2. Surprise, surprise!

109K 2.5K 114
                                    

"Mohawk!" 

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mukha ni Kerky nang marinig niya ang pangalang iyon. Isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon at hindi siya maaaring magkamali. Agad na nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. 

"Jenny!" sigaw niya nang makita itong papalapit sa kanya. Jenny used to work for Neon – she used to be Trey's personal assistant but she was now Trey's girlfriend.

"Mukhang napaaga ka, wala pa iyong boyfriend mo." Biro niya rito nang makalapit sa kanya. Kasalukuyan silang nasa loob ng cafeteria. Naupo si Jenny sa kanyang harapan at saka pinagmasdan siya. 

"Amoy five-hundred ka na naman." Kumindat ito. "Balita ko may bonus ka ah. Libre mo naman ako!" ungot nito sa kanya. Tatawa-tawang napailing siya. He had known this girl for a year and a half now, pero hindi pa rin siya immune sa pagpapatawa nito. Suddenly the memory of their first meeting flashed inside his brain. Hanggang ngayon kapag naiisip niya ang nangyari noong nakilala niya si Jenny ay natatawa pa rin siya. 

"Wag na. Sasapakin na ako ng boyfriend mo." Biro niya rito. 

"At bakit ka sasapakin ni Trey?" nagtatakang tanong nito. 

"Diba nga nagseselos siya sa akin?" pabulong na sabi niya. 

"Ungas! Bakit magseselos sa'yo iyon, eh ang gwapo-gwapo ng Trey ko?! Iyong ka-gwapuhan niya lagpas sa building na ito! Grabeh! Maisip ko pa lang siya kinikilig na ako!" 

"So hindi ako gwapo?" tanong niya. 

"Hindi! Yuck!" Jenny made a face. Sinipa naman niya ang paa nito. 

"Aray!" napangiwi ito sa sakit. "Uy, Kokey alam mo masama iyan." Nakangusong sabi nito sa kanya.

"Anong masama?" 

"Iyan. Iyong gumagawa ka ng bad thing sa kapwa mo. Sabi nila kapag nakagawa ka ng masama sa isang tao, maji-jinx ka," seryosong pahayag ni Jenny. 

"Anong jinx?" 

"You know..." nagkibit balikat pa ito. "Hangga't hindi ka nakakahingi ng tawad sa taong nagawan mo ng masama dadalhin mo ang galit niya sa'yo habambuhay. Ang tendency, hindi mo mahahanap ang totoong happiness mo."

Napaawang ang mga labi niya. Jinx? Habambuhay na pagdadala ng galit? Ang hindi makatagpo ng tunay na kaligayahan? Pinakatitigan niya si Jenny na sa pagkakataong iyon ay nakatingin lamang din sa kanya. 

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Siguro may ginawa kang masama sa isang tao noon at hanggang ngayon ay hindi ka nakakapag-sorry noh?" inosenteng tanong ni Jenny sa kanya. Bigla ay napatayo siya. Inisip niya ang mangilan-ngilang insidente sa buhay niya. 

Ang hindi niya pagkakaroon ng magandang relasyon sa kanyang ina. 

Ang nararamdaman niyang emptiness palagi kapag nasa isang relasyon siya.

Ang maling pagkakataon ng pagkakakilala niya kay Ian. 

At ang iba pang kamalasan sa buhay niya. 

"Hindi maaari!" usal niya. May kinalaman ba ang lahat ng iyon sa ginawa niya kay Freaky Hanna almost ten years ago?

Kung meron, ang ibig sabihin, long overdue na ang forgiveness na noon pa niya dapat hiningi kay Freaky Hanna. 

Mabilis siyang kumilos. Agad niyang nilisan ang cafeteria at kahit naririnig niya si Jenny na tinatawag siya ay hindi niya iyon pinansin. Kailangan niyang mahanap si Lex o si Calen o si Caleb. Kailangan niyang manghingi ng payo. Kailangan niyang harapin ang katotohanan na may posibilidad na kaya nagkakamalas-malas ang ilang aspeto ng kanyang buhay ay dahil sa katotohanan na baka hanggang ngayon ay konektado pa rin ang lahat kay Freaky Hanna. And as much as possible, ayaw na niya ng koneksyon sa babaeng iyon. Masyado nang matagal ang sampung taon para maging koentado sila sa isa't-isa. 

"Calen!" sigaw niya nang mamataan si Calen sa loob ng men's room. Sinundan niya ito papasok. 

"Calen--- shit!" he cursed when he saw his friend Calen making out with some girl inside the men's room. "Really, Cal? Inside the men's room?" sarkastikong tanong niya. Tumigil ang dalawa. Calen smiled at the woman and asked her to leave. Matapos iyon ay binalingan siya nito. 

"Panira ka ng moment eh!" inis na wika ng kaibigan niya. 

"Bok makinig ka muna! Mahalaga ito!" pahiyag pa niya. "Kailangan nating magpunta sa reunion." Panimula niya.

"Magpunta ka! Hawak ko ba ang paa mo?" inis na sabi nito. 

"Hindi! Kailangan nating magpunta talaga doon. Seryoso ako Calen." 

"Diba nga pupunta nga tayo? Kaya lang hindi sigurado." 

"Kailangan nga nating siguraduhin na pupunta tayo sa reunion." Muling sabi niya. Binalingan siyang muli ni Calen. 

"Hindi ka talaga natatakot kay Freaky Hanna, ano? Baka mamaya wrestlingin ka noon!" 

"Wala akong pakialam. I need to see her." Matiim na sabi niya. Kunot na kunot ang noo ni Calen habang nakatitig sa kanya. 

"Bakit?" 

"Manghihingi ako ng tawad." Madamdaming pahayag niya.


-----------------------

"Hahaha! You're a freak, Hanna! Gullible freak!" 

Hanna stood in the middle of the dance floor covered with slime and mud. Hindi siya makapaniwala sa mga nagaganap. Akala niya katuparan na ng fairytale dream niya. Akala niya totoong magiging prinsesa na siya ngunit nagkamali siya. Lahat ng ito ay isang patibong upang mahulog na naman siya sa isang kahihiyan. Pinahid niya ang mga luha niya. 

"Bakit ninyo ba ginagawa sa akin ito?" humihikbing tanong niya. 

"Cause you're a freak. Ilusyunada ka! Akala mo magkakagusto talaga si Kerky sa'yo?!" si Sandy ang nagsalita. Tiningnan niya ito. Sa pagkakataong iyon ay nakapalupot na ang mga kamay nito sa braso ni Kerky – ang lalaking kanina lang ay nagtatapat ng pag-ibig sa kanya. 
"Kerky will never fall in love with you. Diba, honey?" tiningnan pa nito si Kerky. Napailing siya. 

"Hindi." Nanginginig ang boses na wika niya. "Sabi mo mahal mo na ako diba? You said.. you said – "

"Don't believe everything you hear freak." Gumuho ang mundo niya nang marinig niya ang mga salitang iyon na namutawi sa bibig ni Kerky. "Kahit kailan ay hindi ako papatol sa isang tulad mo, freaky Hanna."

Ang sakit. She was only sixteen years old but she already got her heart shattered into million pieces. Hindi pa ba sapat na napahiya siya? Kailangan ba talagang masaktan pa siya ng ganito? Hindi na niya kaya. She started running away at habang palayo siya sa lugar na iyon ay lalong lumalakas ang halakhak ng mga school mates niya...

Habang naglalakad si Hanna ay hindi niya mapigilang na maalala ang insidenteng iyon sa kanyang buhay – the night of the prom where she got her ego torn into pieces and her heart broken. Hinding – hindi niya makakalimutan ang mga taong nanakit sa kanya noong gabing iyon. Napangiti siya. Ano kaya ang sasabihin ng mga taong iyon sa oras na makita nila ang Hanna ngayon? Gustung-gusto niyang makita ang mga mukha nito sa oras na pumasok siya sa Arellano Hall kung saan gaganapin ang class reunion nila. Sisiguraduhin niya na ngayong gabi, sila naman ang mapapahiya at siya naman ang tatawa nang malakas at ipamumukha kung gaano sila ka-worthless. 

Alam niyang mali ang principle niya para sa gabing iyon. Pero hindi rin naman niya kayang sisihin ang kanyang sarili. Ang tagal na panahong ikinahiya niya ang sarili niya sa ibang tao. Ang tagal niyang nagtago. Pakiramdam kasi niya mula noong gabing iyon ay kasalanan sa lipunan ang maging mataba at pangit. Ang akala niya dahil ganoon ang hitsura niya ay wala na siyang karapatang mabuhay. Mabuti na lang at hindi siya pinabayaan ng kanyang pamilya. All she needed was a little push and encouragement from her parents and sisters and huwala! The new Hanna was born. 

Matagal ang proseso sa muling pagbangon ng bagong Hanna. Hindi madali ang work out, diet at kung anu-ano pang pinagagawa sa kanya ng kanyang mga kapatid. Madalas sabihin sa kanya noong ng kanyang Ate Adriana na kung walang hapdi walang ganda and it turned out to be true. Sa sobrang daming hapdi at luhang iniiyak niya – matapos ang ilang buwan ay unti-unting nababawasan ang kanyang timbang at makalipas ang isa't kalahating taon ay nasusuot at nabibili na niya ang mga damit na gusto niya. 

"Good evening. Name please." Napatingin siya sa babaeng naka-itim na dress na nakaupo sa likod ng mahabang table malapit sa entrance ng hall. 

"Hanna Mendoza." Sagot niya. Ngumiti ang babae at hinanap ang pangalan niya sa isang kulay pulang libro. Maya-maya ay may ibinigay itong papel sa kanya kung saan nakasulat ang kanyang pangalan. Idinikit niya iyon sa kanyang damit. May ibinigay ring isang maliit na papel sa kanya kung saan nakasulat naman ang table number niya. 

"Thank you." magalang na wika niya sa babae. She took a deep breath before entering the hall. She could hear the music playing loudly inside. Kinakabahan siya. Isang bagay na hindi na niya madalas maramdaman ngayon. Sa linya kasi ng trabaho niya ay hindi na uso ang salitang kaba.

Hinawakan niya ang doorknob. Tatlong beses muna siyang nagbuga ng hangin bago tuluyang binuksan ang pinto. And just like what she thought, sinalubong siya ng ingay ng musika at ingay na nagmumula sa iba't-ibang table sa loob ng hall. Habang naglalakad siya ay unti-unti na niyang nakikita ang mga pamilyar na mukhang iyon na hindi talaga niya kinalimutan. Napangiti siya nang mapansin niyang ilan sa mga kalalakihan sa loob ng hall ay sinusundan siya ng tingin. Hindi siya nagbubuhat ng bangko, ngunit sinuguro niya ngayong gabi na maganda talaga siya. 
She was wearing a simple sleeveless black dress. Hanggang tuhod niya lamang ang haba ng damit na iyon. Light lang ang make up niya but she put on an exaggerated red lipstick. She was also wearing her favorite stilettos. So right now, she could really feel that she was one of the most beautiful women inside the hall. 

Hinanap niya ang assigned table para sa kanya at nang makita iyon ay tahimik siyang naupo. Wala pang tao sa mesang iyon kundi siya at iniisip niya kung may mauupo pa roon o isa na naman ito sa mga not-so-funny pranks ng mga butihin niyang kaklase. 

Tahimik siyang nagmasid. Marami rin ang dumating sa reunion nila. 

"Darating kaya ang Kerky na iyon?" bulong niya habang palingon-lingon. Tumaas ang kilay niya nang makita niya ang isang pamilyar na babaeng nakatayo malapit sa bar at nakikipagtawanan. Kung hindi siya nagkakamali at alam niyang hindi talaga siya mali, si Sandy ang babaeng iyon. 

One down, one to go. Nasaan na kaya ang Kerky na iyon?

"Good evening, batch mates!"

Lumipat ang tingin niya sa makeshift stage upang sinuhin ang nagsalita sa mic. Pamilyar rin sa kanya ang mukha ng taong iyon. If she remember it right, Calen ang pangalan ng lalaki or was it Caleb? Hindi siya sigurado. Then only thing she was sure of was that the man in front of the microphone has a twin brother. 

"We are The Pastels and we're going to color your world!" 

Matapos sabihin ang mga salitang iyon ay sumunod ang nakabibinging tunog ng drums – a moment later the guys on the stage were making harmonious music together. And she was enjoying it. Napapangiti na siya nang biglang may mahagip ang kanyang mga mata. Her smile froze as she recognized the man standing on that stage, holding a guitar and posing that funny Mohawk 

He was no other than Antonio Harvey Kerkmez.

---------------------

"Maputol iyang leeg mo, Kerky." 

Biglang bumigat ang mga balikat ni Kerky dahil sa pag-akbay na ginawa ni Lex. He looked at his friend. Hawak nito sa kanang kamay ang isang baso ng scotch. Clearly he was having the time of his life. Luminga muli siya at natanaw naman niya si Calen na may kausap na tatlong babaeng pamilyar sa kanya ngunit wala siyang panahon para alalahanin. Binalingan niyang muli si Lex. 

"Do you think Freaky Hanna came?" he asked feeling a bit anxious. Lex stared at him like he was an apparition.

"Are you freaking serious?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Pumunta ka talaga dito para mag-sorry kay Hanna? Pano kung i-sumo wrestling ka noon?"

"O kaya man itali sa puno at ipakagat ang toytoy mo sa langgam?" sabay na napalingon sila ni Lex sa pinanggalingan ng tinig. Nakatawang tumabi sa kanila si Caleb. 

"Hardcore shit, Bok!" nag-high five ang mga ito, habang siya ay hindi pa rin mapakali. Patuloy na nanghahaba ang kanyang leeg kakahanap ng pamliyar na mukhang kanina pa nikya hinihintay. 

Seryoso talaga siya. Hihingi siya ng tawad kay Freaky Hanna. Kailangan. Kinakabahan siya sa tuwing maiisip niyang maaaring tama si Jenny. Ang kamalasan niya sa buhay pamilya, buhay pag-ibig at kung anu-ano pa ay baka dahil sa koneksyon niya sa babaeng iyon. Hangga't hindi pa siya napapatawad nito – hindi mawawala ang kamalasang iyon. 

Bad luck, ika nga ng iba. 

"Lingon ka ng lingon diyan, bakit hindi mo subukang magtanong sa usherette doon sa labas?" agad na sinunod niya ang sinabi ni Caleb. Lumabas siya at tinungo ang usherette na kanina pa nandoon pero hindi niya pinapansin. 

"Good evening." Nginitian niya ito. Tumayo ang usherette at sinalubong siya. 

"You're Kerky," kinikilig na sabi nito. He smiled at her. It was obvious, the woman likes him. 

"Yeah... so..." pinagapang niya ang kanyang mga daliri sa mesa patungo sa mga daliri nito. Their hands touched and the girl – which he doesn't know – almost had an orgasmic expression on her face. "Can I ask a favor?" 

"Oh yeah..." the woman was almost panting for air. 

"Did you see or hear a certain Hanna Mendoza come in?" bigla ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng babaeng katabi niya. Parang hindi ito makapaniwala na iyon ang tanong na lumabas mula sa bibig niya. Agad na kinuha nito ang log book na nakapatong sa mesa at atubiling binuksan. 

"Yep, she came in earlier at 6:45." Walang kalatoy-latoy na sabi nito. He smiled at her. 

"Thanks." Naglakad siya palayo at pinuntahan ang kanyang mga kaibigan. 

"Nandito daw." Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Freaky Hanna came. She was here. Anong gagawin niya ngayon?

"Oh, akala ko ba magso-sorry ka? Are you okay? You look flushed." Nang-aasar na wika ni Lex. Tinalikuran niya ang mga ito at muling pumasok sa loob. Patuloy ang paglinga niya at pagsilip sa bawat mukha na naroon. Makakampante lamang siya sa oras na makita niya si Freaky Hanna. 

"Ano bang hinahanap natin?" tanong ni Caleb. 

"Si Freaky Hanna. Sino pa ba?" inis na sagot niya. 

"No, I mean how do we know if it's her." 

Huminto siya at humarap kay Caleb. 

"Siyempre, mataba iyon. Nakasalamin saka mukhang freak!" he hissed at him. 

"So kung mukhang freak si Hanna na agad?" tumatangong wika ni Caleb. "Alright, maghanap na tayo ng freak." 

"Oo! Anong aasahan natin doon? It's not like she'll be pretty now. Imposible iyon." Kumento pa niya habang naglalakad sa gitna ng hall. Pahakbang na muli siya nang bigla ay may mabangga siyang babae. 

"My gosh." Napasinghap ang babae. Napahinto naman siya. Agad niyang sinino ang kanyang nabangga. 

"Miss, I'm very sorry." Magalang na sabi niya. He looked at the woman standing in front of him only to be amazed by the view. The woman in front was wearing a simple black dress, but her beauty was radiating. Nakakasilaw ang kagandahan ng babaeng nasa kanyang harapan. She has what they call a timeless beauty. She had a heart shaped face, an aristocratic eyebrows, upturned nose and luscious, sensual, full, red lips. 

She was the most beautiful woman she had ever laid eyes on. 

"It's okay." She smiled at him. Hindi rin niya mapigilang ang mapangiti.

"Hi, I'm ---" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang nagsalita ang babae sa kanyang harapan. 

"Antonio Harvey Kerkmez." Nakangiting wika nito. Nakadama siya ng kasiyahan dahil kilala siya nito. Pero hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba sa tono ng babae habang sinasambit ang kanyang pangalan. Parang may lamang galit ang tinig nito. 

"How'd you know?" hindi mapigilang tanong niya. 

"Oh, we were batch mates and I know you're in a band." Nakangiti pa ring sagot nito. Magsasalita pa sana siya nang bigla niyang marinig si Caleb.

"Pre! Ayon. Si Freaky Hanna na yata iyon!"

Sinundan niya ang direksyong tinuturo ni Caleb. Napaawang ang labi niya nang makita ang isang babaeng may kalakihan ang katawan at nakakulay pulang lacey dress. Napangiwi siya. Hanggang ngayon walang pinagbago si Freaky Hanna. Mukha pa rin siyang freak. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hihingi siya ng sorry at hindi mang-iinsulto. Dapat ay magagandang salita lang ang lalabas sa bibig niya. Panandaliang nakalimutan niya ang magandang babae sa kanyang harapan. 

Inilang hakbang niya ang kinatatayuan ni Freaky Hanna. Ayaw niyang mag-isip, pero nakakadama siya ng kaba. Sa laki ng braso ni Freaky Hanna kung babrasuhan siya nito matapos ang paghingi niya ng tawad ay malamang na tatalsik siya. 

"E-excuse m-me... Freak—este Hanna." Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Lumingon ang babae. Tumaas ang kilay nito at saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. 

"Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ako." Napakamot siya ng ulo. "Pero ako si Kerky at may ginawa akong malaking kasalanan sa iyo noong high school. Gusto ko sanang mag-sorry. I want you to know that I didn't intend to hurt you. I was young and immature and I should've ----" 

"Hindi ako si Freaky Hanna." Natigilan siya ng maintindihan niya ang sinasabi ng babaeng nsa harapan niya. "It's me, Kerky. Sandy. You're ex-girlfriend." 

Kulang sabihin na napanganga siya sa nakikita. Si Sandy na noon ay hugis coca-cola ay naging hugis LPG na ngayon!

Kung siya si Sandy nasaan si Hanna?

"Nasaan si Freaky Hanna?!" frustrated na tanong niya habang nakatingin kay Sandy. Napalakas ang boses niya kung kaya't napatingin sa direksyon nila ang ibang tao. Tumahimik ang paligid. Comical ang expression ng mga miron habang nakatingin sa kanila. But then, out of nowhere, someone spoke... 

"I believe that it is me, you are looking for, Mr. Kerkmez. I am Hanna. Freaky Hanna." 

Nanigas ang likod niya. Heto na iyon. Makakaharap na niya si Freaky Hanna. Dahan-dahan niyang nilingon ang nagmamay-ari ng tinig. And for the second time that night, he was taken aback. 

The one he bulliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon