CHAPTER 12

9.7K 311 22
                                    

Two weeks na ang nakaraan nung pumunta dito ang ex ni ma'am. Pinaalam ko din kila tito dahil natatakot ako na makuha ang asawa ko, kahit na sabihin nating mahal pa ni ma'am ang lalaking 'yun.

Any time pwede silang magka-balikan ng lalaking 'yun at ayon ang kinakatakot ko. Sana hindi na manggulo ang bakulaw na 'yun.

Nandito kami ngayon sa bahay ng parents niya, dahil birthday ni tito ngayon. Kaya ito nandito kami pati si kuya at ang parents ko nandito din.

Nasa iisang table kami ngayon nila ma'am at mga kaibigan niya. Invited din pala mga kaibigan niya, at kasama din si Gill. Sayang nga wala si Maia, busy kase siya eh may trabaho ata ang gaga.

Tumayo muna ako dahil na iihi na ako kanina pa. Pag tayo ko nag salita naman si ma'am.

"Where are you going?" Naka taas na kilay niyang tanong.

"Iihi ako ma'am, bakit sasama ka ba?" Nang aasar na tanong ko sa kaniya, pero ang babaeng 'to inirapan lang ako.

"Kakairap mo saakin ma'am, baka hindi lang irap at baka tumirik na 'yan." Binato naman niya ako ng tissue na agad kong nasalo.

"Oh sige na ma'am, iihi lang ako wag mo ako masyadong ma miss. Pero kung mamimiis mo ako pwede mo akong puntahan sa banyo." Sabay kindat ko sa kaniya pero siya inirapan lang ako.

Hilig talaga mang irap ang mga babae ngayon. Babae din ako pero hindi ako madalas umiirap minsan lang.

Pumasok na ako sa loob at umihi na. Nang matapos ako ay nag hugas na ako ng aking kamay, sabay labas na baka hinahanap ako nila dad.

Habang papunta ako sa table namin ay may humarang naman na babae.

"Hi, kanina pa kase kita nakikita and I want to know your name. What is your name, beautiful handsome?" Napa taas naman kilay ko.

Wala naman siguro masama kung ibigay ko diba?

"Ashanti but ash nalang and you are?" Friendly lang talaga ako. Basta walang malisya ito ha.

"Wow nice name. I'm mari by the way." Nakipag kamay ako sa kaniya at ngumiti. Ganon din siya saakin.

Habang nakikipag kamay ako may nararamdaman akong, may tumitingin saamin at mukhang masama ang tingin na pinupukol ng taong iyon. Dahil para akong pinapatay niya sa tingin.

Naramdaman kong hindi pa binibitawan ni Mari ang kamay ko.

"Hmmm, Mari my hand hehe baka pwedeng bitawan mo na. Look namamawis na oh." Pinakita ko pa sa kaniya.

Nahiya naman siya at humingi ng sorry. "Sorry hindi ko na pansin."

"It's ok. Sige bye na babalik na ako sa table namin, baka hinahanap na din ako eh. Nice meeting you Mari." Paalam ko sa kaniya at nag paalam na din siya saakin. Bago ako maka layo may binubulong pa siya.

"Hmmm, Interested."

Hinayaan ko nalang siya baka may kausap lang siya, or kausap niya sarili niya hehe.

Nang makabalik ako nakita ko masama ang titig saakin ni ma'am.

"Womanizer, may asawa kana pero ang landi mo pa din." Luh ano ba problema niya.

"Hindi ako babaero ma'am, sadyang friendly lang ako." Sagot ko sa kaniya.

"Staka isa pa, hindi ko naman sila lalandiin kung hindi ikaw sila." Kinindatan ko pa siya, pero inirapan lang ako.

"Sungit mo talaga Mrs ko. Halikan kaya kita." Nakita ko naman napa ngiwi si Gill sa sinabi ko. Naalala ko may kasama pala kami, kaya medyo nahiya din ako. Nakita kong naka ngisi pa 'yung dalawang professor kay ma'am.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon