Chapter 5

52.2K 2.3K 3K
                                    

Pabagsak akong humiga sa kama pagkatapos kong mag-ayos ng mga damit na dadalhin para sa school trip namin bukas.

Hindi pa naman ako masyadong inaantok kaya inabot ko ang phone ko sa bedside table. Ngayon ko lang din ito na-connect sa wifi kaya sunod-sunod na notifications ang natanggap ko. Pinakamarami sa FB kaya ito ang una kong binuksan.

Venice Aiana Alcantara updated her profile picture.

Venice Aiana Alcantara updated her profile picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❤️😮😢24K                  2.2K comments

Tamara Kienn Alcantara: Ate, mag-wash ka na raw ng plates sabi ni Mommy Ven. 🤣

Claine Justine Alcantara: Ate Aia, baka ikaw na ang ipalit na model sa 'kin. Mauubusan ako ng endorsements niyan huhu.

Hannah Devon Ferrero: Nakakaiyak naman ang ganda mo, bestie. 😭 #queenaialangsakalam

Deen Louise Alcantara: Love the earrings but samahan mo na 'ko sa Barcelona next month. 🙄

Ica Genette Alcantara: Sama ako sa Barcelona! Ako na bahala sa plane tickets Deen Louise. 'Di na makakatanggi 'yan si Aia.

Clarisse Alcantara: Napakaganda ng pamangkin ko. Manang-mana sa tita. 😍

Napa-face palm na lang ako pagkatapos basain ang ilang mga comments. Lagot sa 'kin si Tamara bukas!

Wala akong ni-reply-an sa mga comments at nag-scroll na lang ako sa news feed. Saktong pag-click ko ng video of a cute dog ay may lumabas na naman notification.

Chantel Carter sent you a friend request.

Kumunot ang noo ko pagkabasa ng notif at sandali pa akong napatitig doon. Seryoso ba 'to?

Hindi ko alam kung bakit ko naisip na poser lang ito kaya wala sa sarili kong ni-check ang profile niya.

Doon ko lang napatunayan na real account niya nga ito dahil ang latest update sa wall niya ay 'yong picture nila ng iba pang apat na professors sa isang restaurant.

Natigil ako sa pag-check ng account niya ng may bigla na namang mag-notif. This time ay message request naman ito at galing na naman sa kanya.

Kusa akong napadpad at messenger at wala sa sarili kong binuksan ang message niya.

Chantel Carter
Facebook
You aren't friends on Facebook
1 mutual friend: Iryn Michelle Olivar

Hi, honey! I just wanna say
thank you for taking me home.
I really enjoyed the ride. Ikaw
naman hahatid ko next time. 😉

Napangiwi ako pagkabasa ng huli nitong sinabi at binalik ko agad sa home ng phone ko.

What the hell?

Hinatid ko lang naman siya sa tapat ng Birch Tower kanina then umalis na rin ako agad kahit pinapaakyat niya pa ako para mag-dinner.

Love Me Like You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon