Chapter 21

41.1K 2.1K 1.6K
                                    

"I've been revived by the doctor." Dinig kong announce no'ng babaeng una kong na-eliminate.

Sandali akong napangiti habang nakatingin sa bonfire at binabawi ko na ang sinabi ko kanina na walang ambag ang magaling kong kaibigan.

Muling umingay kaya sandali kong tiningnan ang na-revive na civilian. Inalis ko rin agad ang tingin ko at nalipat kay Miss Carter ng maramdaman ko ang tingin nito sa 'kin.

Sandali lang naman kaming nagkatinginan dahil bigla itong tumayo. Nagpaalam siya na may kukuhanin daw saglit at pagbalik nito ay may dala ng packs of marshmallows and sticks.

"The camping will not be complete without a roasted mallows. Please get some and pass." She said after opening a pack of marshmallows at inabot sa isang student sa tabi niya.

Umupo siya ulit sa pwesto niya kanina na katapat ko lang at muli kaming nagkatinginan. Iiwas ko na rin sana ang tingin ko nang bigla naman siyang ngumiti and even winked at me. Ghad. This woman.

Kinunotan ko naman siya ng noo at hindi ko rin napigilang umirap.

Nagsimula ulit na magsalita si Sir Paul at ngayon naman ay nagtatanong siya sa amin kung sino ang naka-experience ng mag-camp.

May mga nagtaas ng kamay and I grab that chance to look at the girl beside the first civilian that I eliminated.

Gusto kong matawa dahil naiisip ko na ang mga sasabihin ni Hannah about this game. She really assigned the civilian and doctor doon sa dalawang babaeng kasama namin sa table kanina.

I winked at the girl as soon as our eyes met and she was shocked.

Nilipat ko agad ang tingin sa packs ng marshmallows na papunta na sa 'kin from my right side while waiting for her announcement.

"I'm dead. I'm the doctor."

Everyone gasped.

Nag-pretend din ako na nagulat at mabilis siyang nilingon. Nakita kong tumingin sa akin ang civilian na ni-revive niya at kinindatan ko rin ito and cleared my throat after to prevent myself from laughing.

Nakakatawa kasi ang mga gulat na reaction nila and I'm starting to find this game fun.

"I'm dead. I'm a civilian."

Lalong lumakas ang ingay at may iba't-ibang reaction din sa iba pang participants but I made myself busy with marshmallows.

I easily eliminated other three civilians but I'm not sure if I'm just really good at this game or they're just afraid to accuse me. Either way, I just really want to win this game dahil hindi maganda ang kutob ko sa magiging punishment.

Habang kumakain ng marshmallow ay napatingin ulit ako kay Hannah na naglalakad naman ngayon patungo sa likod ni Miss Carter.

Siya na lang pala at si Sir Paul ang natitira and I have a hint na rin kung sino sa kanilang dalawa ang police. It's just that... ugh! Nevermind.

Hannah stopped behind Miss Carter at pinandilatan ako ng mga mata. It's like she's telling me na si Miss Carter ang kailangan kong i-eliminate pero inirapan ko lang siya at ibinalik ang tingin ko sa bonfire.

I may look calm outside but the truth is halo-halo na ang emosyon ko ngayon 'cause I don't know how to wink at her and I don't really wanna do it.

Kahit naman hindi ako bigyan ng hint ni Hannah ay alam kong si Miss Carter talaga ang civilian sa kanila ni Sir Paul but I don't really wanna wink at her. Iniisip ko pa lang na gagawin ko iyon ay sobrang awkward na.

While contemplating ay wala sa sarili akong napatingin kay Miss Carter at nagulat pa ako ng taasan ako nito ng kilay. It's like she's telling me 'what now?', provoking me to wink at her 'cause she knows that I'm the killer.

Love Me Like You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon