TDWM 11

815 15 2
                                    

Ngayon na ang araw na mag ma-mall silang tatlong mag kakaibigan. Humiwalay si Jema, dahil may titingnan daw ito. Kaya ang dalwang natira ay naisipang mag hanap na lang ng restaurant na pwede nilang kainang tatlo at itetext na lang daw nila ito kong saan.




Jema's POV


Kasalukuyang nag lalakad ako ng may mahagip akong isang pamilyar na pigura ng babae na hindi katangkaran at parang nakita kona ito dati. Agad kong hinabol ng tingin, hindi ko makita ang mukha nito sa kadahilanan na nakatalikod. May kasama itong dalwang babae at yung isa ay umuna na at sumunod naman ito  kasama yung isa na parang nag tatawanan pa.


Pamilyar saken yung babae na yun ah, pero sayang hindi ko makita yung mukha. Hindi ko maaalala kong saan ko ito nakita, pero pamilyar talaga to saken. Hayy makakalimutin na talaga ako...hayae na nga lang, sumasakit lang ulo ko kakaisip kong sino iyon. Hindi naman mahalaga yun para alalahanin kopa. Nag kibit balikat na lang ito..Bigla namang tumunog ang phone niya. Tiningnan niya ito at may text ni ate Jia..
"Nandito kami ngayon sa Jollibee" "Tinatamad na kaming mag hanap pa ng ibang makakainan, kaya dito na lang hahaha." [ps tinatamad nadin si author mag isip ng pwedeng restaurant hahaha.] Hindi na ako nag reply at nag tungo na lang ako sa Jollibee.

Hindi din nag tagal ay nakarating nadin ako sa Jollibee at agad kong nakita sina ate Jia.

Jia:Oh Jema! Nakapag tingin tingin kana ba? Tanong nito...
J:Oo ate Jia. Nakapag order na ba kayo?..
K:Teka! Ano ba kasing tiningnan mo? Baka naman nag hahanap ka lang ng malalandi ha? Hahaha..
J:Oy hindi ha! Ikaw talaga, sari sari naiisip mo tsk. Inis na sabi nito..
Jia:Eh baka nga yun talaga ginawa mo Jema? Sabay tawa ni ate Jia..HAHAHA.
J:Eh ate Jia naman! Pati ba naman ikaw? Nahahawa kanadin diyan kay kyla, kong ano ano na naiisip. Inirapan ko naman silang dalwa at tinawanan lang nila ako..Omorder kana Kyla, tatawa tawa kapa diyan..Mataray kong sabi..
K:Hoy wag mo nga akong tarayan diyan madam fyi kaya kami hindi pa naorder kasi iniintay ka namin. Hindi naman alam kong anong gusto mo..Pinanlisikan naman ako nito ng mata..
J:Hindi mo pa alam? Eh Jollibee lang naman ang kakainin nation natural puro chicken. Mataray kong sabi dito.. Jollibee lang naman kasi yung kakainan namin, syempre puro chicken lang nandito ito talagang si kyla kainis..Baka sabihin mo tinatamad ka lang mag order?! HAHAHA..
K:Eh bahala ka na nga! Ate jia Ikaw na nga mag ano dito kay Jema. Naiinis lang din ako.
Jia:Kayong dalwa mag aaway na naman tsk. Ako na nga ang oorder. Mag sosoftdrinks ba kayo or water na lang? Tanong samin ni ate Jia..
K:Ako ate mag sosoftdrinks. Ewan ko diyan kay Jema. Sabay irap...
J:Pinanlakihan ko ito ng mata at sumagot na kay ate Jia..Ako ate water na lang. Humingi ka ng madaming gravy ate ha. Pahabol ko dito sabay ngiti ng malapad..Inirapan lang din naman ako ng huli. Hahaha napag utusan pa si ate Jia. Umalis na si ate Jia at naiwan kaming dalwa ni Kyla..Nakatingin naman saken itong isa na parang may tinatanong..
J:Sabihin mo na kong may gusto kang sabihin. Hindi yung ganyan ka makatingin. Hindi na lang kasi diretsohin kong may sasabihin e.
K:So saan kaba talaga galing? Tanong nito saken..Agad ko naman itong sinagot.
J:Diyan nga lang nag tingin lang ng bagong labas na sapatos.
K:Nag tingin lang ng bagong labas na sapatos e parang may iba kapang ginawa e.
J:Hay naku hindi na naman ako nito patatakasin kaya sinabi kona yung nakita ko kanina..Ito na nga sasabihin na! Kasi habang nag uuli ako, may nakita akong isang pamilyar na babae. Hindi ko naman nakita yung mukha kong sino. Sino ba kasi yun? Kanina kopang iniisip. Pero teka nga, sabi ko kanina hindi kona iisipin yun pero ito na naman hayss...ang gulo ko talaga.
K:Hindi moba nakita yung mukha? Inirapan ko naman ito kasi sinabi kona ngang Hindi ko nakita yung mukha e.
J:Kakasabi ko lang na hindi e! Inis na sagot ko dito..
Jia: Hinabol mo ba para tingnan kong anong itsura? Halos mapatalon na kami sa upuan ng biglang mag salita si ate Jia. Ano ba naman to basta basta na lang nasulpot. Aatakin ako sa puso nito..
J:Ano ba ate Jia! Muntikan na kaming atakihin sa puso, hindi ka man lang nag paramdam na nandiyan kana. At basta basta kana lang nag sasalita.
K:Kaya nga ate Jia hoo grabe ka! Hawak naman ni Kyla ang dibdib nito kong saan nakatapat ang puso nito..
Jia:Ewan ko nga sainyong dalwa! Kanina pa akong nandito, nakikinig sainyong usapan. Hindi mo ba hinabol yung babae para nakita mo Yung mukha? Ulit na Tanong saken ni ate Jia..
J:Hindi ate e! Sakto nung nag text ka nawala na din sila, pero may kasama siyang dalwang babae. Nag tatawanan pa nga sila nung isa. Ay naku hayaan na nga lang natin yun. Sumasakit na talaga ulo ko kakaisip dun.
K:Sus! Hayaan ka diyan. Mamaya naman tulala kana at inaalala mo na naman yun. Hindi kaya si Ella yun yung nakita mo? Napatingin naman ako kay Kyla nung sinabi niyang si Ella.
Hala hindi nga siya yun? Pero bakit naman siya nandito? Pero imposible namang si Ella yun. Pero pede din naman siya yun. Pero Hindi talaga. Hayy Hindi siya yun..
Oh ang dami mo na agad naisip diyan Jema? HAHAHA wag ka ngang ano diyan. Sinabi ko lang na si Ella, pinag pantasyahan mo na agad yung tao hahaha. Hay naku tong babaeng to talaga! Tama Hindi talaga si Ella yun..Pangungumbinse ko sa Sarili ko..
Jia:Siya tama na! Ayan na yung inorder kong pagkain, kain na tayo. Aya samin ni ate Jia..Tumigil nadin kami sa pag uusap ni Kyla, dahil kanina pa kaming gutom dalwa hahaha. Kaya away away muna, chikang mag kakagalit kami kapag nakain hahaha.

Natapos na din kaming kumain at kaylangan na naming umuwi. Nag paalam na kami sa isa't isa at ngayon ay nakasakay na ako sa kotse ko.

Hay hindi naman siguro si Ella yun. Pangungumbinse ko ulit sa Sarili ko..Ano ba naman to puro si Ella na lang naiisip ko shit. Mamaya nasamid na yun kakaalala ko sa kanya hahaha. Okay last na. Anong problema kong si Ella man yun? Diba? Wala naman diba? Kaya nga...Hayss..












Hello readers!👋🥰
Sorry ngayon lang ulit ako nakapag update. Nag pahinga muna kasi ako ng ilang araw, kaya ayun hindi muna ako nakapag update na susunod na story nito. Sana po patuloy pa din kayo sa pag babasa nito at sana mas dumami papo. Suportahan niyo din po yung iba pang mga author na nag gagawa ng story ng Jella dito sa wattpad. Yan napo ang POV ni mare mo Jema hehehe.Yun lang po and I thank you!😘💗

The day we met Where stories live. Discover now