CHAPTER 48

11.1K 297 31
                                    

Nakarating kami ng bahay at magkahawak kamay kaming pumasok.

Naabutan namin si Manang Flor. Nandito pa pala siya akala ko umalis na siya.

"Iha, mabuti naka uwi kana. Ang tagal mo din nawala, na miss ko tuloy pag lutuan ka. Tara nandoon silang lahat sa sala at kanina pa kayo inaantay ng mga anak niyo." Sabi ni Manang Flor.

"Tama si mama. Welcome back ate Ash." Biglang sulpot ni Haily.

Wow ang laki ng pinag bago niya, kung dati hindi siya pala ayos. Ngayon ang ganda niya kapag naka ayos.

"Salamat, Haily. Hindi ko akalain na nandito pa kayo. Akala ko umalis na kayo." Sabi ko sa kanila.

"Hindi kami aalis, pamilya na ang turing namin ni mama sa inyo. Staka salamat sa bahay na pinagawa mo, sinabi sa akin ni ate Gillian. Pinagawa mo pala kami ng bahay." Yumakap siya sa akin at nag pasalamat.

"Ano ka ba bahay iyon ng magiging pamilya mo, sa ngayon dito kayo sa amin habang hindi ka pa kasal. Gusto namin na dito kayo ni Manang Flor, dahil parte na kayo ng pamilya namin." Sabi ko sa kaniya.

"Ok tama na iyan, inaantay na tayo ng anak natin." Tumango naman ako at pumunta na kami ng sala.

Naabutan namin sila dito.

Kumpleto nandito sila mommy, daddy, tita and pamilya ni kuya at ate ni Zain.

"Welcome home!" Sabay na sabay nilang sabi kaya natuwa ako.

"Mommy/dada!" Sabay na sabi ng mga anak namin at lumapit sila sa amin.

Binuhat ko agad si Carl, habang si Claire naka yakap sa mommy niya.

Naalala ko ayaw pa pala sa akin ni Claire.

Nalungkot naman ako bigla.

Hinawakan naman ni Zain, ang kamay ko.

"Anak kailangan mag usap muna kayo ng dada mo." Sabi ni Zain, kay Claire at tumango naman ang anak ko.

"Anak, Carl. Kay mommy ka muna ok, kakausapin ko lang ang ate mo." Tumango naman ang anak ko at binuhat naman siya ni Zain.

Hahawakan ko sana si Claire, pero nauna siya sa kusina. Kaya sinundan ko nalang siya, pero tinignan ko muna si Zain. Tumango naman siya.

Pag dating ko sa kusina nakita kong umalis din muna sila Haily.

Nakita ko naman ang anak ko naka upo, kaya umupo ako sa harap niya.

"Alam kong galit ka kay dada. I'm sorry anak kung matagal nawala si dada. Ganito kase nangyari kay—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita siya.

"Alam ko na po ang nangyari. Sinabi na po sa akin nila lola, kaya wala na po kayong dapat i explain. I'm sorry mama, kung nagalit po ako sa inyo ni Carl." Tumayo siya at lumapit sa akin.

Nag tataka pa ako kung bakit siya tumayo. Aalis na siguro siya kaya tumayo siya.

Nagulat ako bigla niya kong niyakap at umiyak. Hindi ko maiwasan na maluha at binuhat siya, pinaupo ko siya sa hita ko.

Sumiksik siya sa akin at doon umiyak.

Hinaplos-haplos ko ang kaniyang buhok at hinalikan siya sa tuktok ng ulo.

"Shhh, stop crying na. Hindi na kayo iiwan ni dada. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo." Pag papatahan ko sa kaniya.

Naramdaman kong may yumakap din sa akin at tinignan ko kung sino.

Si Zain at Carl pala.

Niyakap ko din sila gamit isang kamay.

Maya-maya tumahan naman si Claire at pinunasan ko ang kaniyang luha.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now