3. Evil Plans

107K 1.9K 49
                                    

"You're Freaky Hanna!"

Hindi mapigilang ni Hanna ang pagtaas ng kilay niya. Bagaman nakakaramdam siyan ng iritasyon ay pinilit pa rin niyang mapangiti. Kanina ay gusto niya tumawa ng malakas habang pinanonood niya si Kerky na humihingi ng tawad sa babaeng inakala nitong siya. Gusto sana niyang lapitan si Sandy at ipamukha kung sino na ang mukhang freak ngayon at kung sino na ang dapat maging laughing stock. But she would never stoop down her level so she just stood there and watch the two of them as they talk. 

"I am. Hello." Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. She tried to act as friendly as she could pero deep inside her, she wanted to slap Kerky. Taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala itong pinagbago. Judgmental pa rin ito, bully at masama ang ugali. Narinig niya ang sinabi nito tungkol sa kanya kanina. 

Mataba, nakasalamin, mukhang freak!

Napangisi siya. Kung titingnan sila ni Sandy ngayon, sino ang mukhang freak?

"May I have your attention please?" 

Natigil lang ang komosyong iyon nang magsalita ang master of ceremony. Parang mga langgam na nagsibalik ang mga tao sa kanya-kanyang mga buhay na para bang walang pakialam sa nangyari kanina. She glared at Kerky and gave him her sweetest and friendliest smile kahit na sa oras na iyon ay gustong-gusto niya itong saktan. Bumalik siya sa table niya at matamang nakinig sa nagsasalita. Ayon dito, nakaipon ang batch nila ng sapat na funds para sa charity event na gagapin next week. 

She wanted to stay and watch what will happen next to Kerky ngayon na nagkita na sila. Hindi niya alam kung bakit siya nito hinahanap o kung anong sinabi ni kay Sandy kaninang nag-uusap sila. Wala siyang panahon para mag-stay ngayong gabi. She had an early flight tomorrow morning. Pupunta siya sa Mindanao for another assignment about the war. Huminga siya nang malalim. She was excited for her assignment pero mas nae-excite siya dahil sa nakita niyang reaction ni Kerky. 

Maya-maya ay tumayo na siya. She quietly walked towards the exit door. Ngiuningitian niya ang lahat ng nakakasalubong niya. Papunta na siya sa may parking lot when she heard someone call out her name. 

"H-hanna!"

She stopped dead. Nilingon niya ang nagmamay-ari ng tinig. She smiled widely when she saw that it was Kerky. 

"Hi." Confident na bati niya rito. Napangiwi ito at saka napakamot ng ulo. 

"May kailangan ka?"

"A-ano k-kasi..." huminga ito ng malalim. Tumaas ang kilay niya. I don't know where to start." Mahinang sabi nito. Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. She knew it. She had Kerkry just where she wanted to put him. Lumapit siya rito at saka ipinalupot ang kanyang kamay sa braso nito. 

"Why don't you walk with me to my car and start from the beginning?" malamyos na wika niya. She was aware of Kerky's reaction. Tatlong beses itong napalunok bago sila nagsimulang manglakad. Gusto niyang tumawa ng malakas.

"What is it, my dear?" 

"Ano k-kasi..." napapailing siya. Totoo ba itong naririnig niya? The great Antonio Kerkmez was stuttering in front of her – Freaky Hanna. Kumawala ito mula sa pagkakahawak niya. He took a step in front of him and looked at her – eye to eye. 

"Here goes nothing." Kinakabahang pahayag nito. "I know you hate me..."

She wanted to smirk. Pinigilan niya lamang ang kanyang sarili. Hate? That was the understatement of the decade. She doesn't hate Kerky. She loathes him. She disgust him. She wanted to kill him for making her feel so small, and for hating herself. 

"But I'm taking this shot." He continued. "I'm sorry, Hanna. I was young back then. I didn't know what I was doing. I should've never pulled that trick on you ten years ago sa prom night. Dapat hindi ko sinabing ---" 

"Mahal mo ako?" lihim na naikuyom niya ang kanyang palad. The nerve of this man to bring back those old wounds! She wanted to hurt him – tear his soul apart and give it to the demons for them to eat! Ganyan kalaki ang galit niya kay Kerky.

"Y-yeah..." nag-iwas ito ng tingin. Bigla ay tumawa siya. Hindi niya alam kung para saan ang halakhak na iyon. All she knew was that she needed to do that. Maybe to mask the pain and the anger she could feel inside her. 

"W-why are you laughing?" parang natatakot na tanong nito sa kanya. 

"I'm sorry." Tumikhim siya. "It's just that you're such a child." 

"Huh?" nagtatakang tanong ni Kerky sa kanya. She waved her hands. 

"I was never mad at you. We'll – at first I was because you made me feel stupid pero I grew up, I matured and I moved on." 

"So hindi ka galit sa akin?" nasisiyahang wika nito sa kanya. 

"Hindi." She smiled. 

"So we can be friends." 

Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang kilay nang ialok ni Kerky ang kamay nito sa kanya. She wanted to break his arm and make his insides bleed. She wanted him to scream of pain. 

"Friends." Tinanggap niya ang kamay nito ng buong ngiti. "There's nothing wrong with being friends." May diin ang bawat katagang sinasabi niya. Malapad ang ngiting ibinigay nito sa kanya. 

"Maybe then we could have coffee tomorrow?" he said again. She gritted her teeth. This man was pushing her patience through the limit. 

"That would be nice pero wala ako bukas. I'd be flying to Mindanao. But I'll be back in a week. Maybe then we could have coffee. Your treat." 

Halata sa mukha nito ang disappointment. Huminga siya ng malalim. Ganito ba ang epekto niya kay Antonio Kerkmez?

"I have to go now. I'll see you in a week." Nginitian niya ito saka nilagpasan. Ubod ng tamis ang mga ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Naisip niyang ayos na rin kung magiging magkaibigan sila. Sabi nga keep your friends close and your enemies closer. And in this scenario, Kerky was the enemy – and she needed to keep him close. 

Sumakay siya sa kanyang kotse. Tinted ang salamin ng kayang sasakyan kung kaya't hindi nakikita ni Kerky ang matatalim na tinging ibinibigay niya rito. She ignited the car, bago siya tuluyang umalis ay ibinaba niya ang bintana. 

"Hey," sa pagkakataong iyon ay nakatalikod na si Kerky at pabalik sa loob ng hall. Niligon siya nito. 

"Changed your mind?" nakangisi ito sa kanya. Iniabot niya rito ang kanyang calling card. 

"Nah... I just want to give you my number." Mukhang nagtataka ito. "Ano ka ba? How can you call me after a week kung hindi mo alam ang number ko?" she winked at him. 

"I'll see you around, Kerky. Bye!" she waved at him. Pinasibad niya ang kotse. Habang papalayo ay sinisilip niya si Antonio Kekrmez sa kanyang rearview mirror. She grinned. The game of revenge had just started and she would make sure that this time, she would be the one with the last laugh...

-------------------------

Hanna Mendoza
09478804343
MBC TV STATION

Sa loob ng anim na araw ay hindi na mabilang ni Kerky kung ilang beses na niyang tinitigan ang itim na calling card na ibinigay ni Hanna sa kanya noong gabing magkita sila sa reunion. Hindi siya makapaniwala. Totoo pala na maaaring mabago ng lumipas na panahon ang isang tao. Sinong mag-aakala na si Sandy – his ex – girlfriend would look like that now? And Freaky Hanna would be – anong adjective ba ang pwede niyang gamitin? Beautiful would be an understatement – Magnificent. That was the word he was looking for. He couldn't believe that Hanna would be that magnificent. Isa pang bagay na napakahirap paniwalaan ay ang nararamdaman niya ngayon. He was – in a twisted way – attracted to Hanna. 

"Pwede ba iyon, bok?" ibinaba niya ang calling card at saka tumingin kay Lex. Sabado noon at nakatambay lamang siya sa unit nito. Wala silang band related work noong araw na iyon although may pasok si Calen at si Caleb. Kung tutuusin, lahat sila ay may ibang trabaho. Hindi sila iyong banda na banda lang talaga. They are professionals. Calen works as a toy designer in an international company habang si Caleb naman ay isang renowned photographer sa isang top selling magazine. Lex was a licensed psychologist pero hindi naman na nito napa-practice ang pagiging psychologist. Habang siya – isa siyang architect at tulad ni Lex ay hindi naman niya nagagamit ang kanyang propesyon at dahil iyon sa relasyon nilang mag-ina. 

"Ang alin?" tanong nito habang nakatingin sa gitarang nasa mga kamay nito. 

"Ma-attract sa isang babaeng na-bully mo noon." Lex slowly looked at him. He crossed his legs, and arms and rested his back on the couch. Tinitigan siya nito na para bang isa siyang palaka na malapit ng i-dissect.

"Are you attracted to Hanna?" he asked in a very unusual tone. 

"I don't know. But I wanted to see her again." 

"So... you want to." Huminga ito ng malalim. "Can you elaborate to me the things that you felt when you saw her that night?" 

"Shit, bok!" binato niya si Lex ng unan. "Huwag mo ngang gawin sa akin iyang pagiging psychologist mo! Tang ina, bok! Psycho ka lang!"

"Tang ina ka rin! Nagtatanong lang eh!" ibinalik niya sa akin ang unan na ibinato ko sa kanya. 

"Nagtatanong lang ako kung posible ito. Kasi naman iyong puso ko..." 

"It's not the heart that is responsible for that emotion, Kerky. Ang trabaho lang ng puso ay ang mag-pump ng blood. It's the hypothalamus that gives you that feeling. Love is just hormones, bok." 

"Hindi ko naman sinabi na mahal ko siya. I'm just attracted to her." Napatanong si Lex. Sino ba naman ang hindi maa-attract kay Hanna. She's very beautiful. She's perfect. Kung itatabi nga siya sa rito, magmumukha siyang alalay. 

"Kung attracted ka sa kanya, anong gagawin mo?" muling tanong nito sa kanya. 

"Itatanong ko kay Keith," biglang sabi niya. Kumunot ang noo ni Lex habang nakatingin sa kanya. He grinned at him. "Not the actual Keith. Just my Iphone app." Inilabas niya ang kanyang cellphone at saka ipinakita ang sinasabi kay Lex. 

"Tatawagan ko ba si Hanna?" he shook his phone and it made a noise afterwards. 

"Paki ko? Tae ka!" he burst out of laughter. Natawa siya sa hitsura ni Lex. Napailing ito.

"Saan mo ba napagkukuha iyan app na iyan?" inis na tanong nito. 

"Calen designed this. He used some effects from his mac and the itanong mo kay Keith app was born. Gusto mo ipasa ko sa'yo?"

"Sa inyo na lang." Lex made a face. "Anong gagawin mo kay Hanna?" 

"Tatawagan ko siya. Bukas na ang balik niya." Lumawak ang kanyang ngiti. "Tapos magkakape kami." 

"Kape lang? Walang rendezvous?" nginisihan siya ng kaibigan. Alam na alam na niya kung anong tumatakbo sa isip nito. 

"Huwag mo akong itulad sa'yo, Alissandro." Binato niya ito ng unan. Huminga siya ng malalim at saka muling tiningnan ang calling card ni Hanna. Muli niyang kinuha ang kanyang cellphone at saka tumipa roon. He would send her a text message that would start their converstation pagkatapos noon ay bahala na. Sana lang talaga ay hindi pa siya nakakalimutan nito. Dahil siya, sa loob ng anim na araw mula nang makita niya itong muli ay hindi na nawala sa isipan niya si Hanna at ang magandang ngiti nito.

------------------

"Hey, Hanna! It's Kerky. I hope you remember the coffee date you promised me. See you tomorrow!" 

Tumaas ang kilay ni Hanna habang binabasa ang text message na galing kay Kerky. 

Pasimpleng kinagat niya ang kanyang labi – mannerism niya iyon sa tuwing makakaramdam siya ng kakaibang excitement. Excited siya dahil unti-unti ng nahuhulog si Kerky sa kanyang mga plano. 

"What are you excited about?" iyon ang agad na bungad sa kanya ng kanyang Ate Adriana. She was at their parents' house that day. Napaaga ang balik niya galing Mindanao dahil ipinatawag siya ng big boss ng t.v. station. 

"Revenge is sweet, Ate." Ngiting-ngiting sabi niya. Tinitigan siya ng kanyang kapatid. 

"Sigurado ka ba diyan, Ayella Hanna?" tanong nito sa kanya. Alam nito kung ano ang sinasabi niya sapagkat nai-kwento niya iyon dito noong gabing bago siya umalis papuntang Mindanao. 

"It's time that I give him what he deserves." Seryosong sabi niya. 

"Sis, may karma naman." Inirapan niya ang kanyang ate. Ang lagay ba ay hihintayin niya pa ang karma? Paano kung ma-miss ng karma si Kerky? Or worse, baka manghina ang karma sa charms ng unggoy na iyon – dahil aminin man niya o hindi, malakas ang charms ng Kerky na iyon. He had this thing na kapag tiningnan mo siya ay parang gagawin mo ang lahat ng ipagagawa niya sa iyo without questions asked. 

"Karma is a bitch. But I'm bitchier!" she growled. Napailing ang ate niya. Alam naman nitong hindi na magbabago ang kanyang gusto. At alam rin nitong kapag si Kerky na ang pinag-uusapan ay nag-iiba ang ihip ng hangin sa kanya. 

"Anong klaseng paghihiganti ba ang gagawin mo? Are you going to feed him to the dogs?" biro pa nito. Napahalukipkip siya. 

"What is the best way of getting back to a jerk who made you look like a fool in front of many people at the night of your senior prom ten years ago?" she smiled sweetly at her sister. "I'll make him fall in love with me, Ate. At kapag hulog na hulog na siya, saka ko siya bibitiwan at hahayaang malaglag sa bangin ng kahihiyan." 

Her plan was perfect. Iyon na iyon mismo ang gagawin niya kay Antonio Kerkmez. Hindi na niya hahayang saktan at paiyakin mula siya nito dahil sa pagkakataong iyon, sisiguraduhin niya na ito naman ang ikiyak at masasaktan dahil sa kanya. 

"Bahala ka, Hanna. But I'm warning you. Do not fall in love or else your plan will backfire." 

She looked at her sister with disbelief in her eyes. 

"Fall in love? Huh! Ewww!" 

The one he bulliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon