7. A not so happy monthsary

61.9K 1.3K 45
                                    

"So...you have a girlfriend." 

Inirapan ni Kerky si Calen habang inaayos ang gitarang kinina niya pa hawak. Aburido siya nang araw na iyon. Today was supposed to be their second monthsarry and he would really love to spend the day with Hanna -- his girlfriend pero missing in action na naman ang babaeng iyon. 

Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. Noong araw na sinagot siya ni Hanna ay maayos naman sila. The following week ay napaka-sweet pa nito sa kanya. Halos araw-araw siya nitong tinatawagan, tine-text at palagi nitong sinasabing "I miss you, honey..." Pero matapos ang ilang araw ay parang nagbago ang lahat. 

Bigla ay parang lumayo ang loob ni Hanna sa kanya. He tried asking her what the problem was pero ang sabi lang nito ay busy ito sa trabaho. Sinubukan naman niyang intindihin iyon, OO nga naman. Demanding ang trabahon nito at hindi ito basta-basta pwedeng hindi pumasok.Inintindi niya iyon. Iniisip niya lagi na busy langt si Hanna at darating din ang oras na magkakaroon na sila ng time sa isa't-isa. Then, dumating iyong first monthsary na pinaghandaan niya ng sobra., He wanted their monthsary to be special and memorable so he planned it very well. Tinawagan niya ito upang sabihin na may surpresa siya rito. He gave her the address and the name of the restaurant. Ang sabi nito ay pupunta ito. 

Naghanda siya ng dinner date para kay Hanna -- with matching candles, roses scattered on the floor, floating lights on the pool, expensive wine he even paid an orchestra group to sing at their date --- pero namuti lang ang mata niya -- hindi naman dumating si Hanna. 

Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya noon. Nasaktan siya. He felt so worthless. Ni hindi man lang nga siya naalalang batiin ni Hanna ng happy monthsary. Ang sama ng loob niya noon. Huwag naman sabihin ni Hanna na nakalimutan nito ang monthsary niya. Parang hindi naman kasi kapani-paniwala iyon. Kailan pa nakalimot ang isang babae sa monthsary? Iyong ibang magkasintahan nga inaaway ng girlfriend dahil nakakalimutan iyongm monthsary pero si Hanna -- nakalimutan nga ba niya?

Lalong sumama ang loob niya nang kinabukasan ay wala siyang narinig na kahit na ano mula rito. Ni hindi ito nagtext sa kanya. Ni walang "Sorry, hon. Hindi kita napuntahan." Buong umaga niyang hinihintaya ng text ni Hanna pero wala. Hindi na niya natiis, pinuntahan niya ito sa trabaho. And there, he saw her with that guy -- Kier --- they were having coffee sa tapat ng T.V. Station na pinagta-trabahuhan ni Hanna. Thery seemed to know each other very well. Nakaramdam siya ng selos at dahil sa selos na naramdaman niya ay pinuntahan niya ang mga ito. 

Nakita naman niyang agad na ngumiti si Hanna nang makita siya pero ang ikinapikon niya talaga ay nang ipakilala siya nito sa Keir na iyon bilang "si Kerky -- friend ko." Nag-iinit talaga ang ulo niya tuwing naaalala niya ang tagpong iyon.

"Pare!"

Naramdaman niya ang biglang pag-akbay sa kanya ni Calen. Huminga siya ng malalim at saka ibinaba ang gitara. Inis na inis siya. Kaninang umaga niya pa hinihintay ang tawag ni Hanna pero ni ha, ni ho ay wala siyang narinig dito. Naisip kasi niya na kung hindi niya ito babatiin ng happy monthsary ay baka ito ang makaalala sa okasyon pero parang hindi naman mangyayari iyon. 

"Pare?" sa pagkakataong iyon ay nagtataka na ang tono ni Calen. Tumingin lang siya sa mga ito at saka tumalikod. Lumabas siya ng studio seven kung saan sila nagre-rehearse. Nakakaramdam siya ng pagkadismaya. Ano bang nangyayari sa relasyon niya kay Hanna? Parang... parang wala siyang girlfriend. 

"Kokey!" agad niyang nilingon ang nagsalita. He found Jenny walking towards him. Tulad nang palagi niyang nakikita ay nakangiti ito sa kanya.

"Anong problema mo?" tanong nito. Umiling siya. Umupo siya sa isa sa mga waiting chairs roon. Sumunod ito sa kanya. 

"May girlfriend na ako..." 

"Di maganda, eh bakit sambakol iyang mukha mo?"

"Para kasing di naman niya ako mahal."

Huminga si ng malalim. Iyon ang kanyang nararamdaman sa ngayon. Hindi na niya kayang itanggi pa sa kanyang sarili. Parang hindi naman siya mahal ni Hanna. 

"Nag-usap na ba kayo?" tanong ni Jenny. Umiling siya. "Kausapin mo, baka naman may issue lang."

"Paano ko gagawin iyon eh ni hindi nga niya naaalalang batiin ako. Monthsary namin ngayon. Pero ni text wala."

"Malay mo may surprise siya sa'yo o baka naman nakalimutan niya lang." tiningnan niya si Jenny. 

"Ikaw Jenny, babae ka. Makakalimutan mo ba ang monthsary ninyo ni Trey?" 

Saglit na natahimik ang kanyang kausap. Maya-maya ay umiling ito.

"Kita mo na." muli siyang tumayo. He just feel so worthless. His own girlfriend doesn't miss him. She doesn't think about him the way he thinks about her. Minsan iniisip niya kung bakit ba siya sinagot ni Hanna. 

"Huy, saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Jenny. Hindi siya sumagot. He just kept on walking until he found himself in the parking lot. He took his car and drove away. He was feeling so lost... 

------------------

"O.T. again?"

Nalukot ang mukha ni Hanna nang marinig niya ang tanong na iyon ni Keir. Hindi pa ba obvious na overtime siya at hindi siya uuwin ngayon. She calmed herself and looked at him. 

"I'm very busy so why don't you just go away?" hindi niya alam kung bakit ang kulit-kulit ni Keir sa kanya. Ilang beses na niyang sinabi na wala itong pag-asa sa kanya pero pilit pa rin ito ng pilit. Alam kasi nito na gusto siya ng Papa niya kung kaya ganoon na lang ang tyaga nito. Imbyerna siya sa lalaking ito. Kahit kailan naman ay hindi siya pumayag sa panliligaw scheme nito. Napabuntong hininga siya. 

"Ang sungit mo naman. Anyway, I would really love to take you to dinner." muling sabi nito. Napailing siya. 

"Keir... please --" 

"As friends, okay?" napatingin siya dito. As friends? Tinimbang niya ang sinabi nito. Kier gives him flowers, nanliligaw ito sa kanya tapos ngayon ay gusto nitong lumabas as friends? 

Napanguso siya... 

Bigla ay pumasok sa isip niya si Kerky. Today was supposed to be their monthsary, pero dahil kasama san paghihiganti niya ang pambabalewala dito ay hindi niya iyon iniintindi. Alam niyang naghihintay ito ng tawag at text mula sa kanya pero patitigasan niyang hindi siya tatawag o magtetext dito. Mamumuti ang mata nito sa kakahintay san kanya tulad nang nangyari noong first monthsary nila. Sinandya niyang kalimutan ang araw na iyon. She wanted to make Kerky feel the things she felt back when she was still kin love with him -- back when she was still freaky Hanna... 

"Alright.." sagot niya kay Keir. "Pero this is not a date and share tayo sa bayad." 

"Whatever you say... Come" nakangiting kinuha niya ang bag niya at sumunod kay Keir. Kung tutuusin ay mas gwapo si Keir kay Kerky. Mas maayos itong manamit. Laging formal ito at kahit kailan ay hindi niya nakitang nawalan ito sa composure habang si Kerky naman --- Mowhawk. Buhok pa lang nito sablay na agad at kung manamit ito ay parang gusgusing bata. He was always waering those rugged jeans and old pair of sneakers tapos plain white shirt or minsan band tshirts na parang laging kailangan ng laba. 

Sumakay sila sa kotse ni Keir. They ended up having dinner in a fancy restaurant. Tulad noon ay trabaho lang ang pinag-uusapan nila ni Keir dahil sa tuwing ililisya nito ang usapan sa kanilang dalawa ay ininiba niya ang topic. After a while, Kier asked for the bill and they let the restaurant. Inaya naman siya nitong magkape at pumayag siya. 

Habang nasa loob ng coffee shop ay hindi niya maiwasang ikumpara si Keir kay Kerky. At sa lahat ng bagay ay mas nakakalamang si Kier.. ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit hindi niya magawang ibigay ang gusto nito. 

"Penny for your thoughts?" 

Saglit siyang natigilan nang maulinigan ang tinig ni Kier. Bakit nga ba naiisip niya si Kerky? Dapat ay hindi ito pumapasok sa isipan niya. Dapat ay hindi siya apektado ng charms nito lalo na ngayon na wala naman ito sa harapan niya. 

"I..." she sighed. "I need to go back to the office." 

"Sure?" tanong pa nito sa kanya.

"Yeah, kailangan kong tapusin iyong reports para kay Meg bukas."

Hindi niya alam kung para saan ang guilt na nararamdaman niya. Nagi-guilty siya dahil nakipag-dinner siya kay Kier at hindi niya ininitindi ang monthsary nila ni Kerky? Hindi. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganon. She should be happy especially ngayon na alam niyang hindi maipinta ang hitsura nito. 

Inihatid siya ni Kier sa labas ng kanilang office. Ipinagbukas pa siya nito ng pintuan ng kotse at saka nakangiting humarap sa kanya. 

"I had fun. Thanks, Hanna." he said after that, he bent down and gave her a kiss on her left cheek. Hindi niya inaasahan iyon. 

After that, he just left. Nakaawang pa rin ang kanyang mga labing sinundan niya ng tingin si Kier. 

What the hell? Why would he do something like that? Hindi naman kasali iyon sa usapan. That was crossing the line! Kung nagkaroon lang siya ng pagkakataon ay sinampal na sana niya ito. Naiinis na tumalikod siya at tinungo ang daan papasok sa building ng kanilang office. She was busy trying to collect her composure when she noticed a figure standing near the entrance door. 

She stopped dead. Dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin. There, she saw the last person she wanted to see that night. Ilang beses siyang napalunok... 

"K-kerky..." 

Hindi nagsalita si Kerky. He just stood there looking at her like she was something else. Nakita niyang may hawak itong isang boquet ng tulips. 

"A-anong ginagawa mo dito?" kumabog ang kanyang dibdib. Gusto niyang batukan ang kanyang sarili. Was Kerky standing there the whole time? Did he see Kier kissed her on her cheeks? Bakit hindi ito nagsalita? And why the hell was she feeling guilty. As far as she knows, wala naman siyang ginawang masama. 

Lumapit si Kerky sa kanya at ibinigay ang bulaklak na hawak nito. She was waiting for him to say something bad, something that could tear her soul apart but he just said:

"Happy Monthsary." 

After saying those words, he just walked away. Sinundan niya ng tingin ito. Gusto niyang tawagin si Keky. Gusto niya mag-sorry pero naisip niya, bakit niya gagawin iyon? Wala naman siyang ginawang masama. She stood there watching him as he walk away. In her head she was saying: This is all a apart of a plan... 

Ang masaktan si Kerky. Ang magmukha itong tanga... 

Pero bakit parang nasasaktan rin siya?

The one he bulliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon