa labas ng kotse ayaw niyang makita at mabasa nito ang tunay na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.


She already made her decision, alam niyang hindi magiging masaya sa kanya si Rye. Ayaw niyang maging katulad ni Grace, naiintindihan niya kung bakit nagawa iyon ni Grace. Grace loves Rye too much she could do the dirtiest trick and lied about everything, alam niyang nagsisisi na ito at kahit na hindi nito amin ang bagay na iyon ay alam niya, nababasa niya ito, takot na lang ang namayani sa puso nito kaya itinago nalang nito ang totoo. Fear and selfishness shouldn't be combined... it's scary.



Ayaw niyang hadlangan ang dalawang tao na tunay na nagmamahalan. She loves Rye very much that's why she is willing to let him go for his own happiness, for his own sake. Sa isang kwento may dalawang tao na magiging masaya may isa naman na masasaktan, siya iyong panghuli nasanay na rin siguro siya na mas unahin ang kasiyahan ng mga taong mahal niya keysa sa sarili niya. At mawawala sa kanya ang lahat.



"Saan ba talaga tayo pupunta at kailangan pa nating bumiyahe ng matagal?" she chuckled at him, lumalabas na naman ang pagiging impatient nito. "Tingnan mo nga ako Chloe I want to look at you." Utos nito sa kanya.



She put her fake mask and smile sweetly at him, kung ito man ang huling pagkakataon na makikita niya ito ng malapitan ay susulitin na niya. Maikling oras nalang ang meron siya at gusto niyang sulitin iyon gusto niyang ariin ito na sa kanya kahit sa ilang oras lang.



"Why do I have this feeling na mawawala ka sa akin?" biglang tanong nito.



"Magiging masaya ka na rin." Hinawakan niya ang pisngi nito, the moment she touched his face she all she wanted to do is to kiss him and cry for him. She wanted him to love her the same way he loves Becca but they both know he can't.



Isa lang ang puso nito, si Becca lang ang laman nito. "Magiging masaya na tayo." He pulled her closer to him and let her feel him one more time. She almost broke in tears and pressed herself to him. Tama ka Rye magiging masaya na tayo ikaw sa piling ng taong tunay mong mahal at ako na masayang makikita na masaya ka na rin.

ZBS#3: Yellow Beetle's Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon