Chapter 23

40.5K 2.2K 1.1K
                                    

⚠️ Trigger Warning: Abuse and Violence

=====

"Venice Aiana Madrigal Alcantara! Huy!"

Napairap ako dahil niyugyog pa ni Hannah ang balikat ko pagkatapos akong tawagin sa buong pangalan.

"What?" Iritado kong sagot.

"Kanina pa kasi kita kinakausap pero wala ka na naman sa Earth. Saang planeta ka naman namamasyal ngayon, friend?"

"Sa planet na wala ka." I answered and shut my eyes.

Nagpaiwan na nga ako rito sa room 'cause I don't wanna deal with people today pero ito namang si Hannah ay hindi ako tinitigilan.

"Napakasungit mo today kung kailan last day na ng class. Excited na excited na nga ako sa sem break pero ikaw parang pinagsakluban naman ng langit at lupa?"

Hindi ako sumagot para manahimik na siya pero parang hindi talaga siya napapagod at nauubusan ng sasabihin.

"Ay by the way, pansin mo ba? Si Miss Carter last week pa wala? Napaaga ata ang bakasyon niya? Umuwi siguro ng England or nagbakasyon ulit sa Barcelona. Hay, miss ko tuloy si Juancho my love."

My jaw clenched sa hindi ko malamang dahilan. I've been thinking the same thing but I don't know if it's just me pero masama ang pakiramdam ko sa pagkawala ni Miss Carter since last week. Nagtanong din naman ang mga classmates ko sa student assistant na nagbibigay sa amin ng task sa time niya pero kahit ito ay hindi rin alam ang reason kung bakit wala siya. Huli ko pa ata siyang nakita ay 'yong sa party na sinama ako nina Mommy Ven and Mommy Tami.

"So speaking of vacation, saan ka magbabakasyon ngayon sem break?"

Dahan-dahan akong nagmulat habang nakakunot ang noo dahil hindi talaga ako tinigilan ni Hannah.

"Somewhere."

"Anong somewhere? Saan nga? Kj mo lagi. Hindi naman ako sasama sa 'yo dahil sasama ako kay daddy sa business trip niya sa Thailand. Anong gusto mong pasalubong?"

Umiling ako saka siya inayos ang mga gamit ko sa desk at inilagay sa bag. "I'm going to Calypso."

"Calypso? Saan 'yon?" Takang tanong niya as expected.

"It's my private island in Palawan. I named it Calypso."

Hindi ko narinig si Hannah na sumagot kaya binalingan ko na siya. Nakatakip pala siya ng bibig habang nakatingin sa akin at nanlalaki pa ang mga mata so I raised a brow.

"What?"

"O... M... G. Ibang klase talaga ang pagka-expensive mo, friend! Spoiled ako kay dad pero never akong bibilhan ng island no'n if ever na magpabili ako." Sabi niya habang tulala pa rin sa 'kin.

"Well, I just inherited that island from daddy lo." He gave the Hacienda Alcantara kasi kay Tam then he said he wants to be fair so he gave the island naman to me.

"Grabe naman si Lolo Tobi. Gusto ko sana sumama sa 'yo pero naka-book na kami ng flight." Nakasimangot na siya ngayon at halatang nanghihinayang kaya tumayo na ako.

"It's fine. Hindi rin naman kita isasama if ever." I casually answered and grab my bag.

"Ang damot mo!"

"Whatever. Uwi na tayo." Aya ko at nauna na rin akong lumabas ng room.

Sabay kaming naglakad patungo sa parking and naghihintay na rin naman agad ang driver niya kaya pinauna ko na rin agad ito. Ang dami pa ngang sinasabi pero mabuti na lang at nakita no'ng driver niya ang senyas ko kaya pinaandar na nito ang sasakyan.

Love Me Like You Hate MeWhere stories live. Discover now