25

4K 82 10
                                    

Astrid's POV

This is it!

Today is the day I will officially be a Lopez, and Ryker's wife

I am looking at myself in the full length mirror of my hotel room, wearing my wedding gown and tiara with my veil attached to it.

When Ryker asked me kung ano daw yung mga gusto kong idagdag sa details ng kasal namin, I've thought of something unusual na ginagawa sa kasal.

Like the first look of the family sa bride, pero hindi kasali si Ryker at Felize, they will wait for me sa altar and doon lang nila ako makikita kapag nasa harapan na nila ako.

I also want Cali and Felize to have the same dress.

Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, one of the organizer knocked and informed me na andun na yung pamilya namin ni Ryker sa may garden ng hotel.

Inalalayan nila ako bumaba at papunta sa garden. Napapatingin yung ibang guest dito ng hotel dahil nga sa suot ko, tapos vinivideohan din ako ng videographer at photographer namin.

Nang makatayo ako sa likuran nila, inayos ng organizer yung buntot ng wedding gown ko at pinaharap sila sa akin.

"Holy fuck!"

"Oh my gosh!"

Natawa ako sa mga reaksyon nila at niyakap nila ako.

Si Tito at Tita naman naiiyak kaya niyakap ko sila.

"Ang ganda ganda mo, anak" sabi ni Tita

"Tita naman eh! Wag niyo ko paiyakin"

"Sorry na, ang ganda ganda mo kasi eh. Naalala ko noon sabi mo pa buong buhay mo single mom ka nalang, tapos tignan mo ngayon, nakasuot ka na ng wedding gown at ikakasal na"

"Super saya ko, sis. Super proud at super saya ko para sayo"

"Masaya rin kaya sila Mama at Papa para sakin?"

"That's for sure, anak. Kami nga naiiyak sa sobrang saya eh."

"Sana nga po" sabi ko at ngumiti

"Ang ganda ganda mo, Astrid" sabi ni Ina

"Maganda ka rin kaya nung kasal mo, nainggit nga ako sayo nun eh"

"Sus! Pareho nalang tayo, baka dito pa tayo mag-away eh" sabi nya at tumawa kami

"Pakiramdam ko hihimatayin ang groom mo kapag nakita ka" sabi ni Dad

"Grabe kayo kay Ryker. Hindi yun, naniniwala akong hindi hihimatayin yun" sabi ko at nagtawanan kami.

"Anyway, here's my wedding gift to you. Kasi kayo ni Ina ang magmamana ng mga accessories ko, dahil baka ipagbebenta ng dalawang bugok ang mga alahas ko" sabi ni Mom at nilagay ang kwintas na pinupuno ng dyamante, ang bigat sa leeg!

"It suits your dress"

"Thank you, Mom" sabi ko at niyakap sya

Hindi rin katagalan pumunta na kami sa simbahan.

Inalalayan ako nila Rox at Yza at inayos ang dress ko nang makatayo ako sa may labas ng simbahan.

"Ang pretty mo! Para kang hindi nanganak 4 months ago"

"Grabe kayo. Thank you for being my bestfriends, kayo yung unang nakaalam na single mom ako and yet you never judged me"

"Syempre! Ang ganda ganda kaya ng anak mo! Tsaka we're all adults to be bitchy and mean girls. Tapos na tayo sa era na yan."

"Bitch parin naman tayo, pero sa mga taong di deserving ang kabaitan natin lang" sabi ni Rox

Iniwan na nila ako mag-isa dito at naghintay nalang ng pagbukas ng pinto.

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now