Chapter 4

52.8K 2.2K 1.9K
                                    

"Aia, are you okay?"

Bumalik ang tingin ko kay Hannah at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"You're not listening to me. Kanina pa ako salita nang salita rito. Gosh, Aiana." Reklamo niya pa.

Nasa parking lot na pala kami ng hindi ko napapansin at maging ang mga sinasabi niya ay parang dumaan lang sa 'kin.

"I'm sorry."

Hanggang ngayon kasi ay disturbed pa rin ako sa nangyari noong isang gabi sa party ni Ate Havana. Balik lang sa normal si Miss Carter pero alam kong hindi pa rin naman naso-solve ang kung ano mang dinadala niya.

Yes, nakaka-asar siya pero hindi naman ako ganoon kawalang puso para hindi pansin 'yon.

"So what I'm saying earlier is about our school trip na intended lang for our course. Naka-ready ka na ba? Bukas na 'yon ah and five days tayo ro'n."

"Oh gosh. Oo nga pala!" Gulat na sabi ko.

May school trip nga pala kami sa La Casas Filipinas de Acuzar at kung hindi niya binanggit ay siguradong nakalimutan ko iyon.

"Ayan tayo e. May problema ka ba, Aia? Bihira ka lang makalimot ah. What's bothering you?"

Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya nang diretso. "Nothing. Napuyat lang ako kagabi sa pinapanood kong series."

"Ano namang pinapanood mo?" Taas kilay niyang tanong na parang hindi convinced sa palusot ko.

Gusto ko ng mapa-face palm dahil sa kakulitan niya pero wala talaga ako sa mood na ma-bwisit ngayon. "Bakit ba ang dami mong tanong Hannah Devon? Umuwi ka na nga."

Itinulak ko siya palayo ng makita ko ang sundo niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito marunong mag-drive kaya hatid-sundo pa rin ng family driver nila.

"Hay nako, Aiana. Kung wala lang kaming family dinner hindi talaga kita tatantanan. I'll remind you again later about sa school trip natin at baka makalimutan mo na naman. Tumatanda ka na talaga."

Hahambalusin ko na sana siya ng bag ko pero mabilis na itong pumasok sa loob ng sasakyan at tawang-tawa pa habang kumakaway pagkatapos buksan ang bintana ng backseat.

"Ingat pag-uwi ah. See you tomorrow, bestie!" Nag-flying kiss pa ito na ikinangiwi ko naman.

Lakas talaga mangbwisit. Pasalamat na lang talaga siya at naging bestfriend niya ako kundi ay matagal ko na siyang nabigwasan.

I let out another sigh bago ko muling tahakin ang dulo ng parking lot kung saan nakaparada ang red Ducati Superleggera V4 ko na regalo ni Tito Thyrone.

At dahil big bike ang dala ko ngayon ay naka-suot ako ng boots at black tight pants. I partnered it with white crewneck top and black leather jacket. Inilabas ko rin ang pair of leather motorcycle gloves ko sa bag at isinuot iyon.

"Wow! Is that yours?"

Kunot-noo akong napalingot dahil sa nakakairitang boses na 'yon at seryoso kong tiningnan ang babaeng naglalakad palapit sa 'kin.

"Yup." Walang gana kong sagot saka ko inayos ang bitbit kong helmet para suotin.

"That's so cool. Nagmo-motor ka pala." Dinig kong sabi ulit ni Miss Carter pero hindi ko na siya pinansin dahil in the first place ay hindi ko alam kung bakit siya nandito at mukhang manghang-mangha pa sa sportbike ko.

"Hey, wait!"

Iritado kong itinaas ang visor ng helmet ko dahil hindi ko rin natuloy ang pagsampa sa motor.

"What?" Pairap na tanong ko ng balingan siya ulit.

Gusto ko ng umuwi pero heto at nangungulit na naman siya.

Love Me Like You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon