TDWM 32

747 16 0
                                    

Hello guys!👋🥰
Sorry po kong ngayon na lang po uli ako nakapag update, ito na lang po muna ngayon. Bawi na lang po uli ako, nag fo-focused po muna kasi ako sa pag aaral. Sana po suportahan niyo pa din po ako. May bago po akong story, sana po mabasa niyo. Tittle po nito is "Hanggang kaylan?" Jella story din po ito. Thankyou po!🥺🙏




6 months ago...

Ang dami ng nangyari sa loob ng six months. Nandun yung hatid sundo ako ni Ella. Lagi niya akong pinag dadala ng lunch/food. Inaaya niya akong mag dinner at madami pa. Walang araw, oras, minuto, segundo na hindi niya pinaramdam saken na nag iisa ako. Nandyan siya palagi para damayan ako. Oo. Alam kong paulit ulit, pero ito talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Napaka thankful ko because pinaparamdam niya talaga saken na mahal niya ako. Mahal na mahal at ramdam ko yun.

Sa loob din ng six months na yun, wala na akong nabalitaan tungkol kay Tots. Hindi na siya nag papakita at nag paparamdam, simula nung araw na yun. Okay na din saken yun at least hindi ko makikita pag mumukha niya. Natatakot din ako, kasi kapag nakita siya ni Ells baka kong ano pang mangyaring kaguluhan.





ELLA'S POV

6 months na ang nakalipas. Yes, six months na. Bukas ko na siya tatanongin, siguro sapat na yung anim na buwan na pan liligaw ko. Matagal tagal na din yun. Ngayong araw na to. September, 13, 2022, hinahanda kona ang gagawin ko for tomorrow. Gusto ko na matutuwa siya at maging memorable yung araw na yun for her. I will ask her if pwede na ba.I will ask her if okay na ba akong pumasok sa puso niya. Will she allow me to be her girlfriend? If yes, I will make sure na I will do my best and everything so that hindi niya pag sisihan yung matamis niyang pag sagot saken.




Kinabukasan...

Whoa! Ito na! Today is the day! Ngayong araw na to, ibibigay kona lahat lahat ng best ko. Lord, sana naman po hindi ako bastedin ng mahal ko. Bigay niyo napo to saken, pero kahit anong mangyari tatanggapin ko pa din naman po yung sagot niya. Hindi ako masyadong mag papakampante na sasagotin niya agad ako. Bawal munang mag overthink ngayon.

"Kaya ko to! Fighting!" Pag papalakas ko sa aking loob. Huminga ako ng malalim at nag tungo sa condo ni Jema. Kahapon din nag punta ako sa bahay nila, sinabi ko sa parents niya at kapatid na tatanongin kona ang anak/kapatid nila na kong pwede bang maging girlfriend ko siya. Laking tuwa naman nila kasi finally daw nagkaroon na ako ng lakas ng loob para mag tanong, kasi naiinip na daw sila hahaha. Mas excited pa nga sila saken. Ako naman tong kabado.

Sana maging maganda ang kalabasan nito. Pleasee!!

Makalipas ang ilang oras, nandito na ako sa tapat ng pinto ng condo ni Jema. Huminga ulit ako ng malalim, siguro mga 100 na tong buntong hininga ko simula kaninang umaga. Hindi na kasi ako natapos kakahinga. Kasi naman kinakabahan ako. Hindi ko alam kong maayos ba tong suot ko, baka hindi niya magustuhan at yung venue nung Lugar na pupuntahan namin. Sana talaga.

Kumatok ako ng tatlong beses at bigla itong bumukas. Nakasuot siya ng dress. Red dress at ang..."Ang ganda niya f*cksh*t!!!"  Tumingin tingin ako sa kaliwa't kanan ko kong nananaginip ba ako. Hindi naman. Bakit bigla akong nakakita ng isang napaka gandang anghel? Hala? Kukunin na ata ako ni Lord at itong babaeng nasa harapan ko ay ang mag sisilbing taga sundo ko. Hindi pa ako handang kunin ni Lord, pero kong ito naman ang mag hahatid saken. Why not? Kumbaga grab the opportunity na agad. Wink (⁠◠⁠‿⁠◕⁠).

Jema:"Hoy! Tulala kana dyan?" Sabi saken ni Jema at sh*t lang talaga. Yung boses niya ang sarap sa boses. Bakit ganun? May problema na ba ang tenga ko? Sabihin niyo saken.

Ella:"Tell me, nananaginip lang ba ako? Bakit ako nakakakita ngayon ng isang anghel sa harapan ko? Napaka ganda mo Jemalyn!" Puno ng pag kahangang sabi ko. Mahina naman niya akong pinalo sa braso. Bago pa ito yumuko ay nakita ko pang bahagya siyang namula. Kasing pula ng kulay na suot niyang dress.

Jema:"Tara na nga, puro ka lang bola diyan!" Kumapit na ito sa aking braso at nag simula na kaming mag lakad papunta kong nasaan ang aking kotse.




The day we met Where stories live. Discover now