TDWM 33

858 23 6
                                    

Nandito na kami sa airport. Nag tataka kayo kong saan kami pupunta pero secret muna. Hehe. May isa kaming private plane dito. Actually akin talaga to. Pinamana saken ito ni Lolo nung nabubuhay pa siya. Mayaman kasi yung sa side ng mommy ko so yun. Mayaman kami, pero hindi ko ito pinapahalata. Ayaw ko namang makilala ako ng mga tao na ganto ako, ganyan. Bigay lahat ng gusto ko. Anak pera yan. Yung ganun ba. Ayaw kong ganun yung isipin nila saken, namuhay ako na walang hinihingi. Lahat ng mga natatanggap ko is galing sa ofmga pinag hihirapan ko. Hindi ako spoiled gaya ng iba. Na bigay lahat. Hindi.

Kanina pang naka blind fold si Jema. Ayaw ko kasing makita niya kong saan ko siya da dalhin. Kapag nasa loob na lang kami ng plane ko aalsin yung blind fold niya.

Jema:"Ella! Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit mo pa ako pinag blind fold? Nakakainis ka naman e." Inis na sabi ni Jema saken. Hindi naman ako sumagot. "Hoy, Ella! Kinakausap kita? Nandito kapa ba?" Nahalata ko naman sa boses na medyo Hindi siya mapakali. "Ella!! Lagot ka talaga saken, kapag natanggal to." Napangiti na lang ako. Umandar na naman ang pagiging mataray ng mahal ko.

Ella:"Shh! Wag ka ngang maingay love, pinag titinginan na nila tayo dito." Sita ko sa kanya. Kinurit naman niya ako. "Aww! Ang sakit nun Jema ha!" Daing ko.

Jema:"Ikaw kasi! Puro ka kalokohan, alsin mo na kasi itong panyo sa mata ko. Pati anong love yang pinag sasabi mo? For your information, hindi pa po kita sjnasagot. Kaya wag kang atat." Sabi nito saken. Nandito na kami sa loob ng plane at pinaupo siya.

Ella:"Aalsin kona yung blind fold mo, pag kabilang kong tatlo. 1..2..3." Inalis kona ito. Nag adjust pa siya kasi matagal na naka blind fold siya. Nasusulo pa siya sa liwanag. At nung ayos na ay ganun na lamang lumaki ang kanyang mga mata nung mapag tantong nasa loob kami ng isang private plane.

Jema:"Ella, don't tell me.." Nan lalaki ang mata nito at putol putol pa ang sinasabi. "Don't tell me..nandito tayo..sa loob ng..ng isang plane?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango naman ako. "OMG!! Tayo lang dalwa dito? Paano? Nerenta mo ba to? Siguro ang laki ng ginastos mo para dito. Ella naman, sana dun lang tayo sa malapit. Bakit kaylangan pa nating sumakay ng plane. Teka, saan ba ta--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya sa gilid ng lips niya. Ang dami kasing sinasabi e. Nakakarindi.

Ella:"Oh okay na ba? Pwede po bang pag explain-nen mo muna ako? Okay po?"Kita ko namang tulala pa siya so nag patuloy ako. "First of all hindi ko po ito nerenta. Pamana lang ito saken ni Lolo, yes. Mayaman si Lolo. Ngayon ko lang to ginamit simula nung nawala siya, kasi espesyal to sakin. Ito yung lagi naming ginagamit sa tuwing gusto naming pumunta sa iba't ibang lugar. Sorry kong nagulat ka at ngayon ko lang sinabi. Gusto lang kasi kitang i-surprise. Wag kana po magalit please?" Nag pout naman ako at puppy eyes. "And yes uli, tayo lang dalwa dito bukod syempre sa flight attendant at sa pilot na mag papaandar nito. And kong sa tingin mo sasabihin ko sayo kong saan tayo pupunta, pwes nag kakamali ka. Secret lang muna. Aww!! Nakakadalwa kana ha!" Kinurot na naman niya ako. Ang sakit kaya. Mamaya pasa na to. Ang hilig niya kasing mangurot sa hita.

Jema:"Puro ka na naman kasi kalokohan. Kaylan ka ba mag titino? Ha?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Minsan naiisip kong parang si Dennise din to sa tuwing tinatarayan si Besh Ly. Ewan ko ba sa mga to ang hilig hilig mag taray tapos yung kilay na akala mo lagi mawawala na sa pag kakapantay kong makataas.

Ella:" Kapag sinagot mo na ako. Mag titino ako kapag tayo na." Sagot ko naman at ngumiti.

Jema:"Paano magiging tayo e hindi mo pa nga ako tinatanong." Bulong nito pero rinig ko naman.

Ella:"Ano?" Kunwareng hindi ko napakinggan ng ayos.

Jema:"Wala! Sabi ko gutom na ako. Wala ba ditong foods?" Tanong nito saken. "Wait ka lang Jema. Tatanongin na din kita mamaya." Sabi ng isip ko.

Ella:"Syempre naman, pinag handaan ko to e. Rhian!" Tawag ko sa isang flight attendant. "Yes po miss Ella? Gutom na po ba kayo? Ipadala kona po diyan sa table niyo yung mga pagkain." Sabi nito saken. "Yes, please! Gutom na kasi tong love ko." Nag wink naman ako kay Jema. Nakatanggap naman ako ng isang hampas sa braso. Yumuko naman ito. Eyy ang cute lang pag nahihiya.


Nakalapag na ang sinasakyan namin at bumaba na din kami. Inalalayan ko naman si Jema.


JEMA'S POV

Ella:" Welcome to Iloilo City, Jema!!" Biglang sigaw ni Ella, pag ka baba namin. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at oo nga. Nasa Iloilo kami. Wow. "Do you know why Iloilo is known as the heart of the Philippines?" Napatingin naman ako sa tanong niya.

Jema:"Hindi! Bakit nga ba?" Curious na tanong ko. Bakit kaya kilala ang iloilo bilang puso ng Pilipinas?

Ella: Para pandagdag sa iyong kaalaman Jema. Pwes ito na yun.Flash report Miss Jema Galanza. The province of Iloilo is famously known as the Heart of the Philippines since it is located in the middle of the archipelago. But! Hindi lang yan. Its capital, Iloilo City, is also known as the City of Love, and Ilonggos are famous for being soft-spoken and sweet. Oh diba. Wag kang mag alala nakuha ko lang yan sa google HAHAHA." Tumawa naman ito ng malakas. Luko talaga kahit kaylan. Akala ko seryoso na.

Lumapit naman ako sa kanya at pinag hahampas.

Jema:"Luko ka talaga kahit kaylan. Akala ko seryoso na, inuuto mo lang naman ako. Hindi ko alam bakit kita pinayagang man ligaw." Inirapan ko naman siya. Bwesit talaga.

Ella:"Bakit ba? Seryoso naman ako ah. Nag pakahirap pa nga akong mag research para dyan. Tapos ito lang aabotin ko sayo. Unfair." Irap din niya at tumawa. Inirapan ko uli siya at nag lakad na palayo.

"Bahala ka diyan sa buhay mo!" Inis na sabi ng isip ko.

Nag lakad ako ng nag lakad at ramdam kong hindi niya ako sinusundan kaya napatingin uli ako sa pwestong pinag alsan ko. Wala siya dun. Hala. Oh no! Hindi ko pa naman kabisado to. Ella naman e! Nasan na ba siya? Nilibot ko uli ang aking mata pero hindi ko siya mahagilap.

"Nasan kana ba, ells? May balak ka bang iwan ako dito?" Natataranta na ako dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla namang may humablot saken. Hindi ako makasigaw, dahil tinakloban niya ang bibig ko. Ano ba naman to. Gusto kong isigaw ang pangalan ni Ella, pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa pedeng mangyari saken. Bakit ba kasi nag walk out ako? Edi sana hindi ako iiwan ni Ella dito. Ang tanga tanga ko naman kasi.

"Please, Ella! Tulungan mo ako dito!" Napabulong na lang ako sa hangin, kahit alam kong hindi ito makakaabot sa kanya.

Unti unti namang nang hina ako. Nilagyan siguro nila ng pang patulog yung panyo na nasa mukha ko.

"Ella! Mahal kita pero sorry!" Ungot ko.

Bago pa ako nawalan ng malay ay may narinig akong nag salita. Yung may dala dala saken ngayon.

"Sorry Jema, pero kaylangan ko tong gawin." Kong hindi ako nag kakamali, boses iyon ni Ella.

At boom. Nawalan na ako ng malay. Nakatulog ako sa kanyang bisig.




The day we met Where stories live. Discover now