Chapter 20

42.2K 1.9K 860
                                    

"Bestie... hindi ko na talaga kaya. Malayo pa ba tayo?"

Napairap ako ng marinig na naman ang angal ni Hannah dahil kanina pa niya sinasabing pagod na siya at nakakapit pa sa braso ko. Paakyat kasi kami ngayon sa camp site na nasa taas ng bundok for another school activity ng course namin pero dahil hindi sanay mag-hike itong kasama ko ay pagod na pagod na agad.

"Dito na ata ako mamamatay. Pakisabi na lang kina mom and dad na mahal na mahal ko sila." Hannah said again and dramatically cries.

"I think we're almost there. Tigilan mo na 'yang pag-iinarte mo." I sighed and glanced at her back. "Bakit naman kasi ang laki-laki ng bag na dinala mo?"

Her rucksack is really huge compared to mine at halatang punong-puno ang kanya.

"E sabi kasi two days daw tayo sa camp site kaya iyan ang dala ko." Sagot naman niya habang umaarte pa ring umiiyak.

"Two days, Hannah. Not two weeks. Kung anu-ano naman ata 'yang pinagdadala mo na hindi naman needed."

"Anong hindi kailangan? Syempre nagdala ako ng mosquito killer lamp dahil for sure maraming lamok do'n. Mahirap ng magka-dengue 'no! May dala rin akong powerbanks and portable fan kasi for sure walang kuryente ro'n. Of course mga damit ko rin and foods. Ikaw, ano bang dinala mo? Huwag kang makiki-share sa akin kapag wala kang dala ha!"

"What a pity." Tanging nasabi ko habang napapailing sa mahabang sinabi niya. Hindi rin talaga minsan nagpe-pay attention ang babaeng 'to.

"You got it, guys! We're almost there!" Dinig kong sigaw ni Sir Paul na nasa harap namin kasama si Miss Carter na sa tingin ko ay sanay ding mag-hike.

She's wearing a gray windbreaker jacket and Dry-Fit leggings and brown hiking boots on her feet. She's also wearing a black cap and a normal sized rucksack. Si Hannah lang naman ata ang may dala ng napakalaki.

"Ay hala!" Gulat na sabi ni Hannah kasabay ng pagluhod ng babaeng tinitingnan ko.

Wala sa sarili kong inalis ang kamay ni Hannah na nakahawak sa 'kin at nagmamadali kong nilapit si Miss Carter.

"Are you alright?" Nagkasabay pang tanong namin ni Sir Paul at parehas kami ngayong naka-level sa kanya.

Tiningnan niya naman kaming dalawa bago ito mahinang tumawa.

"I just slipped because of that rock but I'm completely fine." Sagot ni Miss Carter bago tumingin ulit sa 'kin.

"How's your foot?" I asked again.

"It's fine, sweetheart. No need to worry." She smiled.

Nakahinga naman ako nang maluwag at napagpasyahan ko na ring tumayo saka inabot ang isa kong kamay pero gano'n din ang ginawa ni Sir Paul kaya nagkasabay kaming dalawa.

Babawiin ko na sana ang kamay ko but Miss Carter suddenly held mine.

"Thanks, Paul." Nakangiting sabi niya bago bumaling sa 'kin.

Ramdam ko ang tingin sa amin ng lahat but I shrugged off the awkwardness at maingat siyang tinulungang makatayo.

"Thank you, Aia." She smiled again.

"I can carry your bag until we reached the camp, ma'am." Sir Paul offered. Umatras naman ako para bumalik sa tabi ni Hannah pero narinig ko pa rin ang sagot ni Miss Carter.

"My bag's not that heavy, sir. I can still manage. Malapit na rin naman tayo sa camp."

Nawala ako sa pakikinig kina Miss Carter nang biglang tapikin ni Hannah ang balikat ko.

"Hoy, bestie! Nagulat ako sa 'yo ah. Daig mo pa si Flash no'ng bigla kang sumugod do'n sa harap."

Napairap ako pero hindi ko siya pinansin dahil alam kong hindi matatapos ang kadaldalan niya kung magsasalita pa ako.

Love Me Like You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon