3

3.9K 82 8
                                    

Astrid's POV

"Bwisit ka talaga, Kuya! Bakit di ka nagsabing ngayon ka pala uuwi?"

"May surprise bang sinasabi?"

"Eh kahit na! Edi sana sinundo ka namin ni Felize sa airport"

"Ok na yan, ano? Babalik pa ko ng airport tapos tatawagan ko kayo tapos susunduin niyo ko?"

Si Kuya, byudo sya. Nakapangasawa sya ng amerikana sa US, after a year nung namatay parents namin, kinuhaan nya kami ni Felize ng passport at visa para umattend sa kasal nya. The reason why they got married early is because his wife has leukemia. 3 years silang magjowa, tapos nung 3rd year nila doon nila nalaman dahil nagcollapse daw sya, tapos nagpropose sya at nagplano ng madaliang kasal dahil may taning na ang buhay, nagrest sya ng 3 months sa trabaho at umuwi dito at bumalik din doon para magpatuloy, kaya hindi na sya nag-asawa ulit.

"Anyways kamusta yung inapplyan mo?"

"Naghihintay pa ako ng tawag kung poproceed ako sa initial interview, kahapon lang naman ako nag-assesment eh"

"Sure kang kaya mo magwork ah? Hindi ako pumayag para lang umiyak ka dahil sa hirap ng trabaho"

"Gusto ko ring makaipon para kay Felize, gusto kong maibigay yung mga gusto nya dahil anak ko sya"

"Oo na, oo na, kaya ko namang ibigay pangangailangan niyo eh"

"Kahit na, Kuya. Pero dapat magtira ka rin para sa sarili mo"

"Oo na po, bunso"

"Tito!!!"

Napalingon kami sa sumigaw galing sa kabilang kalsada.

May school bus kasi si Felize, kasama yun sa binabayarang tuition nila sa school. Tumingin sya ng kaliwa at kanan atsaka tumakbo papunta sa amin at yumakap sa Tito nya

"Kamusta ang baby princess ni Tito?"

"Ok na ok po. Na-miss kita, Tito!" She excitedly said

Kahit na wala syang tatay, naging masaya parin si Felize, dahil andyan si Kuya at Tito Jack na tumayong ama sa kanya at in-spoil sya.

"Mommy! Na-miss din po kita, ang tagal tagal ng school bus kanina, gusto ko na umuwi tapos i-hug and kiss ikaw"

"Sure ka? Eh kay Tito ka nga unang yumakap eh"

"Eh kasi, hindi ko po alam na dumating na si Tito eh. Mommy! I got perfect po sa exam namin kanina."

"Wow! Talaga? Ang galing galing talaga ng baby ko!" Sabi ko at hinalikan sya sa labi

Even just a 5 over 5 sa mga quizzes nya, I always compliment her for her to feel that I am proud of her, kahit na hindi sya perfect, pinaparamdam ko na proud ako sa kanya. I don't want to pressure her to the point na hindi na nya ieenjoy ang childhood nya at pag-aaral

Unlike before, my parents always compare me to Kuya, na si Kuya matalino at madaming medals, tapos laging pambato ng mga quiz bee sa school nya and graduated as Magna Cum Laude. Samantalang ako, I was never seen. I had more medals than Kuya when I was studying, I even won lots of quiz bees before, I was a Valedictorian nung Elementary and High School, and I am always praised by my teachers before, pero hindi nila alam yun kasi they never attended any quiz bee na sasalihan ko, they never attended my graduation, si Tita Evelyn at Tito Jack ang laging magulang na dumadating sa akin, and they never saw my medals, pero yung mga medals ko nakadisplay dito sa bahay nila Tita.

Kaya nung nalaman kong babae ang anak ko, pinangako ko sa sarili ko na never ako magiging katulad nila Mama. Hahayaan kong mag enjoy at mag explore ang anak ko, at susuportahan ko sya sa kahit anong gusto nya and I promise to protect her even if it means sacrificing my own life for her.

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now