15. Happy endings

60.3K 1.3K 23
                                    



Kerky smiled as he drove to that desserted hi-way. Hanna was beside him, sleeping like a little kid. She had that smile on her face and he wanted to believe that it was him who put it their. Alam niyang mahal niya ito. Hindi na kailangan pa ng maraming dahilan o pagkakataon o ng kahit na anong paliwanag para matanggap lamang niya sa sarili niya na mahal niya si Hanna. Ni hindi niya na inaalam sa kanyang sarili kung kailan nagsimula ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito, basta ang malinaw lang ay mahal niya ito. 

Maybe he had always loved her, maybe back when they were in high school, or maybe back then in the reunion when he first saw her. Hindi niya alam, hindi siya sigurado pero hindi naman iyon mahalaga. He had always looked for that one person who he'd want to spend his lifetime with, and now that he had found that person, he will never let her go. 

Marahil ay tama si Jenny tungkol sa jinx. Ever since Hanna came back to his life, unti-unti nang naaayos ang buhay niya. Maayos na muli ang relasyon nila ng kanyang Nanay, wala na ang nararamdaman niya kay Ian -- he was actually happy for her an Robi, unti-unti na ring nawawala ang kamalasan na noon ay tila ba nakabuntot lamang sa kanya at nawala na rin ang emptiness na nararamdaman niya because whenever she was with Hanna, the emptiness was replaced by happiness and completeness. 

"Eyes on the road, Kerky.." Nagulat siya nang bigla itong magsalita. She didn't realized that she was now awake. Umayos ito ng upo at saka ngumiti sa kanya. He prayed so hard that, that smile meant nothing but pure love, sana wala itong bahid ng paghihiganti o galit tulad ng mga naunang ngiting ibinibigay nito sa kanya. 

"You complete me." maemosyong wika niya dito. Sa kabila ng dilim ay nakita niya ang pamumula ng mukha ni Hanna. She took his hand and put it near her face. 

"I hope this is not a dream because if it is, I'm so gonna kill you." nakatawang wika nito. He smiled too. 

"You love me?" tanong niya. Hanna made a face. 

"Wala namang element of surprise kapag sinabi ko sa'yo ang sagot. Saka hindi ako easy to get. Ligawan mo muna ako." 

"Diba niligawan na kita dati?" 

"Hindi counted yon! Galit ako noon sa'yo eh!" 

"Kasalanan ko ba iyon?" natatawang sabi niya. Sukat binatukan siya ni Hanna. 

"Heh! Sige, ganyanin mo na naman ako!" Lumabi pa ito.

"Hindi na, sige na, liligawan na kung liligawan. Wala naman akong sinabing hindi." 

"Hmp. Dapat lang noh. Kundi sinasabi ko sa'yo!" bahagyang sinuntok pa siya ni Hanna sa braso. Matapos iyon ay nagkatinginan silang dalawa at sabay nagtawanan. 

It was a good day, he thought as he drove in that desserted hi-way. A good day because he now have the woman of his dreams beside him, and she had accepted the fact that he was in love with her. 


====

"Hanna!"

Agad na sinilip niya si Menchie mula sa kanyang cubicle. Mabilis siyang tumayo nang makita niyang may dala itong isang boquet ng red roses at papalapit sa kanya. Nakangiting sinalubong niya ang kaibigan.

"Pang 12 na iyan today. Kanino ba galing iyan?" tanong nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Agad niyang kinuha ang card na nakasabit sa bulaklak. 

Roses are red, Violets are blue, you are as beautiful as the flowers I sent to you.

--A.K.

"A.K?" nagtatakang tumingin sa kanya si Menchie. "Ang Kabayo?" 

"Antonio Kerkmez!" pinanlakihan niya ito ng mata. 

"Iyong nam-bully sa iyo noong high school? NIliligawan ka niya? Ano ito, kasama na naman sa revenge mo?" 

"Hindi. Kami na kaya." 

"Kayo?" 

Tiningnan niya ang kaibigan at saka siya ngumiti ng ubod ng tamis. 

"Yes, kami na. Without pretensions, without the revenge thingy. I love him, Menchie. Hindi ko ipagkakait sa sarili ko ang kasiyahan na nararamdaman ko tuwing kasama ko siya. Baduy man sabihin pero I'm head over heels in love with my Mowhawk guy." 

Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay nakatingin siya sa mga bulaklak na padala nI Kerky. He remained true to his words. Nililigawan nga siya nito. Hindi na niya kailangan maghintay pa ng matagal na panahon dahil kinabukasan matapos siyang ihatid nito sa bahay noong gabing nagkaayos sila, ay agad itong nagsimula sa "panliligaw" nito. He makes her smile everyday. Ang nakakatuwa pa ay alam niya na sibrang abala ito sa trabaho nito bilang miyembro ng bandang The Pastels pero tila hindi nito alintana ang bagay na iyon -- halos araw-araw rin silang magkasama, isang bagay na gustong-gusto naman niya. 

She likes spending time with Kerky. He makes her feel special everytime they were together. Literal ring hindi ito tumitingin sa ibang babae sa tuwing magkasama sila.

"Naku." napatingin siya kay Menchie. "Babalik na ako, si boss." mabilis na tumalilis si Menchie sa kanyang cubicle. Tahimik naman na inayos niya ang mga bulaklak niya. 

"Valentines day?" pasimpleng tanong ng boss niya. She just smiled at him.

"Love day everyday, boss." matapos iyon ay nakangiti siyang bumalik sa trabaho. She was so excited upon the end of the day because she knew that she'll be able to see Kerky again.

The day ended quickly, she excitedly waited got out of her cubicle. Natanggap na niya ang mensahe ni Kerky na papunta na ito para sunduin siya. Habang binabasa niya ang mensahe nito ay nakadama siya ng butterflies sa kanyang stomach. Naitanong niya sa sarili niya kung normal ba ang bagay na iyon, everytime she knew that she would see Kerky, nararamdaman niya ang mga paru-parong iyon. 

Nakababa siya sa lobby. Nagpapalinga-linga. Maya-maya ay sadyang binagalan niya ang kanyang mga hakbang. Natanaw na niya ang kanyang hinahanap. She stood there for a while admiring the view. Kerky was standing near the glass door, with a yellow rose in his hand, patiently waiting for him. She sighed. Napatingin ito sa kanyang direksyon. He waved at her. She waved back. Agad siyang lumakad papunta rito. 

"Ilang babae na ang tiningnan mo habang naghihintay sa akin?" nakataas ang kilay na tanong niya. Kerky made a face. Matapos iyon ay ibinigay nito sa kanya ang dilaw na rosas. 

"Alam mo ba? Mula nang minahal kita, nabawasan ang five senses ko." 

Bigla ay kumunot ang kanyang noo. 

"Ano?"

"Iyong kasing sense of sight ko, saka sense of feeling, naiwan na sa'yo." kinindatan pa siya nito. 

"Ah ganoon, so bumabanat ka ha." natatawang sabi niya. Lumapit siya dito at ipinalupot ang braso sa braso nito. "Ikaw, pagod ka na ba?" 

"Bakit naman?" tanong nito habang naglalakad sila. 

"Kasi, maghapon ka ng tumatakbo sa isipan ko." 

"Ayee! Si Hanna bumabanat din!"

"Ikaw kasi eh." nakangusong wika niya. Huminto sila nang marating nila ang kotse nito. Pinagbuksan siya nito ng pinto. 

"Kailan mo ba ako sasagutin? Gusto ka nang makilala ng mga kaibigan ko." 

"Kilala naman nila ako."

"Bilang si Hanna, oo, pero bilang girlfriend ko, hindi pa." kasabay noon ay isinara nito ang pintuan niya. Nakangiting sinundan niya ng tingin ito. Kulang ang sabihing nasa cloud nine siya. Gusto siyang ipakilala ni Kerky sa mga kaibigan nito bilang girlfriend? How romantic is that?

"What?" he asked in a funny tone. Nakatingin kasi siya rito. Hindi kasi talag siya makapaniwala kung paano nangyayari ang mga bagay na ito. From getting even, ngayon naman ay puro kilig ang nararamdaman niya kay Kerky. How great was that?

"Oo na nga..." 

"Anong oo na?" kunot noong tanong nito. 

"Oo na. Official na tayo. I love you too na rin." 

Bigla ay lumabas si Kerky ng kotse. Pinanood niya ito. Kitang -kita niya nang manghatak ito ng mga taong di naman nito kilala. Lumabas siya ng sasakyan. 

"Kerky?!" maya-maya ay lumapit na ito sa kanya kasama ang isang matandang babae. 

"Kilala ninyo ba siya, Maam?" tanong nito sa matanda. "Siya si Hanna, girlfriend ko. WHOA! GIRLFRIEND KO NA SI HANNA!"

"Hoy, ano ka ba!" natatawa ngunit kinikilig na saway niya rito. Bigla ay hinapit siya nito at saka hinagkan. Matapos iyon ay ngumiti ito sa kanya. 

"I will never hurt you, Hanna. Hindi ka magsisisi na sinagot mo ako. I love you." 

Yes, He loves her and she loves him too. Saan na pupuntab ang love life nilang dalawa. She smiled as she thought about it. Happy ending. Iyon ang pupuntahan nila. 

The one he bulliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon