16. Somewhere in the past

58.3K 1.1K 16
                                    

"OMG. Si Kerky." 

Agad na nagtago si Hanna nang makita niya si Kerky kasama ng mga kaibigan nito. Naglalakad ang mga ito sa hallway at tila nagkakasiyahan. Wala naman siyang pakialam sa ibang kasama nito, ang gusto niya lang makita ay si Kerky. 

Lihim siyang napangiti. Kailan nga ba nagsimula ang pururut niyang pag-ibig para dito? Hindi na niya matandaan. Ang alam lang niya ay gusto niya ito at kung pwedeng lahat ay gawin niya, gagawin niya basta magustuhan lang siya nito. 

Nagyuko siya ng ulo nang mapadaan ang grupo nito sa direksyon niya. Napahinga siya ng malalim nang hindi man lang siya nito tingnan. Sayang. Bakit kasi naging pangit pa siya. Alam naman niya na wala siyang panama sa girlfriend nitong cheerleader, pero umaasa siya. Alam rin niyang masama ang umasa pero hindi naman niya mapigilan. 

"Rnnng!"

The bell rang. Nag-unahan ang mga kaklase niyang magpasukan ng room. Dahan-dahan naman siyang naglakad. Nagsisiksikan kasi ang mga ito sa pintuan. Finally, lumuwag na ang pinto at saka siya pumasok. 

"Freaky Hanna...." 

Iyon ang paulit-ulit niyang naririnig habang naglalakad siya papunta sa upuan niya. Sanay naman siya sa ganoong tawag kaya hindi na niya pinapansin. On the corner of her eyes, she saw Kerky sitting at the back with his friend, Calen or was it Caleb? Hindi niya sigurado... Minsan kasi ay nalilito siya dahil nga kambal ang mga ito. But she guessed that it was CAleb dahil si Caleb ang kaklase niya.

"Freak!" bago siya makaupo ay itinulak muna siya ni Quinn, ang matalik na kaibigan ng number bully sa school -- si Sandy na girlfriend naman ni Kerky. Halos mapaupo siya sa lakas ng tulak nito. Malaking babae si Quinn, habang siya naman, kahit mataba ay kayang-kayang itulak nito. Nalaglag ang mga librong hawak niya. Dinig na dinig naman niya ang tawanan ng mga kaklase niya.

"Freak! Walang date sa prom!" sigaw pa ni Quinn. Mangiyak-ngiyak na pinulot niya ang kanyang mga libro. How she wished that Kerky would stand up for her. Pangarap niya iyon. Ang ipagtanggol ni Kerky. Pero alam naman niyang hindi mangyayari. Kilala lang naman siya ni Kerky sa tuwing may project o assignment ito na ipagagawa sa kanya. 

"Hanna Baboy!" muling sigaw ng mga ito. Kaunti na lang talaga ay papatak na ang kanyang mga luha. 

"Freaky Hanna, you will never have a boyfriend!"

"Can you just shut up!"

Isang tinig ang pumailanlang sa loob ng classroom. Her heartbeat faster as she looked up to see who said those words, but she was disappointed when she saw who it was, it was Caleb. Kerky was there too, pero nakatingin lamang ito sa kanya na para bang nandidiri. 

Caleb moved closer to her and helped her get her books. Matapos iyon ay itinayo siya ni Caleb. 

"Okay ka lang ba, Hanna?" tanong nito. 

She smiled at him. Si Caleb lang ang mabait sa kanya sa mga kaibigan ni Kerky. Maski ang kakambal nito ay isa sa mga nambubully sa kanya. 

"Thanks, o-okay lang ako..." 

Nilagpasan niya ito at saka naupo sa kanyang silya. She waited for the teacher. Hindi na niya pinansin ang mga ito. Sanay naman na siya na ginagawa siyang laughing stock ng mga ito. 

Dumating ang teacher nila sa Math. Nagsimila na itong mag-discuss. She was listening attentively when suddenly, may bumato sa kanya ng papel. Kunot-noong pinulot niya iyon. Parang alam na niya kung anong laman noon. Kundi, caricature tungkol sa kanya at sa katabaan niya, insulto na naman iyon. She sighed but she still opened the crumpled paper. Wala sa loob na binasa niya iyon. 

Will you go with me to the prom?

xKerky.

Was it a joke? Inulit niya ang kanyang binasa. Paulit-ulit hanggang sa muli na naman niyang maramdaman na may bumato sa kanya ng nakabilot na papel. Kinuha muli niya iyon at muling binasa. 

Ang tagal ng response mo. I'm gonna pick you up.
xKerky

She crumple the paper again. Malamang ay hindi para sa kanya ang papel na iyon. Siguro para talaga lay Sandy iyon at tumatama lang sa kanya dahil nahaharangan niya ang upuan nito. Pinagsama niya ang mga papel at ipinasa kay Sandy iyon. Bago kinuha ni Sandy ang papel ay inirapan muna siya nito saka tumalikod. 

Natapos ang klase. Isa siya sa mga cleaners. Katulong nkiya si Caleb na palaging nakangiti sa kanya. Buti pa ito, mabait sa kanya. 

"Okay ka ba?" tanong nito. Tumangi siya. Muli siyang nagpasalamat dito. She started cleaning again nang bigla ay may umagaw ng walis sa kanya. 

"Ano ba?" nakadama siya ng inis. 

"Bakit mo binigay iyong papel kay Sandy?"

Nanigas ang likod niya nang marinig ang tinig ni Kerky. He was standing in front of her. 

"Ha? A.. e..."

"I o u. Bakit nga?" tanong nito. Nagyuko siya ng ulo. 

"Pa-para s-sa kan-kanya na-naman iyoon.. Ibinigay ko lang." 

"Fuck!" nagulat siya ng magmura ito. "Bakit kasi hindi ko nilagyan ng pangalan." bulong pa nito. Anong ibig nitong sabihin?

"Hanna, will you go with me to the prom?" 

That was the moment that changed her life forever. Hanna, sat in the middle of her bed, holding those crumpled paper Kerky threw to her ages ago. Naninilaw na ang mga papel na iyon ngunit hanggang ngayon ay malinaw na nakasulat roon ang mga letrang bumago sa buhay niya. 

Hindi siya makapaniwala kung paano siya napunta sa sitwasyong iyon ngayon. She planned for revenge and yet she found herself falling in love. She realized that she never forgot what he felt for Kerky. She realized that no matter how she said she hated him, the fact remains that she was in love with him and she only fell in love with him hard and deep the moment she tried getting back to him for what he did to her. 

Iyong galit niya kay Kerky, it fueled her. Pero hindi niya inaasahan na iyon din ang magbabalik sa kanya sa pagiging tanga dito. Oo, tanga siya dahil kahit halos masira ang buhay niya ay ito pa rin ang mahal niya. 

Gusto sana niyang itanong dito kung bakit ba nito nagawa ang bagay na iyon, pero naisip niya na hindi na mahalaga ang nakaraan. What happened it the past happened in the past. Ang importante ngayon ay ang kasalukuyan at ang bukas. She wanted to think that Kerky will be her future. 

Mahal niya talaga ito. 

"Christine?" 

Agad niyang itinago sa box ang mga papel na iyon. She saw her father coming inside her room. Ang daddy niya lang ang tumatawag ng Christine sa kanya. 

"Dad!" she smiled at kissed his cheeks. 

"Akala ko may sakit ka." sabi nito. "Pero mukhang okay ka naman. What's new with you?" he asked. She smiled. Paano ba niya sasabihin ang tungkol kay Kerky?

"Your sister said that there's a boy..."

"Dad! Hindi naman siya boy...Man siya." nakangusong sabi niya. 

"Okay, so there's a man. Kailan ko siya makikilala?" 

"You wanna meet him?" di makapaniwalang tanong niya. 

"OO naman. I'm curious..." 

"Sige, I'll ste it up!"

"Invite him to dinner. Para makilala na siya ng mga kapatid mo at ng mama mo." 

Matapos sabihin iyon ay agad itong lumabas ng silid. She was smiling widely. Sigurado siyang magugustuhan ng Daddy niya si Kerky. Hindi niya nga lang sigurado kung anong magiging reaksyon ng Mama niya tungkol dito, pero she'll try and she'll hope that everything will go well. 


=================

"My family wants to meet you. Come over tomorrow evening. Dinner time."

Halos malaglag ni Kerky ang cellphone na hawak niya nang mabasa niya ang text ni Hanna. Ipakikilala siya nito sa pamilya nito? Kinabahan siya. Hanna's family was a known and able family. Talagang mayaman ang mga ito. Ang mga magulang ni Hanna ay may -ari ng isa sa mga pinakamalaking TV Station sa buong bansa. Hindi niya pa lang nakikilala ang mga ito pero alam niya na may posibilidad na hindi siya magustuhan ng mga ito. 

"Tang ina, shit!" bulong niya. Agad na napatayo siya at naglakad ng pabalik-balik salas. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. 

"Tae ka, Antoy! Kapag nadumihan iyong rug ko!" sigaw ni Calen nang makita siyang palakad-lakad. Nakadama siya lalo ng kaba. He was in Calen's house, hanging out and all he wanted to do was to go home and look for some decent clothes. Alam niyang hindi uubra ang jeans and statement shirts na madalas niya suot. Kailangan maging presentable siya. 

"Do you have a polo shirt or a tux?" ninenerbyos na tanong niya kay Calen. Tinapunan siya ng tingin nito. "Saka, bok, bakit hindi ka magdamit?" 

Calen just got out of the shower. Nakatapi lang ito ng tuwalya habang palakad-lakad sa bahay nit. 

"It's my house." inis na wika nito. "What do you need the tux for?" his friend asked. He shook his head. 

"Hanna..."

"Please! Do not start your sentence with Hanna. Alam mo naman na hindi ako naniniwala na mahal ka noon, bok."

"Inggit ka lang kasi wala kang love life." hindi matiis na sagot niya. Calen grinned. 

"Bakit ako maiingit? Did you see how miserable Lex was? Nakita mo ba ang sarili mo na para kang hilong talilong kakaisip sa Hanna na iyon? And have you met my twin brother? Did you see how broken he was? And do you know how crazy Nathan was? So bakit ako maiingit? Love makes intelligent people stupid."

"Ewan ko sa'yo. Ang ampalaya gulay, bok. Hindi inuugali iyan."

Napapailing na tinalikuran niya si Calen. He headed towards the door. Hindi na niya masyadong pinagpapansin si Calen. Alam naman niya kung bakit nagkakaganoon ang kaibigan niya pero napakahabang istorya at napakasalimoot pa. Binuksan niya ang pinto ng bahay. He was thinking of going to Calen's house and search for a perfect outfit for tomorrow's dinner or he'll just go to Ian and ask her to dress him. 

Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay napanganga siya. There was a woman in front of Calen's door. She was about to ring the bell when he opened the door. Ibinaba nito ang kamay at saka tumingin sa kanya. 

"Annyeong Haseyo, Kekry. Is Caleb here?"

Boom.

Iyon lang ang tanging pumasok sa isip niya. 

The one he bulliedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin