CHAPTER 27

11.3K 334 63
                                    

Three days na ang naka lipas nung nakausap ko si Jefferson.

Ngayong araw balak kong kausapin si Zain.

"Anak, seryoso ka ba kakausapin mo ang babaeng iyon?" Tanong ni mom sa akin.

Ayaw kase niya ako payagan, na kausapin si Zain. May tampo pa din si mommy kay Zain, dahil sinaktan niya ako.

"Yes, mom and please payagan na ninyo ako. Malapit na alis natin. Bago manlang ako umalis ay nasabi ko na kay Zain, ang gusto kong sabihin." Napa buntong hininga naman si mom sa sinabi ko.

"Ang kulit mo, mana ka talaga sa ama mo. Oh siya ikaw bahala, basta nandito lang kami ng kuya mo." Niyakap ko naman si mom at nag thank you.

"Salamat po mommy. Aalis na po muna ako." Paalam ko at humalik si mommy sa cheek ko.

Pag sakay ko ng sasakyan ko ay bumuntong hininga muna ako. Kinakabahan ako, dahil ngayon ko lang ulit siya makakausap ng malapitan.

Nag drive na ako papunta sa bahay condo niya. Sabi kase ni tito sa condo daw ni Zain, siya tumutuloy at hindi sa bahay nila.

Pag dating ko sa condo niya ay nag doorbell muna ako.

Maya-maya bumukas ang pinto.

Nakita ko naman siya nagulat. Hindi siguro niya inaasahan na ako ang nasa harap niya.

Tinext ko din ang bakulaw niyang boyfriend, na kakausapin ko si Zain at pumayag naman siya.

Subukan lang niya hindi pumayag aanakan ko jowa niya.

"Why are you here and papaano mo nalaman itong address ko?" Curious na tanong niya.

"Kay tito, don't worry gusto lang kita kausapin at wala akong balak na mag makaawa na balikan ako." Tumango naman siya at pinapasok ako sa loob.

"What do you want to eat?" Umiling naman ako.

"Hindi na, hindi naman ako nagugutom. Gusto lang kita makausap." Tumango naman siya.

"Now speak, dahil may date kami ni Dave." Bumuntong hininga muna ako bago mag salita.

"Gusto ko lang sabihin na, masaya ako sa relasyon niyo. Nakikita ko kung gaano ka kasaya sa kaniya at hindi ako mag sisinungaling na nasasaktan ako. Sobrang sakit, Zain. Sobrang sakit na makita kang masaya sa iba, kahit alam kong hindi ka naman talaga naging sa akin.

Napaka swerte ng boyfriend sa totoo lang, dahil sobra mo siyang minahal. Sana nga iniisip ko na ako nalang siya, dahil naiinggit ako sa kaniya. Kase siya kahit nasaktan kana niya, ikaw pa din ang gumagawa ng way para bumalik siya sa iyo.

Iyong tipong, paulit-ulit kana niyang nasaktan pero mahal mo pa din siya. Ang tanga mo lang sa part na iyan, pero alam ko nag mahal ka lang. Mabuti nga hindi ako katulad mo desperada. I'm sorry sa word pero ayun kase nakikita ko, desperada ka para lang balikan ka niya gumamit ka pa ng ibang tao para lang kusa siyang bumalik sa iyo.

Aaminin ko nasaktan ako ng sobra dahil doon, pero ano ba magagawa ko mahal mo eh. Syempre kapag mahal mo, gagawin mo lahat kahit makasakit ka ng tao. Kahit kailan ba may katiting ka ba na nararamdaman sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

Gusto kong masaktan pa lalo, para mapagod na itong puso ko sa kaniya.

"Wala." Agad na sagot niya.

"Ouch ah. Masakit. Ang straight forward mo pala." Nasasaktan na sabi ko.

"Nag tanong ka sa akin. Kaya sinagot ko lang." Sabagay may point siya.

"Ito last na. Mag iingat ka palagi, alagaan mo sarili mo. Wag mo pababayaan sarili mo, mag mahalan lang kayo staka kung lolokohin ka niya ulit please itigil mo na katangahan mo. Sinasalo mo na kase lahat eh. Ayan lang naman sige alis na ako, ingat ka palagi tandaan mo mahal kita, Zain kahit hindi mo kayang ibalik iyon. Salamat sa ilang buwan na pag sasama natin bilang mag asawa, kahit puro away at asaran lang tayo. Staka wag mo pababayaan sila tito at tita." Hindi ko na siya hinayaan mag salita pa.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon