TDWM 34

898 19 14
                                    

Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Napabalikwas naman ako sa aking kinauupuan ng maalala kong may dumukot sa akin. Naalala ko naman si Ella.

"Ella? Nasaan kana ba? Sino yung dumukot saken, kanina? Miss na kita, Ells! Pakita kana please! Alam kong ikaw ang may pakana nito."  Bulong ko.

Napaiyak na lang ako. 50/50 na si Ella ang may salarin nito. Isa pang 50 na natatakot na baka ibang tao ang dumukot saken. Sana naman si Ella.

"Ate? Ate!" Rinig kong boses ng isang bata. Kaya agad naman akong napalingon sa gawing kanan ko.

"Bakit kapi umiiyak? Sino pong umaway sayo? Sabihin mo po saken, ako napo bahala sayo." Sabi saken ng bata. Napangiti naman ako. "Ate, wag po kayong ngumiti ng ganyan. Nakakatakot po kasi e hehe.." Sabi uli nito.

"Hello! Sorry sa pag ngiti ko ang cute mo kasi. Ano nga palang pangalan mo?" I asked him.

"Ako po si Lloyd! Ikaw po?"

"Ako? Ako naman si Jema. You can call me ate Jema!" Sabi ko at ngumiti.

"Alam mopo ate, mas bagay po sainyo ang nakangiti. Mas lalo po kayong gumaganda. Kaya po pala nagustuhan kayo ni ate Ella." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Agad ko siyang hinawakan sa mag kabilang braso. At inalog hehe.

"Kilala mo si Ella? Nasan siya? Nakita mo ba siya? Ahh Ella, lagot ka saken. Dinamay mo pa talaga tong bata. Please, sabihin mo saken kong nasan siya. Ella!!" Habang sinasabi ko yan at patuloy pa rin ako sa pag alog sa kanya.


Someone's POV

"Hey! Stop na yan, Jema! Kawawa naman yung bata sayo." Kamot noong sabi ko. "Lamog Nayan oh! Tingnan mo."  Lumapit na ako at hinawakan ang kamay niya, para itigil ito.

Tumingin naman siya saken ng dahan dahan. Natakot naman ako sa itsura niya. Nan lilisik ang mata niya huhuhu. Lord, sinapian naba ang mahal ko? Bakit ganto siya makatingin? Wala naman po akong ginagawa ah. Iniwan ko lang naman po siya kanina sa airport, pinadukot at iniwan dito sa harapan ng simbahan. Ay patay. May ginawa nga pala ak~~

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang sumigaw.

"JORELLA MARIE DE JESUS! HUWAG KANG MAG PAPAABOT SAKEN. SISIGURADUHIN KONG IBABAON KITA NG BUHAY!!!!"

Pag kasigaw niyang yun ay ang pag takbo ko naman.

Hindi ako nakatingin sa aking dinadaanan, kaya madami akong nabubunggo.






JEMA'S POV

Walang hiyang Jorella na yun. Akala mo walang ginawa saken. Bwesit ka talaga, painosente kapa. Lagot ka talaga saken, pag nahabol kita.

Patuloy lang ako sa pag habol sa kanya. At ang luka, hindi natingin sa kanyang dinadaanan. Madami tuloy siyang nabubunggo at ako na lamang ang humihingi ng paumanhin ng biglang hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.

Sinisigurado kong dahil dito. Ito ang magiging dahilan ng pag guho ng Mundo ko. Si Ella. Ang Ella ko.









Bogshhhhhh!!!!







" ELLAAAAA!!!!" Dumagundong ang sigaw ko sa buong paligid. Ella. Ang Ella ko, nabunggo ng truck. Tumulo ang mga luhang nakaipon saken. Nag simulang magulo ang sistema ko. Kasabay nito ang mga katanungang paulit ulit na umiikot sa isipan ko.

Agad kong tinakbo ang kinaroroonan niya. Pinalilibutan na siya ng mga tao. Wala akong pake kong basta basta kona lang sila tinutulak. Basta ang pakay ko lamang ay mapuntahan ang taong pinaka mamahal ko.

Akala ko ngayong araw ang magiging masaya at memorable para saming dalwa ni Ella. Ngayon kona sana tatanongin kong hanggang kaylan siya man liligaw sa akin. At kong kaylan niya ako tatanongin, dahil hindi na ako makapag hintay na maging kasintahan siya at katuwang habang buhay.

Ngunit paano na to? Paano namin magagawa ang lahat ng mga pinaplano ko, kong sa isang iglap. Ang taong nag mamay ari ng puso ko ay siyang nakahandusay sa kalsada at nag aagaw buhay.

" Tulungan niyo kami!!! Tumawag kayo ng ambulansya!!" Agad namang tumalima ang isang babae. Nakaluhod ako sa tabi ng katawan ni Ella na walang kabuhay buhay kong titingnan. Pinag masdan ko ang mukha niya. Jusko lord! Bakit ganto ang sinapit ng mahal ko? Ano bang ginawa niya? May nagawa ba siyang ikakagalit niyo? May inapakan po ba siyang ibang tao? Bakit naman po siya nag kaganto?

Hindi ko siya mahawakan, dahil baka may mangyari pa sa kanyang masama. Ang tanging ginawa ko ay pag masdan siya at pinag dadasal ko sa diyos na sana kayanin ito ng taong mahal ko.

" Lord! Nag mamakaawa napo ako sainyo. Huwag niyo po siyang kukunin. Sana po kayanin po namin at lalong lalo na po siya. Sana po bigyan niyo po kami ng lakas, upang malampasan namin tong hamon na binigay po samin. Alam kopong hindi niyo po siya pababayaan. Mabuti po siyang tao at walang ibang hinangad kundi ang kaligayahan ng ibang tao at mga mahal niya sa buhay. Nawa'y dinggin niyo po ang aking panalangin sa pangalan ni Jesus."

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na din ang ambulansya. Thankyou lord! Agad siyang sinakay sa loob nito. Hawak hawak ko ang kamay niya. Hindi ko ito binitawan hanggang nasa tapat na kami ng ER. Ngunit kahit ayaw kopa itong bitawan ay binitawan kona dahil sabi na din ng nurse na kasa kasama ko pag pasok pa lang ng Hospital.

Habang nasa tapat ako ng pinto ay biglang nag ring ang phone ko. Pag tingin ko si Ate ly. Nanginginig ang kamay ko ng sinagot ko.

"Hello, Jema? Kamusta kayo dyan? Natanong ka na ba ni Ella?" Excited na tanong niya saken.

"Hi-hindi pa ate!" Pigil ko ang aking iyak. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin kay ate Ly ang nangyari.

"Ay hindi pa? Ang kupad mo talaga Ells, kahit kaylan!"  Pabulong niyang sinabi yung pahuli, pero narinig ko pa din.

Hindi kona kaya. Lalamonin ako ng konsensya ko kong ililihim ko pa to kay ate Ly.

"Hello! Ate Ly? Si si Ella po k-kasi..."  Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko at humagulgol na ako.

"Hey, Jema! Anong problema? Tell me..Na sesense ko na may nangyaring hindi maganda." Tarantang tanong niya saken.

"Ate...Si Ella po kasi...nabangga po siya." Bulong kong sabi. Bigla namang namatay ang phone ko. Pinatay ni ate Ly. Ano ng gagawin ko? Galit ba siya saken? Ilalayo niya ba ako kay Ella? Huwag naman po sana...

The day we met Where stories live. Discover now