TDWM 15

852 21 3
                                    

Kakalapag lang ng sinakyan nilang private jet at nag tungo naman sila ngayon sa arrival area para kunin ang room key at iba pa. Ngayon naman ay pupunta na sila sa villa na nakuha nila. Pinili ng mag kakaibigan sa tahimik at private na parte ang kanilang titigilan.

Katabi nito ang main pool at clubhouse.

Matapos ang ilang minuto na pag aayos at pag iisip kong sino ang mag kakatabi tabi. So ang mag katabi ngayon ay si Aly-Den, Lau-Ells, Kyla-Jema and Amy-Jia. Mag partner ngayon si Amy at Jia. Si kyla sana ang kapartner ni Jia at dapat sina Amy at Jema, kaso yun nga hindi naman daw sila close so ayun hahaha..

Busy silang lahat sa pag aayos ng kanilang gamit sa kwarto na kanilang titigilan. At habang nag aayos ay lumapit naman si Ella kay Amy na binubuklat ang bag nito.

Ella:"Hey! Ikaw ha? Nakatabi mo lang si Jema kanina sa private jet na sinakyan natin, hindi mo na ako pinapansin?! Tapos nakausap mo pa kanina." Himig inis na sabi nito..






FLASHBACK

Dahil parehas silang may labis sa mag kakaibigan ay ang pinag tabi na lamang sa upuan ay si Amy at Jema. Ayaw kasing humiwalay ni Laura kay Ella na siyang dapat kapartner ni Amy. Kaya walang nagawa si Amy kundi bumukod at si Kyla naman ay sinabing si Jia daw muna ang gusto nitong katabi, dahil may pag uusapan daw silang dalwa.

Mag chichika na naman tong dalwang to for sure..Sabi ni Jema sa isip nito.

Kaya walang nagawa si Amy at Jema kundi mag tabi. Naunang umupo si Jema kaysa kay Amy kaya siya na ang umupo sa tabi ng bintana. Maya maya naman ay dumating nadin si Amy.

Alanganing lumapit si Amy sa tabi ni Jema para umupo.

Amy:"Ahm hi? I'm Amy Ahomiro! You can call me Amy or kiwi but my friends call me kiwi. But it's okay if you called me kiwi because we're friends na naman."Mahabang pakilala at paliwanag nadin ni Amy..

Napatingin naman sa kanya si Jema. At ngumiti pero halata mong nahihiya.

Hala omg lord englishera pala tong napatapat saken huhuhu..Wait hindi ko ata kakayanin to parang mag dudugo na ilong ko sh*t!!  Hindi mapakali si Jema sa naiisip niya. Nahihiya siya kasi baka pag nag salita siya at sala yung pag kakasabi niya ay mami misinterpret siya nitong kasama niya.

Napansin naman ito ni Amy kaya agad siyang nag salita pero this time tinagalog na niya. Tumingin muna siya kay Ella at tumango naman ito.

Amy:"Ah may problema ba?" Tanong nito sa katabi.."Sorry! Nagulat yata kita." Hinging paumanhin nito..

Napabalik sa katinuan ang isip ni Jema na marinig na humingi ng paumanhin ang katabi niya. Kaya agad siyang nag salita.

Jema:"Okay lang, medyo nagulat lang din ako. Ako nga pala si Jema. Jema Galanza." Pakilala din nito..
Amy:"Oh so you're Jema pala ah!" Manghang sabi nito sa katabi..Natigilan naman si Jema sa sinabi ni Amy at biglang naalala niya noong nag kakilala sila ni Ella sa parking lot ng mall. Confirmed nga na mag kaibigan. Parehas na parehas sila ng sinabi noong nag pakilala din ako..Agad naman siyang sumagot sa sinabi ng katabi niya. Baka kong ano na isipin nito saken pag lagi na akong na sspace out sa harapan niya.
Jema:"Oo ako si Jema!" Sagot nito at bigla na lang naging awkward ang paligid nila matapos sumagot ni Jema..Matapos ang saglit na katahimikan ay bigla ulit nag salita si Amy.
Amy:"So Jema do you have a boyfriend or girlfriend ngayon?" Kapal mukhang tanong nito..Ito kasi ang dahilan kong bakit nag katinginan din sila ni Ella. Hindi dahil pinapatanong ni Ella kong may bf ito or gf kundi huntahin daw niya ito para hindi mahiya. At maging comfortable siya sa mga nakakasama niya. (Oh diba ang bait lang ni donya wink.)
Nagulat naman si Jema sa tanong ng katabi niya pero agad ding sumagot.
Jema:"Ah naku wala pa akong boyfriend or girlfriend ngayon."
Amy:"But man liligaw meron?" Tanong ni Amy hindi naman kasi ito dapat yung mga itatanong niya, pero wala kasi siyang maisip kong anong pwede kaya ayan na lang tinanong niya..
Jema:"Ah meron naman." Maikling sagot ni Jema..
Amy:"Sino?" Sobrang kapal na talaga ng mukha ni Amy at tuloy tuloy pa din sa pag alam tungkol sa love life ni Jema hahaha..
Jema:"Si tots. Tots Carlos." Walang pag aalinlangang sagot ni Jema. Napa smirk naman si Amy..Ang bagal mo naman ells. Mamaya naunahan kana nitong tots carlos na to. Sa isip ni Amy..
Amy:"Oh Tots Carlos I guess babae to right?" Tanong muli ni Amy..Tumango na lang si Jema bilang sagot. "I think maya na uli tayo mag usap hahaha. Antok pa din kasi ako, alam mo na maaga nagising kanina para mag handa. Kaya mag papahinga na ako. Ikaw din pahinga kana kong gusto mong matulog go wala namang problema saken yun." Mahabang sabi nito with ngiti pa..
Jema:"Sige thankyou!" Yun na lamang ang nasabi ni Jema sabay sinuklian din niya ito ng napaka tamis na ngiti..

END OF FLASHBACK

Binatukan naman ni Ella si Amy na biglang natulala..

Amy:"Ouch ang sakit Ella ha!" Daing na sabi nito..
Ella:"Ouch ouch e nag space out kana diyan kanina pa. Kanina pa kitang kinakausap. Mataray na sabi ni Ella sa kaibigan..
Amy:"You know kong inuuna mo muna yang pag aayos ng gamit mo kaysa sa pakikipag huntayan saken baka kanina ka pang tapos."
Ella:"Ay kong kanina kapadin nag kekwento edi sana tapos nadin tayong dalwa." Balik na sagot ni Ella dito..
Amy:"Oo na! Later I will tell you kong anong pinag usapan namin. Basta tumigil kana diyan at ayosin mo gamit mo." Sukong sabi nito..Ang kulit ba naman kasi nitong si bulinggit.
Ella:"Okay good, thankyou!" Ngiting ngiting sabi nito sabay yakap pa at flying kiss..Napailing na lang si Amy sa kaibigan niyang makulit pero napaka lambing din..








Hello readers!👋🥰
Ito po muna uli sangayon ang update ko. Baka po matagalan po uli ako sa ssunod na update, kaya sana hintayin niyo padin po ako hehe. Hinabol ko lang po talaga itong last update ko ngayong araw at antok na antok napo talaga ako hahaha. Thankyou po sa lahat ng nag babasa at nag vovote po dito. Comment nadin po kayo para mas goods and sabihin niyo kong naiintindihan niyo papo yung story at nakakahabol kayo sa imagination ko HAHAHAHA. Baka kasi litong Lito na kayo diyan.
Yun lamang po and I thank you!😍






The day we met Where stories live. Discover now