CHAPTER 38

12K 357 23
                                    

Pag dating namin sa place ay nakita ko na agad si Gill.

Ngayon din pala namin ma memeet 'yung first client namin ni Gill, kaya medyo kabado ako.

"Mabuti nakarating kayo." Inalalayan ko si Zain, maka baba.

"Pasensya na late kami, dahil ang traffic pala. Oo nga pala nandito na ba 'yung first client natin?" Baka kase nandito na siya nakakahiya naman, nauna pa siya sa akin.

"Wala pa siya. Come here, gusto kong ipakita 'yung office mo." Tumango naman ako at hinawakan ko kamay ni Zain.

Pag dating namin sa loob napa hanga ako, dahil ang ganda.

First floor pa lang ito pero ang ganda. Napili namin ni Gill, na theme sa aming building ay black, grey, and white.

Simple lang pero malakas ang dating. Ayaw kase namin masyadong colorful, sakit sa mata.

"Ang ganda, gill. First floor palang ito, pero ang ganda na. Ang galing mo talaga." Puri ko sa kaniya.

"Hmmm, it's nice. Simple but malakas ang dating." Biglang singit ni Zain.

"Because it's Gillian's work." Singit din ni Miss Wilson.

She's right dahil kay Gill, kaya ang ganda ng aming building.

"How are you, bitch?" Napa iling  nalang kami ni Gill.

"I'm fine. My baby is healthy. How are you, bitch?" Balik na tanong ni Miss Wilson.

Hinayaan nalang namin sila mag usap, dahil hindi naman namin sila masasabayan.

"Kumusta pag aalaga kay Miss Monroe, hindi ka ba nahirapan?" Tanong ni Gill, sa akin.

"Hindi, dahil masaya sa pakiramdaman na mag kaka anak kana. Ikaw ba musta sa pag aalaga kay Miss Wilson, lalo na buntis ulit siya?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

I'm sure kahit nahihirapan siya, masaya din siya. Gusto ko lang talaga malaman ang pakiramdam niya, natupad ang hiling niya.

"I'm fine too. Sobrang saya, dahil dalawa na ang anak namin. Mag papakasal na din kami, pero pag nanganak na siya. Gusto kong masaksihan ng mga anak ko, ang pag iisang dibdib namin ng mommy nila." Napangiti naman ako, dahil nakita ko siyang ngumiti.

"I'm sure, masaya ang mga anak mo. Dahil ang dalawang mommy nila, nasaksihan nila papaano mag mahalan ang mag ina nila sa isa't-isa." Bilang isang anak nasaksihan ko 'yun sa aking parents.

"You're right and i'm excited. Oh nandiyan na pala 'yung client natin." Sinundan ko ang mata niya at tama siya nandiyan na ang first client namin.

Pinuntahan namin ang client namin at inantay siyang bumaba.

Ang unang nakita ko ang takong. Mukhang bigatin ito, staka babae pala siya akala ko lalaki.

"Good morning, Miss Madrigal." Bati ni Gill, kaya bumati na din ako.

Tinignan niya si Gill, sumunod ako naman ang tinignan niya. Bigla akong napalunok, dahil sa klase niyang tingin.

"Good morning, Miss Dawson and Miss McKenna." Nakipag kamay kami ni Gill, sa kaniya.

Nagulat pa ako dahil nung ako na ang kinamayan niya, pinisil niya ang kamay ko. Agad akong bumitaw sa kaniya, dahil hindi maganda ang pakiramd ko sa ginawa niya.

"Totoo pala. Maganda itong business partner mo. How old are you?" Tanong niya sa akin.

Nakaramdam ako na may masamang imahe na tumitingin sa akin, mukhang alam ko na kung sino 'yun.

"I'm 23 po, Miss Madrigal." Magalang ma sagot ko sa kaniya.

"Call me Celeste." Tumango ako sa sinabi niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon