CHAPTER 4

9.1K 288 33
                                    

Nandito kami ngayon ni Gill sa isang baranggay, naisipan lang namin gumala dito.

Sabi kase nila may masarap daw na meryenda dito at gusto namin matikman 'yon, lalo na yung banana que, turon, at maruya. Sikat daw 'yang meryenda kaya naisipan namin na bumili non.

Iniwan namin yung sasakyan namin dahil hindi kasya dito sa loob, parang squatter ang dating pero para sa'kin hindi siya squatter.

Habang nag hahanap kami ay may nabangga naman akong babae.

"Sorry Miss, hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin ko sa kaniya.

"Ok lang ate. Teka anong ginagawa niyo sa lugar namin, mukhang mga ginto kayong tignan. Ang gaganda ng suot tapos ang babango niyo pa." Tinignan pa kami ng babae mula ulo hanggang paa.

"Nag hahanap kase kami meryenda yung mga banana que, tapos hindi pa namin alam labasan dito. Mukhang naliligaw na ata kami." Sabi ko sa kaniya.

"Ay ganon ba. May alam akong nag bebenta ng banana que, gusto niyo ba i tour ko kayo dito sa lugar namin? Don't worry mababait mga tao dito, kahit mahirap lang kami mababait naman kami." Magaan pakiramdam ko sa kaniya mukhang mabuting tao nga siya.

"Sige pero ano muna pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako nga pala si Maia Rae Ashford, 20 years old." Pakilala niya.

Ang ganda ng name niya mukhang pang mayaman.

"Ang ganda ng name mo. Oo nga pala ko si Ashanti Brooke McKenna pero Ash nalang tawag mo saakin, siya naman si Gillian Fern Dawson. Gill nalang itawag mo sa kaniya, kamag anak niya si elsa cold mag salita tapos masungit hehe." Inirapan naman ako ni Gill.

"Ang gaganda ng name niyo. Oh siya tara na ituturo ko sa inyo kung saan may nag bebenta ng banana que." Tumango naman kami at sabay-sabay na kami nag lakad.

May nadaanan pa kaming kapit bahay niya. Tapos sinabihan pa kami maganda daw kami at ang bango daw namin.

Nakarating kami sa isang bahay na may paninda sa labas.

"Nandito na tayo. Ito nga pala ang tindahan nila Aling Mirna, masasarap mga meryenda niya tapos may ihaw-ihaw pa." Mukhang masarap nga.

"Sige bibili kami at titikman namin lahat 'yan." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya saamin.

"Aling Mirna, may bibili po sa inyo lahat daw ng paninda niyo titikman nila." Sabi ni Maia sa nag titinda.

"Naku anak, saan mo nakilala mga 'yan mukhang mayayaman sure ka bang nakain sila nito?" Tanong ni Aling Mirna kay Maia.

"Opo gusto daw nila maka tikim ng meryendang pinoy." Napangiti naman si Aling Mirna saamin.

"Toto, amina ang mga upuan para sa nag gagandahan nating customer." Aysus nang bola pa si Aling Mirna.

"Wow nanay, ang gaganda nila mga artista ba sila?" Tanong ng batang lalaki sa kaniyang nanay.

"Hindi ko alam anak, pero mukhang mga artistahin. Oh siya mga iha ito kuha nalang kayo ng gusto niyo, masarap mga 'yan. Kumakain ba kayo barbeque?" Tanong ni Aling Mirna.

"Aba opo naman, nag luluto yung mama ko ng barbeque eh, staka mga isaw-isaw po pahinge. Pwede po bang bilhin nalang namin lahat, mukhang madami pa po 'yan at para makapag pahinga kayo ng maaga." Sabi ko sa kaniya.

"Aba iha totoo ba 'yan? Ngayon lang ako naka experience ng may uubos ng paninda ko." Kita ko namang saya sa mukha ni Aling Mirna.

"Opo at staka sila manong yung nag iinuman bigyan niyo po ng pulutan. Mga manong pulutan po kay Aling Mirna libre lang, sagot ko na." Nakita ko naman ngiti nila.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now