CHAPTER 13

9.7K 280 12
                                    

Nandito kami ngayon ni ma'am sa bahay. Pagtapos ng almusal namin sa condo, nag aya si ma'am na umuwi na.

Si mommy naman dumeretso sa company para i check si kuya. Si kuya na kase ang susunod na ceo, habang si dad pa din ang naka upo bilang ceo.

Pag nag birthday si kuya balak nila dad na ipasa na kay kuya, pagiging ceo. Si kuya lang naman ang mamahala sa company namin, dahil si kuya lang mahilig mag business.

Ako kase dream kong maging engineering, gusto ko ako gagawa ng bahay ko. Tapos si Gill mag d-design ng bahay ko, tutal architect naman kinuha niyang course.

Ang boring ngayon kaya napag isipan kong mag luto, practice na din kung baga. Gusto ko kaseng matuto talaga mag luto, para naman in the future hindi ako pabigat.

Nang maka baba ako ay naabutan ko si ma'am, nasa harap ng laptop niya.

Busy ata siya sa pag gawa ng lesson, ganyan lagi ganap ni ma'am kapag nag kikita kami. Kapag hindi laptop kaharap cellphone naman kaharap niya, kausap mga kaibigan niya or yung boyfriend niyang bakulaw.

Nakita kong tumingin siya saakin, kaya agad akong umiwas at dumeretso na ng kitchen.

Pag dating ko ay tinignan ko ang pantry namin pero wala palang laman, pati ibang ingredients wala din.

Papaano na ito. Napa buga nalang ako ng hininga ko.

Ang boring kase dito eh, saan kaya pwedeng tumambay.

What if yayain ko sila Gill and Maia? Hmmm magandang idea nga.

Dinial ko na sila Maia at Gill, pero hindi daw sila pwede kaya wala na ako na gawa kundi mag isa nalang.

Punta kaya ako sa bahay ampunan, matagal na din nung huling punta ko sa bahay ampunan. Namimiss ko na sila madre at ang mga bata, kaya dun nalang ako tutal ako lang naman mag isa.

Kung aayain ko si ma'am, hindi sasama saakin 'yon busy siya eh.

Bumalik ako ulit sa sala at dederetso ng kwarto.

Nakita ko napa tigil si ma'am sa pag ta-type niya ng makita niya ako.

Hindi ko na siya pinansin, imposibleng kausapin niya ako.

Nang makarating ako ng kwarto ko ay nag palit na ako ng damit, at inayos ko ang bag ko.

Hindi ako sanay kapag walang bag na dala. Nag baon na din ako ng extra damit ko, kapag pinawisan ako lalo na aayain ako ng mga bata na makipag laro.

Nang matapos ako ay bumaba na ako at nakita ko si ma'am, naka ligpit na ang gamit niya.

Palabas na sana ako ng mag salita siya. "Where are you going?" Tanong niya saakin.

"Sa bahay ampunan po, balak kong bumisita sa mga bata staka bibili din po ako ng makakain nila." Magalang na sabi ko sa kaniya.

"I'm come with you. Naboboring ako dito sa bahay, kaya sasama ako sa'yo. Same naman ata tayo mahilig sa mga bata, dahil tumutulong din ako sa bahay ampunan." Nagulat ako sa sinabi ni ma'am.

Wala sa mukha niya ang hilig sa bata. Para kase siyang galit sa mundo, yung tipong kahit lapitan mo siya susungitan ka agad niya.

"Seryoso po kayo?" Tanong ko sa kaniya baka kase nag jo-joke lang siya.

"Do you think i'm joking?" Sabi ko nga hindi siya nag jo-joke.

"Hehe sabi ko nga po, hindi kayo nag jo-joke. Aantayin ko nalang po kayo dito." Umakyat na agad siya at umupo muna ako sa sofa.

Nag scroll muna ako ng aking social media, habang inaantay siya.

Habang nag s-scroll ako ay napa tigil ako dahil may isang post naka pukaw saakin.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Where stories live. Discover now