CHAPTER 28

12.6K 390 53
                                    

"Mare over night kayo sa condo ko, para sabay-sabay na tayo bukas." Aya ko sa kanila.

"Pasensya na mareng ash, hindi ako pwede dahil kay Eloise, ako sasabay." Napa simangot naman ako sa sinabi ni Maia.

"Me too/same." Sagot nung dalawa kaya lalo akong napa simangot.

"Ang daya niyo may mga lovelife kayo tapos ako ito nganga." Malungkot na sabi ko sa kanila.

"Dadating din 'yung para sa iyo, siguro hindi lang talaga kayo ang para sa isa't-isa." Sabi ni Maia, sa akin.

Bigla naman ako napa tingin sa likod at nakita ko naka luhod na si Jefferson, kay Zain. Mukhang nag p-propose na siya.

Ang sakit makita na ang dating asawa ko ngayon ay engaged na, sa long time boyfriend niya.

"Sige na mga mare, una na ako sa inyo." Paalam ko sa kanila at hindi ko na napigilan na mapa luha.

Habang papalayo ako naririnig ko ang pag tawag ni Maia, sa pangalan ko pero hindi ko na nilingon.

Dahil pag nilingon ko pa siya, makikita ko lang sila Zain.

Pag dating ko sa parking lot, hindi ko na napigilan na mapa sandal sa kotse ko at umiyak.

"Ash." Tawag sa akin ng isang tao, pero hindi ko siya nilingon.

"Hey, Ash. Shhhh don't cry, I'm here." Pag aalo sa akin ni Mari.

"Ang sakit. Ang sakit-sakit, Mari. Hindi ko na kakayanin gusto ko ng umalis Mari." Umiiyak na sabi ko sa kaniya at niyakap niya ako.

"Susupportahan kita, kung ano man ang plano mo. Siguro kailangan mo na din mag pakalayo, para makalimutan mo na siya." Yumakap nalang ako sa kaniya at umiyak habang siya inaalo ako.

----------------

Mari Pov

Dahan-dahan kong itinayo si Ash, habang umiiyak sa bisig ko.

Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Kung ikukumpara siya sa akin, mas nakaka awa siya kesa sa akin.

Nang maitayo ko na siya ay ipinasok ko siya sa kotse ko. Pag pasok ko ay umikot ako bago ako pumasok sa aking sasakyan.

Papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Miss Fernandez." Tawag sa akin at humarap ako.

"Bakit ho, Prof Monroe?" Anong kailangan ng bruha na 'to.

"Kakausapin ko lang si Brooke, alam ko nasa kotse mo siya." Tinignan ko siya na walang emotion.

"At bakit niyo po kakausapin? Ano ipapa mukha niyo po ba sa kaibigan ko na, engaged kana sa boyfriend mong hilaw?" Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.

"Hindi iyan ang sasabihin ko sa kaniya." Sagot niya sa akin.

"Kung hindi po iyan, ano pong kailangan niyo sa kaniya?"

"Kailangan ko siya maka usap, tungkol sa bahay." Tsk bahay lang pala.

"Sa susunod na po, dahil pagod si Ash. Lalo na ginawa namin kanina. Actually ang galing pala ni Ash, sa kama hindi ko akalain na ang wild niya." Malokong sabi ko sa kaniya.

Kailangan kong sabihin ito sa kaniya, para layuan niya si Ash. Ayaw kong masaktan pa ulit ang kaibigan ko.

Don't me wrong guys, wala akong gusto kay Ash. Ash is my friend, siya iyong kaibigan na dadamayan ka kahit may problema siya.

"You! Anong ginawa mo sa kaniya?" Galit na sabi niya at tumawa naman ako.

"Ano po ba sa tingin niyo, ginawa namin sa kama bukod sa matulog?" Nakita ko ang pag yukom ng kamao niya, kaya nag eenjoy ako na inisin ang bruhang ex wife ng kaibigan ko.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon