1

9K 113 36
                                    

Astrid's POV

"Hon...."

Halos hindi ko alam ang sasabihin ko kay Raymark

Andito kami sa park na tinatambayan namin lagi after school

Nasa 1st year College ako, at si Raymark naman nasa 3rd year College na at varsity sya ng tennis dito sa school namin

Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko dahil hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya ang sinabi ng doctor kanina sa akin

"What is it, Hon? Gusto mo na bang umuwi?"

Umayos ako ng upo at hinarap ko sya.

Huminga ako ng malalim bago ko sinalubong ang mga tingin nya.

"B-Buntis ako.... 3 weeks"

Halata ang gulat sa mukha nya, pero wala akong makitang saya, ni katiting man lang.

It's pure shock and disappointment

"Tangina, hindi magandang biro yan Leiah"

"I'm not joking, Mark. Galing ako sa doctor kanina katulad ng gusto mo, magpacheck up ako sa OB para makapag-take na ako ng pills, kaso lumabas na positive ang pregnancy test ko" paliwanag ko habang nakayuko at hinahayaang tumulo ang mga luha ko

"Putangina, Leiah! Alam mo bang papatayin tayo pareho ng magulang natin? Lalo ng magulang ko! Alam mong pulis ang tatay ko! Papatayin ako ni Papa!"

"S-Sorry..... P-Pareho naman nating ginusto to eh"

"Ang gusto ko ligaya, hindi responsibilidad, Leiah! Tangina! Ipalaglag mo yan kung ayaw mong maghiwalay tayo! Bwisit sa buhay!" He said and left me sitting here on the grass.

I just cried hanggang sa kumalma ako

"Sorry, baby. Don't worry, mamahalin ka ni Mommy, ha? Baka nagulat lang si Daddy mo" pagkausap ko sa 3 linggo kong tyan

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga.

Kinabukasan, kakausapin ko sana ulit si Raymark, ang kaso nakita kong may kahalikan sya sa may gym na isang cheerleader

"R-Raymark?!" Gulat na saad ko sa nakikita ko. They are making out!

"Layas! Tapos na tayo! Kadiri ka!" Sabi nya at inakbayan ang babaeng ka-make out nga at iniwan ako dito.

I was once again left alone and crying.

Alam kong masama sa buntis ang umiyak, pero ito lang ang way ko para ilabas ang sakit.

Pagkatapos ng klase ko, naglakad nalang ako pauwi, gusto ko muna mag-isip isip, gusto ko muna mapag-isa

Iniisip ko rin kung paano ko sasabihin sa magulang ko na buntis ako. Tama si Raymark, papatayin kami pareho ng magulang namin.

Sobra akong nahihiya lalo kay Kuya dahil sya ang nagpapaaral sa akin, tapos ganito lang mangyayari.

Pagkauwi ko ng bahay, isang malutong na sampal ang agad na sumalubong sa akin.

Gulat kong tinignan ang tatay ko na sampal ang sinalubong sa akin at kitang kita ko ang galit sa mga mukha nila, namumula sila sa galit.

"P-Pa–"

"Huwag na huwag mo akong tatawaging Papa! Wala akong anak na disgrasyada!"

"Leiah naman! Yan ba ang isusukli mo sa Kuya mo na naghihirap magtrabaho sa abroad para lang matustusan ang pag-aaral mo?! Napakawalang kwenta mong bata ka!"

P-Paano nila nalaman?!

"P-Paanong....."

"Hindi na mahalaga kung paano namin nalaman! Putangina kang bata ka! Wala ka ng ibinigay sa amin kundi problema problema problema! Pati Kuya mo na nagpapakahirap sa abroad binigyan mo ng problema!"

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now