4. Epic Fail

95.4K 1.7K 68
                                    

"So what have you been up too?" 

Tanong niya kay Kerky. Nasa loob sila ng isang coffee shop nang araw na iyon. Hindi siya makapaniwala. Sa nakikita kasi niyang hitsura ni Kerky ay parang tuwang-tuwa itong pumayag siyang lumabas na kasama ito. She bit her lower lip. Her plan was working.

"Uhmm..." tumikhim ito. "Nothing much. Just the usual."

"Usual? You mean making someone cry by humiliating them in front of other people?" sarkastikong sabi niya. Mukhang napipilan naman ito. Hindi kaagad nakahuma si Kerky habang titig na titig sa kanya. Tumawa siya ng malakas.

"I was just kidding! You should've seen your face!"

Namutla talaga ito at parang hindi alam ang gagawin. Kulang na lang ay pagpawisan ito ng malamig. Maya-maya pa ay sinasabayan na siya nito sa pagtawa. Alam na alam niya ang tunog ng kanyang halakhak. It was fake. But she guessed that Kerky was too stupid to even notice. He was even laughing with her. Natigil lang ang pagtawa nila nang dumating ang in-order nila. Kerky ordered a piece of vanilla cheese cake and mocha frappe with extra sugar habang siya ay simpleng kape lang ang in-order. 

"Are you sure na ayaw mo ng cake?" tanong nito sa kanya. 

"Nope. I'm watching my sugar and carbs..." 

"Nagda-diet ka pa eh ang payat-payat mo." Sabi nito habang ngumunguya ng cheese cake. Napaawang ang labi niya. Iniinsulto ba siya nito? Siya payat? Alam niyang medyo mababa ang timbang niya kaysa noon, pero walang tao ang nagsabi sa kanya na siya ay payat!

"I'm not thin." Giit niya. Umiling si Kerky. 

"Mas payat ka ngayon kaysa noong huli tayong nagkita eight days ago." 

Lalong umawang ang kanyang bibig. How could this man say that! Noon iniinsulto siya nito dahil overweight siya. Ngayon naman ang tingin nito sa kanya ay underweight. Saan ba siya lulugar?

"Anyway, anong ginawa mo sa Mindanao?" tanong nito. Nagkibit-balikat siya. 

"I took some pictures, wrote about the rebellion and some other stuff about the dispute between the army, rebels and some civilians." She sipped her coffee. 

"Hardcore pala iyang trabaho mo. Hindi ka natatakot? Baka mamaya ma-kidnap ka noong mga rebelde." Sagot nito sa kanya. 

"Why would I be scared?" ngumiti siya. "I like the fact that I'm being excited about something unusual. I like taking risks." Sabi pa niya. Tumaas ang kilay niya.

"How about you? What's so good about your band?" sarcastic ang pagtatanong niya. Gusto niyang ipamukha kay Kerky na mas may kwenta ang trtabaho niya kaysa sa trabaho nito. Ano lang ba ang ginagawa nito sa buhay? Nagbabanda. That's not even a real job – habang siya she was – in some sort of way – helping change people's lives.

"Our music and the satisfaction we feel whenever we're on stage." Ngiting-ngiting sagot nito. She smirked. Rehearsed ang sagot ni Kerky. Malamang ay iyon ay palaging sinasabi nito sa mga press sa tuwing ini-interview ang banda nito.

"I see." Napailing siya. Kerky was definitely a bum. Anong magandang dulot ng banda nito? Wala. They were just a bunch of people trying to break in the industry at sigurado siyang mawawala ito kaagad tulad ng ibang mga banda. Hindi sila magtatagal. Humalukipkip siya. 

"May girlfriend ka na?" tanong niya. Tumingin ito sa kanya. 

"Wala pa eh." Sagot nito. 

"Bakit naman?" 

"Ngayon ka lang kasi nagpakita ulit." Ngumiti ito sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata. Bigla ay pumalya ang tibok ng puso niya. Ano bang nangyayari? Pumalya ang tibok ng puso? What the hell? Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka muling tinitigan si Kerky. 

"Mais..." nakangising sabi niya. 

"Ako na ang basag." Sagot naman ni Kerky sa kanya. She made a face. 

"Hindi ako bilib sa banda mo." Diretsong sabi niya rito. Natigilan si Kerky at napatingin sa kanya. Hindi niya mapigilang ang pagtaas ng kilay at ang pagguhit ng isang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. It was true. Hindi siya bilib sa The Pastels. She saw their set noong nag-reunion sila, they were good but not good enough to be the next big thing. 

"Ah," ani Kerky habang ibinaba nito ang hawak nitong tinidor. Bigla ay nagtaka siya. Pinintasan niya ang banda nito – ang trabaho nito – pero iyon lang ang sinabi nito sa kanya. 

"What you're not mad at me?" iritableng tanong niya. 

"Hindi." Ngumiti ito. "Iba't-iba ang opinyon ng tao. Kung ikaw hindi ka bilib sa banda ko, may mga tao na bilib sa amin. Kaya igagalang ko ang opinyon mo."

Lihim na naikuyom niya ang kanyang palad. Hindi siya makapaniwala na napahiya siya rito. Of all people dapat alam niya ang bagay na iyon. She was a journalist after all! Alam niya dapat ang principle ng fact and opinion. 

"Dapat mainis ka sa akin dahil hindi ako bilib sa banda mo." Ipinagpatuloy pa rin niya ang pang-aasar dito kahit na sa unang round palang ay duguan na siya. Makakabawi rin naman siya at sisiguraduhin niya iyon.

"Ayoko. Friends tayo kaya hindi ako maiinis sa'yo. I mean two friends can exist kahit na magkaiba ang kanilang mga beliefs. Isa pa, I'm going to make sure na bibilib ka sa banda ko at siyempre – sa akin." Muli siyang binigyan ng isang matamis na ngiti ni Kerky. Kasabay ng ngiting iyon ay kinindatan rin siya nito. Nagpapa-charming ang unggoy na lalaking ito sa kanya at ang hindi niya maintindihan ay kung bakit parang tinatablan siya. Hindi niya maintindihan kung para saan ang abnormality ng heart beat niya ngayon. Nakindatan lang siya biglang nag-somersault ang puso niya? Hindi pwede iyon! Mas nanaiisin niya pang dahil sa kape ang pagbilis ng tibok ng puso niya at hindi dahil sa lalaking kinamumuhian niya. 

"Whatever. I really don't like your band." Inis na inis na sabi niya. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil siya naman ang nagsimula ng asaran contest na ito pero sa ngayon siya ang naaasar, siya ang natatalo. Hindi naman siya pikon pero napipikon siya kay Kerky. 

"Saan mo gustong magpunta after nito?" nakatawang tinanong siya nito. She looked at him habang nag-iisip siya. Saan nga ba magandang ayain ang ungas na ito? Sa Luneta park at ipabaril sa mga gwardya ni Rizal? Sa Manila Zoo at ipalapa sa mga lion, crocodile at malaking sawa o sa Star City tapos sasakay sila ng Ferris wheel at itutulak niya ito?

"Excuse me..." bago pa niya nasagot ang tanong ni Kerky ay may isang babaeng lumapit sa table nila. May dala itong camera, lapis at papel. Ngiting-ngiti ito habang tinititigan si Kerky. "Ikaw si Kerky ng The Pastels diba?" parang kilig na kilig na tanong ng babae kay Kerky. 

"Yeah..." sumagot ang unggoy. 

"Oh my gosh! I'm a fan! Can I take a picture with you?" 

Tinanguan ni Kerky ang babae. Walang sabi-sabi na binalingan siya nito at ibinigay ang camera na dala nito.

"Gandahan mo, te. Pang-profile pic ko ito sa fb!" 

Lumapit ang hitad na babae kay Kerky habang ang unggoy naman ay umakbay sa babaeng hitad. Lalong nag-init ang ulo niya. Parang gusto niyang sabunutan ang babaeng iyon at kaladkarin palayo kay Kerky. Kinuhanan niya ang mga ito ng litrato. Pagkatapos ay naiinis na ibinalik niya ang camera sa babaeng iyon. Ang buong akala niya ay aalis na ito ngunit hindi. She stayed at pilit pa ring nakikipagkwentuhan kay Kerky. 

"Uhm, excuse me, if you don't mind can we have our privacy back?" sarcastic na sabi niya sa babae. Binalingan naman siya nito at tinaasan ng kilay. 

"At sino ka naman?". How dare this woman ask her who she was!

"Ako ang date ni Antonio Kerkmez ngayon. So if you don't mind, you can leave now or I'm going to call the guards." Nakipagsukatan ng tingin sa kanya ang babae. Sa huli ito rin ang nagmartsa paalis. 

"Grabe ka naman." Tila hindi makapaniwalang sabi ni Kerky habang nakatingin sa kanya. 

"Ano?" inis na tanong niya. 

"Hindi mo pa ako boyfriend, nang-aaway ka na ng groupie. Paano kapag naging tayo na, mananabunot ka na, ganoon?"

"At sinong may sabing magiging boyfriend kita?" wala sa loob na napapitik siya sa hangin. 

"Ako. Liligawan kaya kita." Cool na cool na sabi nito. Her left brow rose. Kung makapagsalita ang lalaking ito ay parang siguradong-sigurado siya sa kanyang sarili. 

"Ganoon? Paano kung hindi kita sagutin?" she played along, after all, this was a part of her plan.

"Sasagutin mo ako. After two months, girlfriend na kita." 

"Two months?" hindi niya alam kung maiinsulto siya o matatawa. Dalawang buwan? Tinaningan talaga nito ang panliligaw nito sa kanya? "You think I'm that easy?"

"Hindi ganoon iyon, Hanna." Kerky sighed. "What I mean is, it will only take you two months – more or less – before you find yourself falling deeply in love with me; so in love that you would want to grow old me with me as much as I would want to spend forever with you." 

Bahagyang napaawang ang kanyang mga labi. She didn't know what to say or how she would react. Ano bang dapat niyang sabihin. She knew that she had to think of a smart comeback para naman hindi siya magmukhang timang. Pero paano niya gagawin iyon kung hindi niya makontrol ang mabilis na pagtibok ng puso niya? Hindi naman siya denial at inaamin niya na nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon dahil sa mga salitang binitiwan ni Kerky sa kanya. She felt a tingling sensation run down her spine at kahit nakaupo siya ay nadarama niya ang panginginig ng tuhod niya. 

"Y-you would want to spend forever w-with m-me?" nais niyang saktan ang kanyang sarili dahil sa dami ng mga salitang pwedeng niyang sabihin ay iyon pa ang lumabas sa kanyang bibig. Lalong naging abnormal ang pakiramdam niya nang biglang siyanvg nginitian ni Kerky. 

"That's for me to know and you to find out." He was smiling from ear to ear as he said those words. She made a face. Natawa lamang ito. He was playing with her. Alam na alam niya iyon at naiinis siya dahil sa round one ng larong sinimulan niya ay siya ang natatalo. 

"Ewan ko sa'yo!" inis na wika niya. Pinagtuunan niya ng pansin ang kapeng kanina pa naghahanap ng atensyon. Kasalukuyan niyang iniinom iyon nang muling magsalita si Kerky. 

"I like you, Hanna. Seryoso ako kanina noong sabihin kong liligawan kita.

=================

Kerky was smiling so wide as he walked with Hanna inside that mall. Katatapos lang nilang magkape at naisip niyang dalhin si Hanna sa mall na iyon. Malapit lang kasi iyon sa coffee shop na pinagkapehan niyang dalawa. 

"Bakit nakatawa ka?" nakalabing tanong nito sa kanya. Umiling siya. 

"Wala lang. Ang ganda mo kasi." Lalong lumawak ang pagkakangiti niya nang makita niyang namula ang pisngi nito. Agad na nag-iwas ng tingin si Hanna sa kanya at nagpatuloy sa paglakad. Huminga siya ng malalim. He was having the time of his life. Natutuwa siyang kasama niya ito ngayon. Hindi talaga niya inaasahan na ito na talaga iyong Hanna na nakilala niya noong high school pa lang siya. He was happy to see her. He was happy to spend time with her. He was happy because he likes her. 

Attracted siya kay Hanna – hindi dahil sa ganda nito – ngunit dahil sa isang bagay na hindi niya alam at hindi niya matukoy. There was something about Hanna na sa tuwing naiisip niya ay napapangiti na lamang siya basta. Alam niyang masyadong mabilis kung iisipin. Nito lang sila nagkita. Pangalawang beses niya pa lang itong nakausap. Unang pagkakataon pa lang na lumabas sila – pero sa pakiramdam niya ay parang napakatagal na ng panahon na sila ay magkasama. Wala pa naman siya sa punto na mahal na niya ito ngunit alam niyang hindi imposible iyon. 

"Bakit nagba-blush ka?" tudyo niya rito. Hinarap siya ni Hanna. 

"Hindi noh. Rosy cheeks talaga ako." Lumabi pa ito. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Kanina pa ang labing iyon – kanina pa niya naiisip kung anong pakiramdam ng mga labi ni Hanna sa mga labi niya. He wanted to know if her lips would taste sweet under his kisses. He wanted to know... pero alam niyang hindi pa maaari. 

"Hey you wanna go ice skating?" tanong niya rito habang naglalakad. Huminto ito at tumingin sa kanya. Nanlalaki pa ang mga mata nito. "Huwag mong sabihing hindi ka marunong?"
"I just d-don't feel like it." Nabubulol na sabi nito. 

"Hindi ka marunong?" he teased her. "Ang tapang mong magpunta sa Mindanao tapos hindi ka marunong mag-ice skate?!"

"Walang snow sa Pilipinas kaya hindi ako required matuto ng ice skating!" angil nito sa kanya. Napapailing na hinawakan niya ang kamay nito. Saglit namang nanigas si Hanna at parang napapasong binawi nito ang kamay. 

"What?" he asked. Again, he reached for her hand and this time he made sure that she won't be able to let go. Masarap sa pakiramdam ang kamay ni Hanna. Napakalambot ng palad nito. Tumingin siya rito. He wanted to pull her closer and stare at her. Kaya lang ay baka isipin nitong natatanga na siya. 
"Ayokong mag-skate!" singhal nito. Umiling siya. 

"Sa ayaw at sa gusto mo ay mag-skate tayo. Para rin sa'yo ito. Paano kung mapunta ka sa Alaska tapos iyong gyera nasa yelo, paano ka susugod?" hinatak niya si Hanna papalapit sa skating rink. Hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay nito. Kinausap niya ang isang babaeng nakatyo malapit sa skating rink, he paid for their ticket and for their shoes. Maya-maya pa ay iniaabot na ng babae ang ice skating shoes na gagamitin nilang dalawa. 

"Ayoko, Kerky." Muling sabi ni Hanna. Nginitian niya lamang ito at saka pinaupo. 

"Akina iyong shoes mo." Malumanay na sabi niya habang hinuhubad ang suot nitong sapatos. Matapos iyon ay siya na mismo ang nagsuot ng skate shoes kay Hanna. Habang ginagawa niya iyon ay titig na titig siya sa mukha nito. 

"Ang cute mo talaga kapag nagba-blush ka." Matapos niyang isuot ang skate shoes kay Hanna ay inalalayan niya itong tumayo. Dahil hindi marunong ay ilang beses itong nadudulas kaya naisip niya hawakan si Hanna sa bewang.

"Kerky..." Tawag nito sa kanya. 

"Gentleman ako." Biro niya rito. Hinapit niya ang bewang nito at iginiya sa gitna ng skating rink. He was so close to her that he could smell her baby like scent. He closed his eyes to savor that moment. Siya at si Hanna – malapit sa isa't – isa. It was a moment to remember. 

"Ay kabayo!" napasigaw ito nang bigla silang mapaupo. Napatingin sa kanila ang ilan habang si Hanna naman ay tawa ng tawa. "Ikaw kasi! Nabagsak tuloy tayo!" tatawa-tawang sabi nito. 

"S-sorry. Nasaktan ka ba?" tanong niya. Tumatawa pa rin si Hanna at hindi naman niya maiwasang na titigan ito. Tulad noong nangyari noong gabi ng reunion, muli na naman niyang naisip na si Hanna ang pinakamagandang babaeng kanyang nakita sa buong buhay niya.

"Bakit nakatingin ka na naman?" 

"Ikaw na yata talaga ang auntie ko." 

Nagsalubong ang kilay ni Hanna sa pagtataka. He smiled at her. Hinawakan niya ang kanang kamay nito at itinapat sa dibdib niya kung nasaan ang kanyang puso. 

"Auntie-nitibok ng puso ko..." kitang-kita niya ang muling pamumula ng pisngi nito. He felt the urge of touching her face and he did just that. He wanted to freeze this moment for he knew that even if he doesn't have any memory at all – his heart and his soul would always remember this day – the day when he first went out with Hanna – the woman that could make him feel this good about himself.

The one he bulliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon