CHAPTER 26

11.2K 321 50
                                    

"Ash, sigurado kana ba na aalis kana?" Malungkot na tanong ni Mari sa akin.

"Oo eh, napag desisyonan ko na sa state na mag aral. Staka kailangan kong mag move on, habang nandito ako sa bansa natin nasasaktan lang ako kapag nakikita siya." Malungkot na sabi ko sa kaniya.

"Naiintindihan kita basta wag mo ako kalimutan ahh. Ako lang 'to si Mari, na sinubukan kang landiin." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Oo naman hindi kita kakalimutan, basta wag mo din ako kalimutan staka balitaan mo ako kapag may boyfriend or girlfriend kana." Niyakap naman niya ako.

"Sige na alis na ako, kailangan kong ayusin ang mga papeles ko alam mo na. Pero papasok pa din ako don't worry." Paalam ko sa kaniya.

"Sige na, basta kapag umalis kana tapos bumalik ka ulit dito. Padalhan mo naman ako ng chocolate staka sapatos." Natawa naman ako. Ano ako ofw.

"Oo na, mayaman ka naman eh." Umalis na ako at dumeretso sa bahay.

Pag dating ko sakto nakita ko sila mom and dad, na masayang nag uusap.

"Hello, family. Mukhang ang saya natin baka naman share niyo sa akin pinag uusapan niyo." Sabi ko sa kanila at humalik sa pisnge nila.

"Ito kaseng daddy mo, may kwinento. May lalaki daw lumapit sa kaniya tapos nag tanong kung gusto ba daw ng daddy mo 150." Natawa naman ako sa sinabi ni mommy.

"Ano ginawa mo dad?"

"Tinanggihan ko syempre. Mama mo lang ang pwede mag tanong sa akin ng 150. Hon 150 gusto ko." Nang aasar na sabi ni dad at tinaas-taas pa niya ang kilay niya.

Hinampas naman siya ni mommy.

"Pervert, alam ko na saan nag mana ang mga anak mo." Napa ngiwi naman ako sa sinabi ni mommy.

"Hindi ako pervert mommy. Si kuya lang 'yun." Umirap naman si mom sa akin.

"Oo nga pala mom, dad. Tinatanggap ko na po offer niyo, na sa state na mag aral." Nakita ko naman ngumiti ng malaki si mommy.

"Mabuti 'yan anak, para maka move on kana sa ex wife mo." Yumakap naman ako sa kanila.

"Don't worry sweetheart, ipinaayos na namin ang papeles mo." Sabat ni daddy.

"Thank you po dad, kahit ang tigas ng ulo ko. Hindi niyo ako pinabayaan."

"Aling ulo ba anak sa ibaba or taas?" Nang aasar na tanong ni dad.

"Mommy oh si dad." Sumbong ko at kinagat naman siya ni mommy sa braso.

"M-masakit 'yun, hon. May lahi ka bang bampira pwede naman ulo ko sa baba ang kagatin—" Hindi na natuloy ni dad ang sinabi niya ng bigla siyang sampalin ni mom.

"Stop it! Nandito anak natin ang bastos mo." Natawa naman ako sa kanila.

Ganyan talaga sila. Kahit nandito kami nila kuya, parang bali wala lang kay dad marinig namin.

"Bakit? Ganyan din naman si Ash, sa mga babae. Diba anak?" Luh hindi kaya ako ganon.

"Hindi kaya dad. Ikaw lang 'yun. Bye na nga pumunta lang ako dito para, sabihin na sasama na ako sa inyo. Sakit niyo po sa mata." Paalam ko sa kanila.

"Hayan mo anak, pag dating mo sa state maraming magaganda na babae pwede ka mahanap ng mamahalin mo at mamahalin ka."

"Hindi ko na kailangan 'yun dad. Si destiny na bahala sa love life ko, kung dadating siya edi dumating. Sige na po bye na po." Humalik muna ako sa pisnge nila bago umalis.

Napa buntong hininga ako bago ako umalis sa bahay namin.

Habang nasa biyahe bigla naman may nag text.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now