TDWM 24

717 16 0
                                    





JEMA'S POV


Hay isang linggo na ang nakalipas simula ng nag balesin kami. Simula din nung araw na yun parang nakumpleto kong ano ako, para bang may nawawala saken na ngayon nabuo na. Ang sarap lang din sa feeling na may taga hatid sundo ako. Hindi sa paraang may nagiging driver ako, pero yung bang may nandiyan lagi para sayo. Yung may nasa likod mong nakaalala'y yung ganun.

Pag kauwi kasi namin galing Balesin, tinanong ako ni Ella. Oo ella na yung tawag ko sa kanya, dapat kasi ate kaso ayaw daw niya. Nung una nga na nag kita kami sa Balesin siya din pala yung nakabanggaan ko sa mall. Tanda niyo ba yun? Nung nalaman ko kong sino siya at ilang taon, tatawagin kona sana siyang ate. Kaso yun nga ayaw niya, pero yung sa loob ko na din ang nag sasabing huwag ko siyang tawaging ate kasi parang may something e. Meron talaga. Hindi ko alam kong ano yun, pero malalaman ko din yan sa tamang panahon.









FLASHBACK


Ella:"So Jema? Anong ganap mo sa buhay? Trabaho? Meron ka?" Ella asked. Tumingin naman ako sa kanya at tumango.
Jema:"Ganap ko sa buhay?" Tanong ko uli sa kanya and she nodded. "Ahm isa lang naman akong nag mamayari ng 5star hotel na kilala dito sa pilipinas char hahaha." Biro ko sa kanya. "Joke. May bakery shop kami pero akin na yun ngayon. Saken pinamana ni tatay." Sabi ko sa kanya.
Ella:"Wow! Saktong sakto yun saken." Tuwang tuwang sabi niya. Nag taka naman ako.
Jema:"Ha? Anong sakto sayo?" Takang tanong ko.
Ella:"Edi may matatambayan na ako. Dun sa shop mo, libre na ko dun lagi ha." Sabi niya saken. "Aba Ang takaw pala nito." Sabi ko sa sarili ko.
Jema:"Baka naman malugi ako niyan? Pero hayaan mo pag pumunta ka dun lalagyan ko ng discount yung sayo." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Napatingin naman siya saken at ngiting ngiti. "Aww yang ngiti mo talaga Ella nakakainlove. What? Did I say nakakainlove? Hala! Oh no!" Kinakausap ko na pala ang sarili ko ng bigla akong tinapik ni Ella.
Ella:"Hey! Are you okay? May problema ba or did i say something bad?" Nag alala niyang tanong.
Jema:"Ah ano-- ah okay lang. May naisip lang ako." She said.
Ella:"Are you sure? Gusto mo mag pahinga ka muna? Mamaya pa naman tayo aalis." Paninigurado niya saken.
Jema:"Ah sige papahinga muna pala ako." Iwas ko sa kanya. "Ikaw din." At pumikit na ako.
Ella:"Okay! Just call me if may problema. Okay?" Nag mulat uli ako at tumango sabay ngiti.







END OF FLASHBACK



Simula nung araw na yun mas lalo akong na confused sa nararamdaman ko. Sa tuwing kasama ko siya at nag kakalapit kami, para saken buo na agad yung araw ko. Natatanggap ko na parang naiinlove na ako sa kanya. Oo sa isang linggong pag ka confused ko, inaamin kona at tanggap ko.

Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Hindi tulad ng iba na kaylangan mo pang mag hanap ng libo libong dahilan, para mapamahal ka sa kanya. Siya lang sapat na. Napaka effortless nga e. Wala akong masabing dahilan. Siya lang. Siya lang talaga mismo. Ewan koba? Ganun naman diba yung iba? Magugulat kana lang na naiinlove kana pala dun sa isang tao, kahit wala pang ginagawa sayo. Hindi pa siya nag eeffort para sayo, pero nararamdaman mo na agad.

Ang daya nga e. Dapat pa dalagang pilipina muna ako, yung pa hard to get muna. Yung susuyuin muna niya ako, kaso siya wala pang ginagawa halos mag lulumpasay na ako dito.

Alam mo, palibhasa alam mo kong pano ako kunin. Isang ngiti mo lang. Isang kamusta kana. Isang nakakain kana ba? Tara sabay tayo. Isang goodluck. Isang take care. Wala na. Nag liliparan na yung mga butterflies sa tiyan ko. Yung puso ko halos lalabas na sa sobrang lakas ng tibok. Kasi dahil yun sayo.

Nakakabading ka Jorella Marie? Alam mo yun?



So yun lang naman yung ganap ko sa isang linggo na yun. Hatid sundo niya ako. Tapos pag lunch at busy siya. Magugulat na lang ako na may pa deliver na food na nadating o kaya naman pag free siya napunta siya dito tapos may food na dala. Pinag mamalaki pa nga niya saken na siya daw nag luto nun, pero in fairness napaka sarap.

Sabi nga ni na ate Jia, tumaba na daw ako. Pansin ko din naman yung ba namang may pa food lagi. Tapos hindi ka makakatiis na hindi kumain kasi nakakatakam. Tingin pa lang, nakakabusog na. Lalo na yung chicken na luto niya. Fried chicken pa lang yun, pero? Ang sarap promise. Hindi ako nag bibiro.




















The day we met Where stories live. Discover now